CHAPTER 22

159 10 0
                                    

Chapter 22

RYS POV


    Napatigil ako sa pagtitimpla ng gatas ng may narinig akung sasakyan na dumating. Alas dos na ng hating gabi pero gising parin ako dahil hindi ako makatulog.

    Tinigil ko muna ang ginagawa ko at pinakiramdaman ko ang paligid. Baka may binili lang si manang sa labas. Pero hating gabi na, ahh?

    Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto kaya naman ay dahan dahan akung pumunta sa pintuan ng kusina para silipin kung sino ang dumating. Magnanakaw kaya to? Pero paano naman nakapasok? May dala pang sasakyan?

    Dahan dahan kung sinilip kung sino ang pumasok at napahinga ako ng maluwag ng makita kung si Hades lang pala. Akala ko kung sino na,Hayst!

   Bumalik na ako sa kusina at tinapos ang pagtimpla ko ng gatas at after that ay lumabas na ako.

    "Bakit ngayon ka lang?"tanong ko rito ng makita ko itong nakasandal sa sofa dito sa sala. Hindi pa pala siya dumiritso sa taas.

   "Those crazy friends of mine don't want me to go home early."paliwanag nito na tinanguan ko lang. Binaba ko ang hawak kung baso sa coffee table saka bumalik sa kusina para ipagtimpla siya ng kape. Pagkatapos ay bumalik na ako sa sala saka nilagay sa harap niya ang tasa.

   "You, why you're still awake?"he asked.

   "I can't sleep." I answer and sit beside him.Tiningnan ko ito habang nakasandal sa sofa at nakapikit ang mata.

   "Napapadalas ata ang pag uwi mo ng hating gabi kapag kasama mo yang mga kaibigan mo tapos nakainom kapa,baka mapano ka." Malumay na sabi ko rito saka ako sumandal din sa sofa. Nagulat ako ng maramdaman ko ang ulo nitong nakapatong sa balikat ko. Niyakap nito sa beywang ko. Ang kamay niya ay lumapat sa tagiliran ko na siyang kinaiktad ko.

   "May pinag-uusapan lang kami. Saka isa pa, nakainom lang naman. Hindi pa lasing."rason nito. Haystt may magagawa pa ba ako? Kung mga magulang nga niya hindi siya napagsasabihan ako pa kaya na asawa niya lang? Arrange marriage pa?

   "Inumin mo na yang kape saka umakyat na para makapagpahinga kana!"sabi ko rito. Naiilang kasi ako sa posisyon namin, I don't know but my heart beats so fast when his skin making contact on mine. It make me feel goosebumps.

  "Later."he answered pero ang ulo nito ay  nanatili sa balikat ko. Randam na randam ko pa ang mainit nitong hininga sa dibdib ko.

  "Hoy, amoy alak ka!"suway ko rito pero nanatili lang siya sa posistion niya. Ni hindi nga ito nag abalang sumagot. He just rested his head comfortably on my shoulder.

   "Hoy! Tulog kana ba?"tanong ko rito pero hindi niya ako sinagot. P*tragis nito! Inubos ko na ang Gatas na natitira sa baso ko saka ito pinatong sa mesa. Nahirapan pa akung abutin ang mesa dahil hindi ko ma alis ang ulo niya sa balikat ko.

"Hades, gumising ka nga!"sabi ko rito. He just move a little but he didn't bother to take his head on my shoulder.

  "I'm awake."he answered. Kita mo to pinahirapan pa akung abutin ang mesa gising naman pala!

   "Yun naman pala ehh. Inumin mo na 'tong kape saka ka umakyat!"sabi ko rito minulat naman nito ang mga mata niya saka umayos ng upo,habang ako naman ay kinuha ko ang kape at inabot ito sakanya. Ininom niya ito saka bumalik ulit sa pagkakasandal sa sofa.

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now