Alora POV:It's Weekend kaya bored na naman ang araw ko, by the way at wala nga pala si Mommy si Insan naman umuwi na sa kanila, kaya ayon at naiwan ako kasama ang kasambahay.
Naalala ko bigla, mag-kapit bahay lang naman pala kami ni Jillian, naisipan kong puntahan siya sa kanila, nasa balcony kasi ako ng kwarto at di sadyang napa tingin sa bahay nila Jillian, kaya naisipan ko yon.
"Manang labas muna ako" paalam ko.
Dumiretso agad ako sa bahay nila Jillian mukang andito naman siya, kaya di na ako nag dalawang-isip pa na pindutin ang door bell, naka dalawang pindot ako bago pag buksan ng Maid.
"Si Jillian ho?"
"Ah pasok po kayo" alok ng Maid at sumunod naman ako sa kanya, hindi ako mapakali, nahihiya ako kay Jillian, naiilang akong makaharap ngayon ang Jowa ng taong matagal ko nang gusto.
"Ma'am Jillian may bisita kayo" sigaw ng kasambahay nasa taas yata si Jillian, senenyasan niya akong maupo at puntahan niya daw muna sa kwarto si Jillian.
Napa tingin ako sa may frame sa katabi kong mesa, its a small happy family, ang ganda ni Jillian,.
"Alora ikaw pala" bumaba na pala siya,napatayo agad ako.
"Jillian"
Nasa may pool kami ngayon, naka upo kami sa may swing na upuan, habang nag kwentuhan,.
Only child lang pala siya pareho kami, nagka kilala pala sila ni Ren sa isang party, kinwento pa niya sakin kong anong nangyari sa loves story nila, mas lalo akong na a-awkward.
"You know what, ang ganda mo, I love your hair" puri niya.
"Ikaw rin naman ah"
Ang humble niya atsaka ang ganda pa niya, kaya hindi malabong nagustuhan siya ni Ren.
"Ma'am Jillian, andito nga pala si Sir Ren" naagaw ng isang maid ang atensyon namin.
Si Ren andito?.
"Sige ho," tumayo si Jillian, sumunod naman ako sa kanya papasok sa bahay, at pagkarating sa Sala, naabutan namin si Ren naka upo sa couch, napatayo lang ng makita si Jillian.
"Ren andito nga pala si Alora" bumaling si Ren sakin, ngayon lang ako nakita, dahil nasasabik sa girlfriend, binigyan pa nga niya ito ng Bulaklak e.
"Hi" naiilang na bati ko.
Naiingit ako, hindi ko yon maiwasan, si Ren yong taong matagal ko nang pinangarap, pano kaya kung ako yong binisita ni Ren, pano kaya kung ako yong binigyan niya ng bulaklak, pano kaya pag ako yong girlfriend niya.
"Hey Alora!, Magka--"
"Magkapit bahay lang kami Ren" putol ni Jillian sa sasabihin niya.
Hindi ko gusto yong atmosphere dito,ayaw kong maging third wheel, kaya mas mabuti sigurong uuwi na muna ako.
"Jillian, uwi na muna ako ha!, Ren. maiwan ko muna kayo" pagpa alam ko sa kanila, magsalita pa sana si Jillian pero nagmadali akong lumabas don.
Pagka uwi, naglok-lok agad ako sa kwarto, naka tulala, nagising lang ang diwa ng tumunog yong phone ko, kaya tiningnan ko yon.
From:O950*******
Hi Alora, this is me Your Gio, pwedi ba kitang ayaing gumala ngayon?
Halos mabitawan ko na yong phone ko dahil sa nabasa, tapos naalala ko binigay ko pala number ko sa kanya kahapon ng hiningi niya.
Grabe ang tanga mo Alora, bat mo binigay?.
To:Gio Gag*
Gumala ka mag isa.
Reply ko, sad emoji naman ang ni reply niya, napapa isip ako sandali, ang boring dito, kaya sige payag na ako sa alok niya kahit ngayon lang.
To: Gio Gag*
Sige, san ba tayo mag kita?.
Hindi ko nalang tangihan yon, kahit nakaka bwesit at nakaka inis yong Gio na yon, napapasaya niya naman ako kahit papano.
So ayon nga naghintay ako sa kanya dito sa school, ewan ko ba sa kanya kong bakit dito pa, kanina lang kaya ako nakatayo dito sa harap ng gate, ang tagal naman niya, ito pag hindi talaga siya susulpot in just 5 minutes uuwi na ako, bahala siya.
"Alora"
Wow....kong kailan paalis na ako, saka pa dadating, hindi ba niya alam na naiinis na ako kakahintay sa kanya.
"Buti naman naalala mo pa ako" napa irap nalang ako,.
Hindi ako umimik pagkasakay hanggang sa umandar na ito, nasa bintana lang ang tingin ko.
"Bat hindi mo na naman ako kinausap?" tanong niya, hindi parin ako sumagot.
"Ang tagal mo, kanina lang kaya ako don, saka bakit ba naisipan mong gumala at inaya mo pa ako?, saka asan ba tayo pupunta?" Sunod sunod na tanong ko, habang nasa labas ng bintana parin naka tingin.
"Okay-okay!, Sorry na traffic lang, at para sa pangalawang tanong mo, wala lang, ang boring kasi, Ikaw nalang tanongin ko, asan ba tayo?" Sunod sunod ring sagot niya.
"......"
"Park?" Hindi ako sumagot o umimik lang man kaya siya nalang ang nagtanong.
Umiling ako.
"Restaurant?, baka gutom ka"
Umiling ulit ako, kahit na ang totoo ay nagugutom na talaga ako, pero ayaw ko don, magmumukhang nag date lang kami don.
"Mall?"
Umiling ulit ako.
"Eh asan ba talaga?" Iritadong tanong niya at bigla nalang inihinto ang sasakyan.
Sa eksaktong lugar na to....."Dito" buong galak na sabi ko, siya naman itong napa nganga, I know na babaduyan siya sa dating, but duh!, siya kaya itong nag aya.
"Sa Enchanted Kingdom?"
YOU ARE READING
Alora's Dream
JugendliteraturIsang simpleng babae na palagi nilang tinatawag na nerd si Alora, palaging lonely maliban nalang kong kasama niya ang pinsan tahimik lang naman ang buhay niya nabago lang dahil sa isang o Panaginip....... ....Isang mahabang panaginip na parang totoo...