CHAPTER 61

136 4 0
                                    

 Chapter 61

  "How's the meeting?" Roy asked. He was sitting at the couch inside my office. Nasa restaurant na ako ngayon,dalawang oras na simula ng matapos ang meeting and I'm so stressed right now.

  According to Raven halos 50% daw ng kita ng kumpanya ang bumaba this month dahil sa nangyaring sunod sunod na pagsabog last month. Dalawa sa malalaking main branch ng Lopez company ang nawala. Maraming investors daw ang nag pull out ng kanilang investment. Ito yung hirap sa business ehh,kapag kumikita sila at nakikinabang nag e-estay sila pero kapag papalubog na ang negosyo kanya kanya silang aalis at iiwan ka sa ire. Sarili lang nila ang iniisip nila.

   Ilang board members din dapat ang aalis kanina  buti nalang at maganda yung proposal ng kumpanya nina Rusty. Yes, Rusty was one of our new investors. Kahapon lang daw nagpasa ng proposal sabi ni Raven. Ewan ko sa lalaking yun, sabi naman daw ni Raven last year daw ay halos tatlong beses nila itong niligawan but he always turn them down. Nagulat pa nga daw siya nung dumating ang proposal sa office niya kahapon. Syempre hindi na namin pinalampas. Rusty's investment help our stock a lot. Salamat talaga ng marami sakanya.

   To be honest hindi yung pag bagsak ng stock ang pino-problema ko. Kundi ang pagkakasama namin ni Hades sa trabaho. Bukod kasi sa siya ang may pinakamataas na share sa stock holders,siya rin daw muna ang mag rerep-present ng kumpanya ni Rusty dahil nasa China ito. Ayy ewan!

  Tapos dumagdag pa ang asungot na Roy. Isa sa nag pull out ng investment yang hinayupak na yan kaya kailangan namin yung kumpanya nila Rusty. Ewan ko jan,nalaman lang niya  a week ago na isa sa stock holders si Hades nag kandahumayog siyang umalis. Sarap niyang tirisin, ang malala pa subrang babaw ng reason niya. Ayaw daw niya na may kung anong bagay na nag-u-ugnay sakanya at sa mga Stanford. Hindi ba't ang ama ng pinakamamahal niyang mga Pamangkin ay isang Stanford? Mas malaking ugnayan yun dahil dugo ng nanalaytay sa kambal yun. Parang t*nga lang.

  "Ibalik mo na kasi yung investment mo Roy, malaking kawalan yun."sabi ko rito, he smirked. Pa cool pa itong sumandal sa sofa. Ugh,sarap niyang sipain.

  "Ayaw ko. Malulugi pa ako."turan nito kaya napaismid ako. "Isa pa,hindi mo manlang ba naisip na baka Stanford ang may gawa nun? To think that they already know that you are a Falcon and they know that you are the owner of that company. Couz,baka isa ito sa paraan para pabagsakin ka. Tayo."

   "Nakalimutan mo ba? Hades is part of the board. Isa pa sa may pinakamalaking share. Rusty will invest. Kung babagsak ang kumpanya kasama ang pera nila." Paalala ko rito. Humalukipkip ito saka ako tinaasan ng kilay. Bakit,ang tataray ng mga lalaki ngayon?

   "At nakalimutan mo rin bang barya lang para sa mga iyon ang milyones, huh? Ni wala pa nga siguro sa kalahati ng kayamanan nila ang na invest sa Lopez group's of companies eh." Turan nito na nagpatahimik sakin. He has a point. "Isa pa,ito ang kalakaran sa underground, Couz. Kailangan nilang magpalabas ng malaking halaga ng pera upang makatubo sila ng mas malaki."

   Hindi nawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Roy. Kahit na off ko na sa restaurant ay ganon parin ang iniisip ko. Tama siya,paano nga kung Stanford talaga ang may gawa nito? Paano kung part lang ito ng plano nila upang pabagsakin ang pamilya at ang empire namin? Paano kung ito ang first step nila o hindi kaya ang magiging paraan nila para e declare nila na magsisimula nanaman ang laban sa pagitan ng dalawang angkan? There has a big possibility!Pero hindi, i will do my best to save this company. Kung kinakailangan ko silang labanan through underground masalba lang ang kumpanyang ito,makikipagsapalaran ako. Kahit ito lang,kahit dito lang ay maipagmamalaki ako ng adopted parents ko.

  I fail them through my weeding, their last wish. But in this company,i will not let them take me down. Not now,not this time. Hindi ang kumpanya na iniwan sakin nina mom and dad. Masyado nila akung minahal at inalagaan. Binigay nila sakin ang lahat kaya po-protektahan ko itong kumpanya na pinatatag ng dugo at pawis nila.

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now