𝓪𝓵𝓸𝓻𝓪𝓼 𝓭𝓻𝓮𝓪𝓶☽︎
Alora Kitty POV:
"Tita papasok na po kami" rinig kung paalam ni Mira sa magulang ko.
Siniko pa niya ako ng di ako nagpa alam kaya napa kamot nalang ako sa ulo.
Tong babaeng to!
"Time to go Mom!" Paalam ko kay Mommy Alice, lumapit pa ako sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi ganon din si Insan.
Nagmamay-ari ng isang malaking kompanya ang mga magulang ko oh well si Mommy ko na ang nagpapa takbo nito dahil sad to say ay iniwan na kami ni Daddy,.
Sa madaling Salita mayaman kami, pero hindi ako mukang mayaman, dahil sa.....magulong kulot na buhok, malaking salamin, hindi marunong manamit, at tinatawag nila akong nerd.
"Hey! nerdy!" Oh see nerd talaga tawag at tingin nila sakin.
"Hoy! Gregoria tumabi ka nga papa gawa kana naman ng assignment sa pinsan ko no?" Tinaasan ng kilay ni Mira ang babaeng nasa harapan na bumati sakin.
Gregoria Elizabeth, Classmate namin Gr.10 section A, katabi ko, mahilig magpa gawa ng assignment sakin.
Sinimangotan ni Gregoria o Grey si Almira bago umalis
"Iyong babaeng yun talaga," napa iling nalang si Mira bago humarap sakin at dinuro pa ako."....hoy ikaw ha Alora huwag na huwag ka nang papayag na easy-easy-hin lang ng babaeng yun, huwag ka nang papayag kung magpagawa pa siya ng assignment sayo" sumbat niya sakin."Yes Ma'am" inismiran niya ako ng nag pout ako.
"Okay Class pass your paper now!" Sigaw ni Ma'am,.
Isa isa na kaming tumayo at ipinasa na ang papel kay Ma'am pati narin iyong pinagawang assignment niya.
"Alora" napalingon ako sa likuran si Grey pala.
"Oh bakit?" Tanong ko nagpa linga linga pa ako dahil baka makita kami ni Mira.
"Pwedi mo ba akong samahan mamaya'ng break time?" Kumunot ang noo ko.
"Bakit?, asan?" Sunod sunod na tanong ko.
"Basta, pwedi ba?" Nagtaka may tumango nalang ako, dala narin siguro ng curiosity.
Saka di naman pwedi kung sa lunch e, umaaligid si Mira sakin non, kung sa breaktime naman kasi ay kasama niya ang ibang ka-klase kaya naiwan akong mag isa, 30 minutes lang rin naman kasi ang break time.
"Alora, san ka pupunta?" Tanong ni Mira sakin ng lumiko ako, papunta na sana kami sa Canteen e.
"Ah Huh- A-Ano mag CR lang, mauna kana hinihintay kana ng mga kaibigan mo" sabi ko rito, napa kunot noo siya pero wala ng magawa pa ng tinawag na siya ni Cecile isa sa mga kaibigan niya.
Nagpa tuloy nalang ako sa paglalakad, napa iling Oo maraming kaibigan si Mira, di tulad ko, nag iisa lang wala naman kasing gustong kumaibigan sakin e, wala ring kaka usap sakin, maliban nalang siguro kay Mira at kay Grey na kinausap lang ako pag nagpapa gawa ng assignment.
"Alora" napa hinto ako sa paglalakad papunta sana sa Music Room na sabi ni Grey dun kami magkikita.
"Oh Grey ikaw pala oh asan ba tayo?" diretsong tanong ko sa kanya, lumapit siya sakin saka hinawakan ako sa braso.
"Don't Worry, Sa Basketball Court lang tayo" napa ngisi siya, ako naman itong mukang kinabahan sa kinikilos ng babaeng to kaya napa ayos nalang ako sa salamin ko.
Walang imik ako habang nagpa tuloy kami sa paglalakad, habang si Grey naman ay todo kwento e hindi ko naman alam kung anong pinag sasabi niya.
"Oh we're here na pala, let's go pasok na tayo" sabi niya nasa court na nga kami, gusto ko sanang tumakbo dahil baka ano pang gawin niya sakin pero hinila na niya ako papasok.
Kunti lang ang tao dito, pagpasok ay napa linga linga pa siya na tila ba may hinahanap.
Ano kaya?, Sino kaya?.
"Grey we're here" napa tingin kami ni Gregoria sa gawi ng babaeng sumisigaw at kumakaway di malayo samin.
I know her!.
"Oh ayon na pala sila ah" nag freeze ako sa kinatatayuan pero wala nga akong magawa dahil hinila na naman ako ni Grey papunta sa gawi nila.
Dalawang lalaki, at tatlong babae, at kilala ko silang Lima. Mga Senior sila, sikat sa school,.
"Hey guys!, siya iyong sinsabi ko sa inyo, She's Alora" pagpapa kilala pa ni Grey sakin.
Hindi ako nagsalita at napa lunok nalang, ano ba to?, what is the meaning of this?.
"Oh hey nerdy!" Tumayo at bumati sa akin si Rylene ang tumawag sa amin kanina.
Yes, Rylene Diaz Gr.11, Also known as the Queen of Volleyball kasi nga sa magaling siya sa Volleyball e mas magaling pa nga si Insan Mira kesa sa kanya e.
"Don't call her Nerd darling, just call her weirdo" sabat nung isang babae si Diane at nagtatawanan sila except nalang dun sa isang cold guy.
Diane Rye Jimenez, The Queen of Campus, sabi nila e, and she is Renejay's ex,And.....
Renejay Lopez ang binansagang heartthrob ng campus, ang long time crush ko, ex ni Diane, he's a cold type guy.magkakaibigan silang apat, except dun sa isang mahinhin na babae na kasama nila ngayon, oh well I don't know her pala, hindi kasi NU Nazareth ang uniform nito kundi SIS School,.
"Ano bang kailangan nila sakin?" Bulong ko kay Grey, medyo lumayo pa ito sakin na tila ba nandidiring dumikit ako sa kanya.
Arte naman nito. akala mo kung sinong maganda e puro make up naman ang mukha!...
"Oh she's asking guys, kung ano raw ang pakay niyo sa kanya" natatawang sabi ni Grey sa ka grupo, umupo naman ito sa tabi ng isang lalaki si Gio.
Giollo Angeles, the Handsome bad guy ng Campus, binansagan rin siyang Campus play boy.
"Oh well!" Lumapit si Diane sakin kumuha siya ng libro at notebook pati ballpen, lumingon siya sa mga kasama at parang may sinenyas siya at ganon rin ang ginawa, except nalang dun sa isang babae at kay Ren.
"Magpapa gawa raw sila ng assignment sayo friend" sabi ni Grey sakin.
Friend?, I don't feel sincerity when she said it, malabo wala naman kasing gustong kuma-ibigan sakin e, e kung meron man, magpapa gawa lang iyon ng assignment sakin.
"W-What?" Naisabi ko nalang.
"Yes Alora, ang hirap kasi nito e, ang hirap ng lesson namin sa STEM, Math at Science, OMG mahihimatay na kami" maarteng sabi pa ni Rylene.
"Ano, eh Gr.10 palang naman ako, hindi ko alam iyong mga lesson niyo, kaya pano ko yan magagawa yang mga assignment niyo?" Naiinis man ay sinubukan ko paring pakalmahin ang sarili.
"Matalino ka diba?, gawin mo" sabat nung Gio habang nakiki pag dirty kisses with Grey.
Eww yuck! Umiwas nalang ako ng tingin na napa dapo kay Ren at nung babaeng katabi niya.
"Do it, Ms.Nerdy Alora, mababagsak kami pag di namin nagawa to," seryusong sabi ni Diane.
Oo matalino ako, pero hindi naman ibig sabihin non, na pati lesson nila maiintindihan ko, eh hindi ko naman alam yun kasi nga sa Gr.10 pa ako at sila naman ay Gr.11,.
"Pano ko naman maiintindihan tong assignment niyo e kung wala naman ako nung diniscuss to?" Sagot ko pa.
"Common nerd, we'll pay for it, magkano ba gusto mo?" Tumayo na yung mayabang na si Gio,.
"I don't need money" inirapan ko siya.
"Do it Alora, or else" bumulong na sakin si Diane, at nakaka-likha ito ng malamig na hangin na dumapo sa tenga ko, ang creepy.
Or else ano?, tanong ko sa isipan.
"Just do it nerd, it's so easy" sabat nung Rylene, sasagutin kona sana nang mag ring ang bell hudyat na natatapos na ang break time.
Easy daw pala e sabi nung Rylene, e bat di siya ang gagawa?.
...
YOU ARE READING
Alora's Dream
Teen FictionIsang simpleng babae na palagi nilang tinatawag na nerd si Alora, palaging lonely maliban nalang kong kasama niya ang pinsan tahimik lang naman ang buhay niya nabago lang dahil sa isang o Panaginip....... ....Isang mahabang panaginip na parang totoo...