Chapter 69

193 7 0
                                    

CHAPTER 69

     

        Natawa ako dahil sa mukha ni Sam. He was wearing a lion's mask,nakalugay ang may kahabaan niyang buhok kaya naman ay nagmumukha siyang babae.

    Nandito kami sa isang hotel  malapit sa gaganapan ng event,naghahanda na para mamaya. Ginagawa ang make up ko kaya naman nakaharap ako sa salamin at tanging repleksyon  lamang nila ang nakikita ko.

     "Damn,bro. You look gay!" Richard exclaimed that made me laugh more. Tumayo si Sam saka hinawi ang hairstylist niya. Hinawak ang kamay sa bewang saka pakembot na naglakad palapit kay Richard.

    "Hi Daddy... Want a night with me?"malanding turan nito saka  ginuhit ang kamay sa balikat ni Richard. Mabilis na umasim ang mukha ng huli.

    "Putang*na ang dugyot mo!" Sigaw nito kaya lalo kaming natawa. Humalakhak si Sam saka bumalik sa pwesto niya.

   "G*go, ang panget!"natatawang sabi niya rin sa sarili saka hinubad ang suot na maskara. Napailing ako bago lumingon ng may naramdaman akung yumakap sa bewang ko.

    "Wanna eat dinner before we go to the event?"he asked. Ipinatong niya sa balikat ko ang panga niya saka humarap sakin at malambing na ngumiti. Nag paalam kasing magbanyo ang bading na make up artist ko kaya may panahon itong maglambing.

   "Wag na,doon na tayo kumain."i said as i smiled at him.

    "Hmmm? Your not hungry?"he asked. I pouted.

   "Im not... But i want to eat pizza."I said that made him chuckled. Pinatakan niya ng halik ang  balikat saka leeg ko bago tumayo ng tuwid. Kinuha niya ang kanyang cellphone saka nagtipa roon.

   "5 minutes."he said as he kissed my forehead. Tumango ako saka ngumiti sakanya. He tapped my head and walked towards the bathroom. Siguro ay maliligo iyon. It's just 5:00 in the afternoon and we're already preparing for tonight.

     "Hey beautiful!" Napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. "How's my princess?"he asked that made me pouted.

   "Where did you go? Dad said your on your way around three o'clock yet you arrive at five!"Singhal ko rito na siyang ikinahalakhak niya. Sinara niya ang pinto saka inilibot ang paningin sa loob ng silid. Binigyan niya ng fist bump ang apat bago lumapit sakin ng may ngisi sa labi.

   "I miss you too, beautiful."he answered. Akmang hahalikan niya ako sa pisnge ng umisod ako ng bahagya bago umismid. He look at me as he raised his brows. I rolled my eyes, kunyare ay nagtatampo.

     "Saan ka nga galing?"I asked. Napakagat labi ito bago nagkamot ng batok. Napasiring ako,mukhang alam ko na ang dahilan.

   "I.. uh-.. I meet Rosa on my way here and.... Uh-"

   "She wants you back and you agreed then you two make out and forget about me... Rupok mo!"Singhal ko rito kaya sinamaan niya ako ng tingin. Rosa was his ex girlfriend- uh, i mean girlfriend, nagkabalikan na raw eh. Nakilala niya raw sa U.S, maganda naman. Maputi at mayaman. Medyo maldita nga lang at.... Play girl. Ito namang tanga kung pinsan pinapalampas lang.

   "Pinapunta mo ba ako rito paraasarin? Kasi kung iyon nga ay aalis na ako."masungit nitong sabi kaya napa ismid ako.

   "Hindi ako ang nag papunta sayo rito kaya wag kang maarte. It's dad who wants you to drive us."pasiring na sagot ko kaya naman ay napasimangot siya.

   "Ang dami nung pwede niyong maging driver rito eh."maktol nito wari ko ay nabitin. Mukhang natawagan siya ni Daddy kaya naalala niyang may lakad kami.

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now