CHAPTER 31

151 9 0
                                    


Chapter 31

  "Sup boss?"napatingin ako sa pintuan ng office ni Hades ng bumukas ito at niluwal nito ang mukha ni Sam. Sa likod nito sina Renz at Richard.

"Hi, Rys?"bati sakin ni Renz,nakasimangot ko itong tiningnan pero agad din naman nag ningning ang mata ko ng makita ko ang hawak nitong pizza,kay Sam naman ay isang supot siguro ito yung ice cream.

"Akin na yung foods!"sabi ko sakanila. Natatawa naman nilang inilapag sa harap ko ang dala nila nag simula ko na itong nilantakan.

  "Nga pala bakit kayo nandito?"tanong ko sakanila ng makaupo sila sa sofa.

  "Ahmm sasabay na kami sainyo sa pag pasok!"sagot sakin ni Richard. Tumango nalang ako bilang sagot saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Wife eat it slowly!"paalala sakin ni Hades pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagkain.

  Pagakatapos kung kumain ay agad na kaming naglakad palabas ng kumpanya niya. Nasa tabi ko si Renz habang nag aasaran sa harap sina Sam at Richard at yung isa naman na na-nanahimik sa likod.

   "Renz sayo ako sasabay!"masigla kung sabi sabay kapit sa braso niya. Ayaw kung panasinin ang isa jan naiinis ako sakanya!

   "Hahaha bakit naman sakin? Bakit hindi nalang kay insan?"tanong nito. Sumimangot ako.

   "Bastaa!"sagot ko. Pagkarating namin sa parking ay nag kanya kanyang lapit na sila sa sasakyan nila. Handa na sana akung pumasok sa kotse ni Renz ng hilahin ako ni Hades.

  "Aray ko, sungit naman!"singhal ko rito,pero para itong walang narinig. Binuksan nito ang pinto sa tabi ng driver sit saka ako pina upo bago siya umikot sa driver sit para maupo na rin. Narinig kung tumawa ang mga kaibigan nito dahil sa inasta niya habang ako Nakasimangot na kinabit ang  seat belt. Kainis!

  Mabilis nitong pinaharurut ang kotse niya papuntang school. Pareho kaming tahimik habang nasa byahe. Hindi siya nagsasalita at mas lalong ayaw kung magsalita.

  Ayaw ko  siyang kausapin nakakainis siya!

  Pagkarating namin school ay agad na akung bumaba. Pero bago ako tuluyang bumaba ay may sinabi pa ito.

"Don't go near other boys woman!"malamig nitong bilin. Hindi ko nalang siya pinansin saka dali daling naglakad papalayo kahit na naguguluhan ako sa huling sabi niya.

  Bakit ba ayaw ng isang yun na lumapit ako sa mga lalake. Eh ano naman ngayon kung lumapit ako sa lalake?Ano naman sakanya? Teka,Nagseselos ba yun?

  Napangiti nalang ako dahil sa iniisip ko. Pero bakit naman siya magseselos?Mahal ba ako nun?Impossible naman ata!

"Lalim ng iniisip natin ahh!"napatingin ako kay Riah ng sabihin niya yun. Hindi ko namalayang nasa room na pala ako.

"Kaya nga share mo naman!"sabi naman ni Vhane saka umupo sa tabi ni Riah. Himala ata't mag kasundo na ang dalawang ito?

"Wala!"natatawa kung sagot saka narin pumwesto sa upuan ko.

"Himala ata't magkasundo na kayo?"natatawa kung puna sa kanila. Kunot noong nagkatinginan silang dalawa saka na nagsimulang magbangayan. As expected!Hahaha.

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now