Chapter 10

7 2 0
                                    

𝓪𝓵𝓸𝓻𝓪𝓼 𝓭𝓻𝓮𝓪𝓶☽︎

..

Dalawang araw na ang nakaka lipas mula nung birthday ko, pero naka ngiti parin ako hanggang ngayon bunga non.

"Ngingiti-ngiti mo diyan?" Taas kilay na tanong ni Mira sakin ng umupo siya sa harap ko.


"Wala" naka ngiting binalewala ko nalang siya kaya napa iling nalang ito.


No'ong mag bell ay agad kung tinahak ang Music Room, pero kabaliktaran ang naging reaksyon ko pagpasok ko, embes na sumaya ay nasaktan ako sa nakita.


Ren kissing with another girl?.

Si Jillian?, Oo si Jillian yong kahalikan niya, bakit andito si Jillian e ang pagkaka alam ko sa kabilang school siya nag aaral.


"Alora?" Gulat at napatigil sila sa ginagawa ng makita ako ni Ren.


"Ah Sorry naka istorbo pala ako" pinunasan ko ang luha bago nagmamadaling tumakbo paalis dun, naka bunggo ko pa nga si Gio e pero wala na akong pakialam.


"Alora hey!" Rinig ko pang tinawag ako ni Ren, hinabol niya pala ako.


Ano ba, bakit ako nasasaktan?, wala namang kami. Ang sakit lang.


Napa hinto akp sa Garden ng school, umiyak lang ako ng umiyak dun hanggang sa mang hina, at bumagsak na nga ako sa luba, pero umiyak parin ako ng umiyak, napa sigaw na nga ako sa sakit e.


Hindi ko maintindihan, ano ba kami?, wala naman diba, pero bakit sobrang sakit naman ata nung nakita ko, bakit?, Oo gusto ko siya, normal lang naman sigurong masaktan pag nakita mong may kahalikan'g iba yong Gusto mo diba?.

Right?...OA lang ba ako? Siguro!..


"Bakit ka ba umiiyak diyan" napa punas ako sa luha ko ng may nag salita, akala ko si Ren pero nung nilingon ko si Gio pala.


"Pakialam mo" pag susungit ko dito, tumayo ako at umupo sa malapit na bench, hindi ko alam pero nainis ako dahil tumabi sakin si Gio.


"Sungit ah," natawa siya ng mapakla....." Alam mo Nerd, wake up, ayaw kung masaktan ka sa mga nasaksihan mo ngayon, kailangan mo ng gumising pati narin sa katotohanang kahit sa panaginip hindi siya mapapa sa iyo" naguguluhan ako sa mga pinag sasabi ni Gio.

Panaginip?.

Oo I wish that this is just a dream, I wish! Masaya ako e, masaya kami, ang bilis ng pangyayari, yong tipong hindi naman kami close non, pero unti unti mas nagiging close kami sa isat isa, hanggang sa ang bilis nga ng pangyayari ay nasasaktan na ako sa isang iglap nawala ang lahat.


Totoo nga ang sabi nila, after the happiness there's a sadness!...


"Pinagsasabi mo?" Sinungitan ko ulit siya, at agad naman siyang sumeryuso.



"Gumising kana Alora"!.....sa pagkakataong yon hindi na boses ni Gio ang narinig ko, kundi boses na ni Mira?.


"Alora ano ba gumising kana mala-late na tayo" ulit nito.

napa balikwas ako ng bangon ng mapa sigaw na si Mira na katok pa ng katok sa pinto.


Naguguluhan ako, Ano ba to?.



Nasa kwarto ako,  hindi ako sa kama naka tulog kundi sa desk ko naka tulog ako kaka gawa ng assignment nila?, wtf! Anong nangyari?, tiningnan ko ang itsura sa salamin at walang nagbago dun, Ako parin yong Nerd na Alora,.


Teka....



Panaginip lang pala lahat ng iyon?.


......

Alora's DreamWhere stories live. Discover now