CHAPTER 28

147 9 0
                                    

Chapter 28

  "Wife hurry up!"rinig kung sabi ni Hades sa labas ng room ko. Nagmamadaling pinasok ko ang textbook ko sa bag ko saka ito sinukbit.

  "Saglit lang naman Sungit!"balik kung sigaw. Narinig ko ang yapak nito pababa ng hagdan,Buti naman at nauna na siya. Nakatatlong katok na kasi siya sa pinto. Natataranta tuloy ako kung anong kukunin o gagawin ko.

"Tsk, your so slow!"sabi nito habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa niya. Napakagwapo nitong tingnan sa sout niyang maroon hoodie jacket.

  "Your just going to looked at me the whole day?"He asked with his eyebrows raised. I rolled my eyes then walked towards him.

"Bakit hindi mo subukang ngumiti?"tanong ko rito ng makapasok ako sa kotse niya. Mayabang na pinaikot nito ang eyeballs niya saka pinasok ang susi sa lalagyan nito.

"Tsk!"he just said. Ang galing talaga nitong kausap! Pinaandar na niya ang kotse at saka pinaharurut papunta sa mall.

  Pagdating namin doon ay nauna siyang bumaba. Bumaba na rin ako, Ayaw ko na mag expect na bubuksan niya ako ng pinto,wala sa ugali ng isang Stanford ang pagiging gentle man.

"Hintayin mo naman ako!"tawag ko rito dahil sa napakabilis niyang maglakad. Patakbo akung humabol sakanya na parang walang naririnig dahil tuloy tuloy lamang ang lakad nito.

"Sinamahan mo pa ako kung iiwanan mo rin naman pala!"sabi ko rito ng tumapat ako sakanya. Kahit dito sa mall ay pinagtitinginan ang kagwapuhan ng lalaking to, hanip! Napakalakas talaga ng hatak sa mga babae.

Napatigil ako sa paglalakad ng bumangga ako sa likuran nito.

"Bakit kaba bigla biglang tumitigil?"inis kung tanong sakanya habang hinihimas ko ang noo ko na bumangga sa likod niya.

"Tsk!"He snapped saka humarap sakin. "Akala ko ba gusto mung sumabay sa paglalakad? Bakit nandyan ka sa likuran?"tanong nito na ngayon ay nakaharap na saakin.

"Eh nakakahiya!"sagot ko rito habang nanatili akung nakayuko.

   "Tsk! Nagmumukha kang katulong!"sabi nito sabay hila ng kamay ko atsaka ako hinila papunta sa school supplies. Take note hindi na niya ito binitawan hanggang sa makarating kami sa school supplies section.

"Now, get what you need!"Utos nito saka ako iniwan. Kinuha ko na ang lahat ng kailangan ko. Pagkatapos kung bayaran ang kinuha kung gamit ay agad na akung lumabas sa school supplies section ng mall.

Naglalakad lakad ako ngayon sa hallway ng bigla akung matapunan ng latte. Gulat na napatingin ako sa nabangga ko.

"Look what have you done!"inis na sigaw ng babae na umalingaw-ngaw sa loob ng mall. Napanga-nga naman akung tumingin sa kanya. Ako ang natapunan siya pa tong galit? Aba, ang tindi!

"You, ugly Allien! Natapon tuloy yung coffee ko! Alam mo bang Mas mahal pa ang latte na to kesa sa damit na suot-suot mo? You bitch!"inis nitong bulyaw na siyang nakakuha ng attention ng mga dumadaan. Karamihan tuloy sa nandito ay halos nakatingin na samin.

"Hoyy babae, ano?Tatahimik ka nalang jan?"sigaw nito habang ako ay nanatiling tahimik at nakayuko lamang. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pumunta ako sa mall para bumili ng materials para sa school project,hindi para makipag-away.

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now