CHAPTER 45

220 9 0
                                    

Chapter 45


Rys POV

       Nagulat ako ng biglang Tumahimik ang paligid.Hindi ko alam kung anong gagawin ko,nakagapos ang kamay ko sa upuan na kinalalagyan ko.Nakakatakot yung itsura ng kwarto kung saan ako naroroon.Madilim.Subrang dilim na kahit ang taong kanina pa nagsasalita sa harap ko ay hindi ko makita.Basta't alam ko medyo malayo ito sakin,may hawak itong baril na kinasa niya kanina lang.

   "Mukhang napatay na ata ng mga kasama ko yung asawa mo?Pano ba yan kailangan kitang isunod."Sabi nito saka humalakhak na parang demonyo.Lumabas ito ng silid.Kahit hindi ko siya nakikita alam ko dahil sa tunog ng yapak niya.Yung kaba ko kanina mas dumuble pa.Yung luha ko sunod sunod nanamang naglabasan.

  Hindi.Hindi ganon kadaling mamamatay si Hades.Magaling siyang makipag laban.Hindi...Hindi totoo yung sinabi niya...Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.Parang pinipiga din ang puso ko.Hindi ko ata yun kakayanin.

   Kahapon lang masaya pa kami tapos biglang ganito.Sino ba sila?Bakit ba nila ginagawa to? Ano bang kasalanan ko sakanila at ginaganito nila ako?

   Mabilis akung napatunghay ng pabalibag na nagbukas ang pinto.Dahil sa sinag na nanggagaling dito ay naaninag ko ang taong may gawa nun.He was wearing a coat.His white t-shirt have a red stain.If im not mistaken it was a blood stain.He was holding a gun.He have a messy hair.His face was emotionless but his eyes was worrying.

  "S-sungit!"bulong kung turan saka tuloy tuloy na umagos yung luha ko.Lahat ng takot na nararamdaman ko biglang nawala ng yakapin niya ako.

"God woman,You make me worried as hell!"bulong nito.Mas lalo akung umiyak.Akala ko talaga hindi na ako makakalabas dito.Akala ko rin wala na siya.Muntik na akung maniwala dun sa lalaki.Buti nalang andito na siya.."Hush stop crying,Honey.Im here,i won't let them hurt you.."Bulong nito bago kumalas.Sinuri nito ang kabuu-an ko.

   "Are you okay?Did  they hurt you?"tanong nito.Tumango ako sa una niyang tanong saka umiling sa Pangalawa.Tila nakahinga naman ito ng maluwag saka kinalas ang tali sa kamay ko.

"Aww..Nagkita na pala Kayo?Sayang hindi manlang kita na welcome sa pagdating mo!"turan ng lalaking kanina ay kausap ko. Mabilis akung nagtago sa likod ni Hades dahil sa takot.Hawak hawak nito ang kamay ko na nanginginig at nanlalamig.Nanlalambot na rin ang tuhod ko na siguro ay dahil sa pagod at kakaiyak ko.

  Hindi ko naiwasang kabahan at muling lumuha dahil sa nakita kung baril na nakatutok kay Hades.

"Who are you?"kaswal na tanong ni Hades at bahagya pang tingilid ang ulo niya na para bang sinusuri ang lalaking nasa harap namin.Kahit kunting takot ay wala akung makita sa mukha niya.Nanatiling walang emosyon ang mukha niya at ganon din ang boses niya.

"Im no one Stanford,"nakangising turan nito. "But im the one who will kill you!"Dugtong nito kaya biglang akung kinabahan ng matindi,Mas lalo akung nanginig at hindi ko na alam kung saan ilalagay ang kabang to.Pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa subrang bilis ng tibok nito.

  "Tss!"singhal lang ni Hades saka ako hinila pa punta sa pinto kung saan mismo nakatayo ang lalaki.Takot naman akung nagpatianod sa hila niya.

"And where do you think your going?"nakangisi Ngunit seryosong tanong nito kay Hades.He just look him with his emotionless eyes.

"We're going home!"walang ganang sagot nito hindi alintana ang baril na nakatutok sakanya.Kung makipagusap siya sa kidnapper para bang kaibigan niya lang ito na nagtatanong.Wala ka talagang mababakas na takot sa mukha at kahit sa mga mata niya.Bagay na mas lalo kung kinakaba. Normal pa ba tung lalaking to?Bakit hindi ka manlang natatakot harapin ang kamatayan?Ganyan ba ang totoong pagkatao mo?

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now