...
Magulo ang kulot na buhok ko, hindi pa ayos ang salamin ko, nahihirapan pa ako sa rami ng dala kung libro, nag iisa akong nag-lakad sa may hallway ng school, ang tahimik naman ata, wala akong nakikitang mga estudyante,.
Asan naba ang mga tao rito?
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang nagpa linga linga, hanggang sa nakakita ako ng isang lalaki'ng nakatalikod di malayo sakin.
"Sino ba to?,pa harang harang sa daan ah" bulong ko.
Nilapitan ko iyon, pinagmasdan ko siya ng mabuti pero mukang di lang man ako napansin pero familiar siya sakin,.
"Hi!" kinalabit ko siya, hanggang sa dahan dahan siyang lumingon.
Halos nag slow motion ang pangyayari, napa-nganga nalang ako ng makita ang mukha ng lalaking to.
Putik'inang--tumambad sakin ang gwapong cold na mukha ni Renejay, ang kinikilalang Heartthrob ng Campus.
OMG!, alam niyo bang crush ko siya...ackkk!
"Tang'ina" napamura ako ng na out of balance ako sa kinatatayuan ng umatras ako sa gulat sa ka gwapohan niya.
Pero embes na bumagsak sa sahig, sa isang malambot na kamay ako bumagsak na parang nag so-slow mo pa, sinagip niya ako, ni Ren,.
"Are you okay?" Napa lunok ako ng mag salita siya gamit ang malamig na boses niya pero may halong pag alala iyon.
Dun ko lang namalayang napakapit pala ako sa leeg niya kaya agad akong bumitiw dahilan upang mabitawan niya ako at yun tuloy at bumagsak ako sa sahig.
"Aray!" Namimilipit ako sa sahig, habang naka hawak sa balakang.
Ang sakit.
"Hey!, Sorry, Sorry, Are you Okay?" Nag pa-panic na siya, kaya dali dali niya akong tinulungang makatayo.
"Ayos lang" nahihiyang sambit ko habang pinagpag ang uniform.
Lumaki nalang ang mga mata ko ng bigla siyang lumapit sakin, as in lapit ng lapit, nilagay niya sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko, hinaplos niya ang pisngi ko,.
Ano bang ginagawa ng lalaking to?
Namumula nalang ako sa kilig na naramdaman, lalo na ng napa tingin siya sa mga labi ko, hanggang sa halos himatayin nalang ako ng unti unti niyang nilapit ang labi niya sa mga labi ko.
Pero bago pa man nangyari iyon, may isang bwesit nalang ang gumising sakin...
"Alora, Gumising ka na nga," nagising ako sa isang sigaw ng pinsan kung si Mira.
At naudlot ang paghahalikan sana namin ni Ren.
Bwesit sayang!, iyon na yun e.
"Ano ba Mira, ganda na sana ng panaginip ko e" inis kung sabi, bago bumangon.
Ganda na sana e, bwesit talaga ng pinsan kung to, palagi nalang hadlang, siya tong palaging dahilan upang maudlot tong magaganda kung panaginip e.
"Puro ka Panaginip diyan, bilisan mo diyan at papasok na tayo"
Bwesit talaga!
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
End of Prologue!THIS IS A WORK OF FICTION!
(Alora's Dream)
-Fantaseries/Teen fiction-Date of Start: June 18 2022
Date of End: August 22 2022:UNEDITED asahan ang wrong grammar!!!
YOU ARE READING
Alora's Dream
Teen FictionIsang simpleng babae na palagi nilang tinatawag na nerd si Alora, palaging lonely maliban nalang kong kasama niya ang pinsan tahimik lang naman ang buhay niya nabago lang dahil sa isang o Panaginip....... ....Isang mahabang panaginip na parang totoo...