CHAPTER 24

157 6 0
                                    

Chapter 24

RYS POV   

      Andito na kami ngayon sa cafe, kasama ko sina Riah,Vhane at Roy.Ewan ko ba sa lalaking Ito at sa amin sumasama.

   "Nerd anong kakainin mo?"tanong ni Vhane. Nakatayo ito sa gilid ko,nag presenta kasi siyang siya na ang kukuha ng kakainin namin.

  "Kahit ano."nakangiti kung sagot. Hindi naman ako mapili sa pagkain saka isa pa tinatamad akung mag isip ng pangalan ng pagkain,nakakalula.

  "Meron bang ganon?"tanong nito kaya binato ko siya ng hawak kung panyo, natatawang pinulot niya naman ito saka inabot sakin.

   "Biro lang!"sabi nito bago natatawang naglakad papunta sa counter kasama si Riah. Yup, magkasundo sila ngayon.

    Naiwan kaming dalawa ni Roy dito sa mesa. Pareho lang kaming tahimik,Siya ay nakaupo habang hawak hawak ang cellphone niya habang ako ay tahimik na nagbabasa ng libro.

   "Ahh Rys!"napatingin naman ako sakanya ng tawagin niya ang pangalan ko.

   "Bakit?"tanong ko rito. Ibinaba ko ang hawak kung libro saka tumingin ng deritso sakanya.

   "Matanong ko lang, Ano nga ulit ang complete name mo?"taka nitong tanong. Nagtataka man ay sinagot ko ang tanong nito.

   "Ahh kala ko kung ano. It's Chrysies Styx Lopez."nakangiti kung sagot. Tumango tango naman siya. "Bakit mo pala natanong?"Dugtong ko.

   "Yung kilalang Lopez Corp.Kamag anak mo ba ang may ari nyan?"taka nitong tanong, Nagulat ako pero kalaunan ay napangiti rin. Actually parents ko ang may ari nyan. Gusto ko sanang sabihin pero wag nalang.

   "Ewan hindi ko kilala ehh!"sagot ko sabay kibit balikat. Sorry Roy, pero mas gusto kung kami kami lang ang nakakaalam.

   "Ahh ganon ba. Akala ko Kamag anak mo magpapatulong sana ako!"natatawa nitong sabi kaya naman napatingin ako sakanya, kunot ang noo.

  "Saan naman?"taka kung tanong saka bahagyang inayos ang salamin ko.

   "Yung Ramirez Corp kasi nasa crisis,kailangan sana ng tulong mula sa Lopez Corp. Pero palaging na ca-cancel ang meeting na sini-set ko!"Sabi nito,halata sa mukha nito ang frustration."Naaala ko kasi na Lopez ka kaya nagbakasakali akung Tanungin ka!"sabi nito kaya naman napatango-tango ako. Ilang minutong katahimikan ulit ang namagitan samin.

   "Saglit lang Roy ahh!"paalam ko sabay tayo para lumabas ng Cafe. Tumango naman ito bilang sagot kaya naman ay nag lakad na ako palabas ng cafe.

   "Good morning Madame."bati ni Raven ng sagutin niya ang tawag ko.

   "Call Ramirez Corp and tell them to send their proposal to the company!" I ordered. I wanted to help Roy, hindi ko alam na marami na pala akung nakaligtaan sa trabaho dahil lang subrang busy ko sa mga nangyayare sa sarili kung buhay.

  "Noted Madame!"sagot nito kaya naman ay binaba ko na ang tawag. I was about to turn when someone suddenly spoke behind me.

   "Who's that?"Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses nito sa likuran ko.

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now