CHAPTER 30

156 9 0
                                    


Chapter 30


   Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Hindi na ako nagtaka nung pagmulat ko ng mata ko ay mukha ng fake husband ko ang tumambad saakin. Siguradong nakatulog nanaman ako sa kwarto nito kagabe dahil sa antok habang gumagawa ng report. Speaking of, Yung report ko pala hindi ko natapos. Paktay kang bata ka! Deadline pa naman nun ngayon.

  Mabilis na kumilos ako at akmang babangon na sana ngunit may kamay na nakapulupot sa beywang ko na dahilan upang hindi agad ako makabangon. Ewan ko ba pero may kung anong nag p-fiesta sa tyan ko dahil sa posisyon namin. Dahan-dahan ko itong inalis pero bumabalik ito. Akmang kukunin ko ito ng mas sumiksik pa siya lalo sakin.

  "Hoy!Ang kamay mo ano ba!"sabi ko rito sabay hampas ng mahina sa kamay niyang nasa tagiliran ko. Imbes na kunin ay mas lalo pa niya itong hinigpitan. Bahagya niya pa akung hinapit palapit sakanya.
Ngayon subrang lapit na namin sa isat-isa. Amoy na amoy ko ang pabango nito. Ngayon naman ang puso ko na ang nagkakagulo, ang lakas ng kabog nito sa hindi ko malamang dahilan. Napapadalas na ata ang pag bilis ng tibok nito sa tuwing nalalapit sakin ang lalaking to.

  Bahagya akung tumingala upang makita ang mukha nito. Nakapikit parin siya na akala mo ay mahimbing na natutulog. Maganda ang hubog ng mukha nito. Nakapikit ang mga mata nito kaya kitang kita ang Mahahaba nitong pilik mata. Matangos at ang perpiktong hulma ng kanyang ilong. Mapula-pula ang malalambot nitong labi. Magulo ang buhok,ngunit kahit na ganon hindi iyon nakakabawas ng kagwapuhan niya.

  Bahagya pang gumalaw ang adams apple niya dahil sa paglunok niya at dahil dun ay natauhan ako.

"Sungit yung kamay mo!"sabi ko rito pero nanatili itong nakapikit. Pilit ko namang kinukuha yung kamay nyang nakapulupot sakin kasi wala naman itong balak kunin.

"Ano ba mala-late na tayo!"sabi ko rito.

"Hmm!"sabi lang nito at lalo pang hinigpitan ang yakap. Problema ba ng lalaking to? Ke aga aga eh nang iinis.

Bahagya kung hinampas ang balikat nito para kunin niya ang braso niya pero wa epek!Kainis!

"Ano ba naiinis na ako ahh!"sabi ko rito. Pero wala parin, na nanatili lang itong nakapikit.

"Ouch, wife!"sabi nito sabay mulat ng mga mata niya. Kinurot ko ang dibdib nito dahil sa ayaw niyang kunin ang braso niya.

  "Ang kulit mo kasi ehh!"sabi ko saka ako umupo. Nagulat naman ako ng pumulupot ulit ang kamay niya sa bewang ko. Bahagya pang uminit ang pisnge ko kaya sigurado akung namumula nanaman ito. Ano bang nangyagari sa lalaking to?Naglalambing ba to o nang iinis?

"Ano ba may pasok pa tayo!"sabi ko rito.

"We have no class this morning remember?"tanong nito na may himig ng antok ang boses.

"Huh?"taka kung tanong.

"Today was Thursday wife, you forgot?"tanong nito at ngayon ay nakatingin na saakin ng nakataas ang kilay. Binitawan nito ang baywang ko saka nalang ginawang unan ang dalawa niyang braso.

"Edi mabuti matatapos ko pa report ko!"sabi ko saka na tumayo.

"I finished it already."napatingin naman ako rito. Nakatalukbong na ito ng kumot.

"Wehh?"tanong ko rito.

"Yeah!"he just answered. Kinuha ko ang salamin ko na nakalagay sa side table saka nilapitan ko ang laptop ko upang makumpermang totoo nga ang sinabi niya. And yeah,tama siya tapos na nga ang report ko tapos with content na.

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now