Alora POV:
Naglalakad ako papuntang Canteen sana, at dahil nga madadaanan ko yong Music Room napa tingin ako rito, may tao pala naka awang kasi ang pinto.
Shit!....si Ren?
Nasa Music Room siya, hindi ako nagkamali, siya yong nakita kong nag pa-piano.
Pumasok ako don....pero akala ko nag iisa lang siya meron pala siyang kasama si....si Jillian.
Bakit andito to?, e sa kabilang school naman to nag aral ah.
"Alora?" Nakita ako ni Jillian kaya napa tingin sakin si Ren.
"H-hi" bati ko nalang, di makagalaw, at hindi ko alam kong bakit.
Tumayo si Ren saka lumapit kay Jillian, naglakad na sila palapit sakin.
"Hey!" Bati ni Ren sakin.
"Dito ka na ba mag aaral Jillian?" Tanong ko, paralisado parin.
"No, Actually dito nag aral yong kuya ko, may binigay lang ako sa kanya" ngumiti siya sakin.
"Ikaw Alora, What are you doing here?" Si Ren ang nagtanong.
"Ahm....Actually paborito ko kasing tambayan dito e" paborito nating tambayan don sa panaginip ko.
"Ah Really?, magkapareho pala kayo ni Gio" naka ngiti pang sabi niya.
Napa tango nalang ako, maya maya ay nag paalam narin sila, patapos na kasi ang break time tapos babalik pa yong si Jillian sa School nila.
Napa ngiti nalang ako ng mapait, wala na, wala na talaga, it's game over!, it's official Ren will never be mind, pero tanggap ko yon matagal na, parang tanga naman kasi akong nagpapa niwala don sa panaginip ko e.
Umupo nalang ako don sa may isang silya, sakto namang may gitara kalapit don kaya dinampot ko, broken ako ngayon kaya nasa mood akong magpatugtog at kumanta ng sad song, bakit ba?, e madali lang namang mag move on sa crush e, diba?.
Saka Feel like parang hindi naman ako nawalan kasi meron namang dumating.
Nagsimula akong mag strum, planong kantahin ang Pagsamo by Arthur Nery.
-kung bibitaw ng mahinahon ako ba'y lulubayan ng ating
Mga kahapon na dina ayusin ng lambing?
Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap?Wala akong pakealam sa time, gusto kong mag-emote bakit ba?,.
--ba't ba ipaalala
'Di rin naman panghahawakan
Ba't ba ipipilit kung 'di man tayo ang....Para sa isat-isa, 'di ba sinta tayong dalawa lang noon para sa isat isa? Oh woah
Bakit di sumang-ayon sa'tin ang panahon?Hindi naman tungkol sa akin ang kangang to, but the lyrics say ba't ba ipipilit kung di naman tayo ang para sa isat isa, hindi ko naman talaga pinipilit, sadyang nasasaktan lang ako, masyado kasi akong nagpadala dun sa panaginip kung iyon e.
-Siguro nga wala ng natira sa mga sinusulat mo para sa'kin,
Alam kung luha ang bumubura ngunit hayaan mo na lang-----He cut me off---nagulat ako sa biglang pag sulpot niya sa harapan ko.
---Walang saysay ang panalangin ko 'kung di ako ang hahanapin mo, kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa'yo, bakit 'di mo dama to?....pagpatuloy ni Gio sa kanta.
Napatigil ako hindi makapag salita, para kasi kaming nag collab ng wala sa oras, napa tikhim ako, ngayon lang kami nagkaharap ulit, binitawan ko ang gitara saka tumayo.
"Ah...Ahah S-sige mauna na ako" paalam ko, kahit na pwedi namang hindi, naiilang lang kasi ako.
Ngayon lang kami nagkita ulit, binibigla niya naman ako sa biglang pag singit niya sa pag kanta, but in all fairness ang ganda talaga ng boses niya, napa ayos tuloy ako sa salamin ko.
"Kung gaano ka adik ang halik mo, ganon din ka adik pakinggan ang boses mo"
I froze.....What the heck!, is he saying?.
YOU ARE READING
Alora's Dream
Teen FictionIsang simpleng babae na palagi nilang tinatawag na nerd si Alora, palaging lonely maliban nalang kong kasama niya ang pinsan tahimik lang naman ang buhay niya nabago lang dahil sa isang o Panaginip....... ....Isang mahabang panaginip na parang totoo...