Gio POV:
Finally!, I already confess my feelings to her, iniwan niya ako mabilis siyang tumakbo palayo sakin matapos kong sabihin iyon.
I don't even know what she feel after I said it...
H'wag kang mag alala Alora, pati ako naman ay hindi ko alam kung bakit e, sinabi ko sa'yo yon dahil yon ang nararapat, ang sa akin lang naman sana makipag usap parin siya sakin after non.
Sana pansinin niya parin ako, but one thing I know, hindi ako titigil hanggat hindi ko nakuha ang matamis mong Oo, my dear Alora....
******
Alora POV:
Naguguluhan, Nalilito, na mukang mababaliw na ata, hindi ko alam ang gagawin ngayong sinabi ni Gio ang nararamdaman niya sakin.
Hindi ako makapaniwala, because it's unbelievable.
Nasa puntong katapusang scenaryo na to dun sa panaginip ko, natatakot akong ang kasunod nito ay ang pagising ko dahil sa ito ay panaginip lang pala.
"Alora...Alora hoy!, buksan mo naman ang pinto oh" kumakatok katok si Mira kanina pa.
Kagabi hindi ako makatulog hiniling na sana panaginip lang yong pag amin niya, pero hindi e.
Binuksan ko ang pinto at sumalubong sakin ang mukha ng tigre kung pinsan.
"Anyare sa'yo?, maligo ka na nga at mag bihis, dadating ngayon Mommy mo, saka mamaya pala at uuwi na ako" tumango nalang ako sa dinaldal nito, mabuti nalang at di na ito nagtanong pa.
Kahit sa pagligo hanggang sa pag bihis ay naka tanga parin ako, gumabagabag parin kasi talaga sakin ang letseng confession ni Gio na 'yon e.
Hindi ko alam kung loko loko lang ba yong sa kanya pero mukhang seryuso naman siya sa sinasabi niyang 'yon, wala akong pag du-duda, pero hindi naman maalis sa isipan ko na isa siyang play boy.
...
"How's school?" Tanong ni Mommy while nag breakfast kami.
"Ay naku Tita, okay lang naman po, tsaka alam niyo po ba, umattend kami ng birthday party kagabi" si Mira ang sumagot ng mapansing wala ako sa sarili, siniko pa nga niya ako e.
"Oh really!, nice to hear that, may mga friends ka na pala darling" huminto sa pagkain si Mommy at binalingan ako.
"Ahm, yes Mom, totoo ho 'yon" tatango tangong sabi ko.
Bago umuwi si Insan binigyan muna siya ni Mommy ng mga pasalubong, habang ako naman ay iniisip parin 'yon.
TangInang to!...
"Hey darling Alora, here's my pasalubong for you" binigay ni Mommy sakin ang isang LV white shoulder bag, at make up?.
"Mom You know naman na I don't use make up" pumalag ako.
"No darling, dapat matuto kana sa ganyan, dalaga kana" Mom said, tumango at ngumiti nalang ako.
Baka naman magiging make up artist ako diba?, baka magamit, ang rami kaya nito, kompleto to, make up kit.
Tumungo akong kwarto pagkatapos, si Mommy naman kasi ay nagpa hinga muna.
Nakahiga sa kama habang naka titig sa puting kisame, nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito..
Si Almira pala nag chat.
"What's bothering you?"
Napa buntong hininga ako bago mag tipa "Mira si Gio....." At dun ko sinasabi sa kanya ang tungkol sa kagabi.
Grabe yong reaksyon niya ang OA, di nalang ako nag reply pa ng tinutukso-tukso na niya naman ako, in-off ko na yong phone ko nang tumonog ulit ito.
At nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nag text.
*From: Gio gag*
I know you were bothered by what I confessed to you last night, but believe me, everything I say is true.
Laglag panga ko dahil sa text niya, straight English ah, pero ano daw?...
Naniwala naman ako dun, ang akin lang bigyan niya naman ako ng time makapag isip dahil biglaan kasi e.
...
"Mom, ano to?" I asked about dun sa malalaking box.
Kakababa ko lang dito sa sala dahil sa na bored ako dun sa kwarto ko, tapos naabutan ko to dito.
Pinutol ni Mommy ang pakikipag usap sa phone bago humarap sakin...."it's your gown" masayang saad niya.
Gown?...for what?...
"Huh?, para saan?" Kumunot ang noo ko.
"Oh my darling" napahimas sa sentedo si Mommy na para bang nadi-disappoint.
"Nakalimutan mo na ba birthday mo?, sa susunod na linggo na 'yon, at ang gusto ko ay ang magpa-party bilang gift for your 17th birthday" pumalakpak pa siya sa tuwa.
Oh shots!...malapit na pala birthday ko, nakalimutan ko tuloy dahil sa madaming nangyayari...
"Mom naman e, 17th birthday ko pa naman yon e, hindi 18th para magpa-party"
"No, magpa-party ako sa ayaw at sa gusto mo" Mom is Mom wala na akong magagawa pa, napa buntong hininga nalang ako.
Tapos bigla kung naalala, nag birthday pala ako dun sa panaginip kung hindi ko malimot-limotan, ito na 'yon...
YOU ARE READING
Alora's Dream
Teen FictionIsang simpleng babae na palagi nilang tinatawag na nerd si Alora, palaging lonely maliban nalang kong kasama niya ang pinsan tahimik lang naman ang buhay niya nabago lang dahil sa isang o Panaginip....... ....Isang mahabang panaginip na parang totoo...