Chapter 19

4 2 0
                                    

makipag bati sana ako ako kay Gio, pero nadagdagan lang ang inis ko sa kanya dahil sa ginawa niya sakin kahapon, maayos na sana yong chillin moment namin don e, sinisira pa niya.

"Good morning Class!" Bati ng Adviser namin.

Pero walang good sa morning ko ma'am, nagsimula nang mag leksyon si Ma'am nakinig naman ako pero wala akong maintindihan, lumilipad ang isip ko sa kung ano mang ginawa ni Gio sakin kahapon.



Sumabay ako kina Mira nong mag break time, pero nong mag lunch ay mag isa akong kumain pagkatapos naman non ay naglakbay ako patungong Library.

Nag he-headset ako habang naglalakad, napahinto lang ng may humarang sa daan ko.

"Hi" bati niya pero diko siya pinansin at nilagpasan nalang pero ang kulit lang at haharang na naman siya sa daan ko.


"Ano ba?" Inis na sigaw ko rito, tinanggal ko iyong headset, at sinamaan siya ng tingin, parang natutuwa pa ang gago.


"Ang sungit mo na naman sakin, bakit ba?" Inosenteng tanong nito di lang man niya naalala ang ginawa niya sakin kahapon.


"Naiinis ako sa'yo Gio,"


"Oh!, naiinis ka na naman sakin, bakit?"

Napa irap ako sabay kross-arm, huwag ka nang magpanggap na hindi mo alam, bwesit nito.


"Ewan ko sa'yo" nilagpasan ko na siya pero hinigit niya ulit ang braso ko, pero ang ayaw ko sa lahat ay yong mga tingin niya sakin.

Masyadong nakakatunaw.


"Tell me Why?" Ang kulit niya talaga, at para mabitawan na niya ako ay kailangan ko na talagang sumagot, naiilang ako sa mga titig niya.


"Dahil for the second time, hinalikan mo na naman ako, ninakawan mo na naman ako ng halik kahapon" sabi ko rito, but the heck at napa ngisi lang ito.


Ganito kasi yong nangyari kahapon, gabi na non pauwi na kami, nakasandal kami pareho sa may sasakyan niya habang nakatingin sa kalangitan, pero nong napatingin ako sa kanya nakatingin pala siya sakin, at sa diko inaasahan bigla na niya lang akong hinalikan.


"Sorry, but damn! I love kissing you, it's addicting"





...


First time ko pa atang naka sampal, matapos kasi sabihin ni Gio ang mga katagang yon ay bigla ko nalang siyang nasampal, ewan ko ba Oo inamin ko kinilig ako don pero nakaka manyak ang dating niya non.

Diko gusto!.


"Alora Look!" Pinatingin ni Mira sakin ang phone niya may pinanuod kasi siya.

Humigpit ang hawak ko sa silya at parang hindi ako makahinga, nakita ko sa video ang nagawa ko kahapon, kaya pala ang sama ng tingin ng mga classmate ko kanina pagdating sa school.


"Kumalat na sa buong Campus ang Video na'to Alora, what did you do bakit sinampal mo si Gio?" Naguguluhang tanong ni Mira sakin.


Sinong nag video?, ganito ba ka big deal para sa kanila to?, Oo nga pala kahit playboy tong si Giollo maraming nagkakandarapa nito.


Sasagot na sana ako ng may biglang pumasok sa room.....

"Why did you slap him?" Kelley asked she's with her alipores named Kath and Abby.

And they known as a mean girl in Campus, school mate ko at kung maka mean girl naman nilamangan sina Diane.

"Wala kang pakialam, at wala kang alam" matapang na sagot ko dito, sasampalin na sana niya ako ng nasalo ni Grey ang kamay nito.


"Get lost, loser!, fake mean girl" mataray na sabi niya rito, sumabog naman sa galit at inis si Kelley kaya umalis nalang.



Kelley Crawford, Palaging representative ng school pagdating sa pageant, na link din siya kay Gio noon, at ewan ko ba nabalitaan ko kasi mula kay Grey na galit yang si Kelley sa mga magiging babae ni Gio.

Saka ang tanong ko lang, sinampal ko lang, ganon na ka big deal sa kanya yon, o gusto lang talaga niyang sumikat, balita ko naghahabol parin yon kay Gio.


"Alora, ano ba kayo ni Gio?" Nagulat ako sa tanong ni Mira pagka pasok niya sa kwarto ko.


"Wala" deny ko kaagad.


"Bakit palagi ko kayong nakikitang magkasama?"


"Siya naman kasi itong lapit ng lapit sakin e, target ata ako para maging next lady niya" napa ngiti pa ako ng mapakla sa sinabi ko.

Humiga si Insan sa kama habang ako naman ay busy sa pag wa-wattpad.


"Balita ko wala ng nilalanding babae yang si Angeles"

.

Alora's DreamWhere stories live. Discover now