Chapter 21

3 3 0
                                    

Gio POV:

Ilang araw na akong hindi pina-pansin ni Alora, iniiwasan niya ako.

But speaking of Alora, andito siya napatigil pa siya sa paglalakad ng makita ako, napatingin lang ako sa kanya, napa buntong hininga pa bago naglakad palapit sakin, napa ngiti nalang ako.

"Gio, can we talk?" Sabi niya, napa ayos pa sa salamin niya.

She look's more pretty pag naka pony tail siya.

"Nag usap na tayo" kunwari pang pag susungit ko sa kanya.

"Look Gio, Im Serious, may sasabihin lang ako sa'yo, saka bat ka ba nag susungit diyan?" Mukang nairita na siya pero mas lalo lang siyang gumanda.

Ano naman kayang sabihin niya?.

"Dahil hindi mo'ko pinapansin" bulong ko.

"Huh?, ano yon?"

"Wala, ang sabi ko mamaya nalang" malamig na tugon ko at nilagpasan na siya.

Bakit ko ginawa yon?, wala lang para ma guilty siya kung bakit dini-deadma na niya ako ngayon.

Alora POV:

Tignan mo ang gagong yon, sinusungitan pa naman ako, napa mura nalang ako bago naglakad ulit.

Gusto ko lang namang sabihin sa kanya tungkol don sa panaginip ko, at marami pang ibang katanungan para maliwanagan na'ko.

Nang mag uwian ay dumiretso ako sa Music Room chinat ko na rin si Gio tungkol don.

Habang nag hintay pinakialaman ko muna yong piano, na-enjoy ako kaya napa ngiti nalang ako, dahil sa na enjoy di ko namalayang andito na pala si Gio tumabi sakin habang parang tangang naka ngiti.

"Baliw" tumayo ako at umupo sa may isang silya.

"So....."

"Gio may sasa---"

"Alam kong gusto mo si Ren, pero gusto ko lang malaman no na may girlfriend na siya, si Jillian" nagulat ako sa sinabi niya, he cut me off.

Ganon ba ako kahalata at pati siya ay nahalatang may gusto ako kay Ren?, napa ngiti ako ng mapait "Alam ko" tipid konh sagot.

Marami pa siyang kinwento sakin tungkol don, kung bakit niya daw nalaman, napa ngiti nalang ako ng mapait,....teka hindi naman ito yong pag usapan namin ah.

"Stop!...pwedi bang ako muna" kwento parin kasi siya ng kwento e, kahit saan na umaabot, gabihin pa kami nito.

"Ok, Okey!"

"Gio........" At kinwento kona sa kanya ang tungkol sa panaginip ko, kong bakit ganon yon, nag simula sa mahabang panaginip na yon hanggang sa parang nangyayari na'yon ngayon.


"Oh bat ka natawa?" Naiirita ako kasi tinawanan niya lang yon.


"Yon lang ba?, akala ko kong ano e," natatawa parin siya.

Well, sinabi ko lang yon sa kanya para naman gagaan na yong pakiramdam ko, ang bigat kasi pag diko masabi sabi, pero worth it naman.

"Ewan ko sa'yo, mabuti pang uuwi nalang ako" akmang tatayo na ako ng hinawakan niya ang kamay ko, napa tingin ako don.


"Sorry," tinanggal niya ang kamay niya sa kamay ko, "..Oo na, naniwala ako don, pero bago ka umuwi kantahan muna kita" walang bakas na birong sabi niya, dumampot siya ng gitara at nag simulang mag strum.


Hindi ko alam kung saan ko sisimulan,
Binibigyang kulay ang larawan na para bang ikaw ang nag iisang bituin,
Nag sisilbing buwan na kapiling mo, sa likod ng mga ulap, Ang tayo lamang ang tanging magaganap.

Nakapikit pa siya habang kumakanta, damang dama niya ang kanta, ewan ko ba pero napa ngiti ako habang nakatitig sa kanya.

Ang sarap pakinggan ng mga boses mo Gio.


"Mga bata, gabi na ah"

Napa tigil lamang kami ng may nakakita saming Guard naglilibot, natatawa nalang kaming tumayo ni Gio at uuwi na, gabi na pala.

          ******

Gio POV:


She said, nanaginip siya isang mahabang panaginip na parang nagkatotoo na ngayon, pero si Ren yon sa panaginip niya pero ako sa totoong buhay.

Lahat ng ginawa at nangyayari sa kanila ni Ren sa panaginip niya ay siya ring unti unting nangyayari ngayon.


Possible kayang......


Kagabi nanaginip na naman ako, isang parang Fantasy ang panaginip ko, at sa panaginip na yon andon ulit yong babae, pero iba nong Gabi, iba siya dahil nakikita ko na yong babae, nagpakita na siya.



At ikaw yon Alora.....

Alora's DreamWhere stories live. Discover now