Chapter 64

128 7 0
                                    

CHAPTER 64

 
  Nandito ako sa office ko rito sa restaurant, nakatulala lang sa kawalan. Tatlong araw na mula nung ma stranded ako sa mansyon niya. Tatlong araw na akung hindi nakakatulog ng maayos sa gabi. Hindi nakakakain ng maayos at hindi nakakakilos ng masigla. Para akung bumalik sa dati,noong mga panahong nakita ko ang larawan niyang may kahalikang iba. Gabi gabi na ring nagtatanong sa akin ang mga bata tungkol sakanya,they even ask me to have a video call with him because they wanted to talk to him. I lied and lied,hindi ko na mabilang kung ilang beses akung nagsinungaling sakanila.

   Gusto kung sabihin sakanila na patay na ito,na wala na ang ama nila pero tuwing susubukan ko, tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan upang hindi ito matuloy.

   Sinabi ko kay Roy ang balak kung mas makakabuti kung sabihin ko nalang sa mga bata na patay na ang tatay nila upang tumigil na sila kakatanong,ayun sandamakmak na sermon ang nakuha ko. Minsan hindi ko din siya ma gets eh,ayaw niyang magkaroon ng ugnayan kay Hades pero siya itong tulak ng tulak saking ipaalam kay Hades na may anak kami.

    I sigh. Gabi na at kailangan ko ng mag ayos upang umuwi. Natapos nanaman ang walang ka kwenta kwenta kung araw. Wala na akung ibang ginawa kung hindi magkulong dito sa office ko. Papahatid ng pagkain kapag oras ng pagkain. Kung hindi ko lang uncle ang may ari nito, malamang ay nasesante na ako.

   Matamlay na pinasok ko sa shoulder bag ko ang cellphone at wallet ko. Kinuha ang nakapatong na tumbler sa misa ko saka ini-off ang switch ng ilaw. Kanina pa nagpaalam ang mga tauhan ko,kahit ang guard ay pinauwi ko na rin. Isang oras na matapos magsara ang  restaurant,nagpaiwan ako dahil kailangan ko pang ayusin ang iilang papeles.

   Tahimik akung naglalakad sa daan habang nagmamasid kung may daraan bang taxi. Iniwan ko ang kotse ko sa bahay,sa subrang lutang ko hindi na ako nag drive, baka mapano pa ako sa daan.

  Napaatras ako ng biglang may humintong itim na Van sa harap ko. Marahas na bumukas ang pinto nito saka lumabas ang dalawang lalaki. Kinabahan na sinuri ko ang mga ito,they was wearing all black, their face was covered with a black handkerchief.

   "W-What do you need ?"kinakabahang tanong ko habang umaatras. Tinago ko sa likod ko ang nanginginig kung kamay. Pilit ko ring tinapangan ang mukha ko. Ayaw kung makita nilang natatakot ako.

   Napatili ako ng bigla  akung hinila ng isa saka ipinalibot ang kanyang braso sa aking leeg. Naramdaman ko ang paglapat ng malambot na tela sa ilong ko hanggang sa dumilim ang paningin ko.

Third Person POV

  

   Hindi na mabilang kung ilang beses ng inikot ni Don Harold Falcon sa kanyang opisina. Nasa 50's ito at nakasuot ng simpleng office attire,maluwag ang necktie at magulo ang buhok. Bakas sa  mukha nito ang pag-aalala at hindi mapakali dahil tatlong araw ng hindi nakakauwi ang nag iisang anak na babae. Nasa Japan ang ina nito at walang kaalam alam na nawawala ang anak.

   Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa anak. Mahigit labing siyam na taong hindi niya ito nakasama at nakita. Ngayong bumalik na ito ay hindi nanaman niya ito nagawang protektahan. Nagsinungaling din siya sa dalawa niyang apo,sinabi niyang nasa ibang bansa ang ina nila at may kailangang tapusin na trabaho. Alam at ramdam niyang na mi-miss na ng mga ito ang mama nila.

   "Uncle..."tawag sakanya ng kanyang Pamangkin na nakaupo sa isang sofa sa loob ng office niya, nakapatong sa lap nito ang laptop at may kung anong pinapanood roon,Roy Ramirez.

   "News?"Don Harold Falcon asked. Tumungo ang pamangkin niya saka iniharap sa pwesto niya ang laptop.

   "Kuha ng CCTV malapit sa Restaurant namin. Tiningnan ko kasi kanina ang kuha sa CCTV ng noong nakaraaang gabi, nalaman kung hindi niya dala ang kotse niya kaya sinubukan kung e-hack ang kalapit na CCTV at ito ang nakita ko."paliwanag nito,mabilis na naglakad ang Don palapit rito. Mabilis na kumuyom ang kanyang kamao sa nakita.

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now