Chapter 15

4 2 0
                                    

.


Ngayong gabi na pala ang Aquintance, at wala akong balak mag ayos, bahala sila.

"Alora, mag bihis ka na nga, malapit nang mag 6pm., ano ba pupunta kaba o hindi?, naku sa'yo ah,  huwag mong hintaying ako pa ang magbibihis sa'yo ah" daldal ni Mira habang ako ay nasa phone lang ang tingin..

Nag wa-wattpad!.


"Kitty!" May pagbabantang sabi ni Insan.

Wala akong sinayang na oras at agad na tumayo para mag bihis na, galit na ata siya at Kitty na ang tinawag sakin, Hays!.


Naka suot lang ako ng isang simpleng dress na color red, tube-dress ito na backlist with a pair of red heels.


"Ang ganda mo bagay sayo, suot mo, pero ang buhaghag naman ata ng buhok mo" natatawang sabi ni Insan, talagang proud pa siya ah, make-upan pa niya sana ako pero tumanggi ako kaya nag liptint nalang ako yon lang.


"Ano'ng gagawin natin dito sa makapal na buhaghag na kulot mong buhok Alora?" Tanong niya sakin, tiningnan ko siya mula sa salamin, naisip ko na i ponytail nalang ito, o kaya messy bun.


"Try mo sa Ponytail o messy bun Almira" utos ko dito at ginawa naman niya.


"Ito messy bun, since nababagay sayo, kasi messy buhok mo e, okay lang ba?" Napatingin ako sa sarili ko, kahit ponytail okay lang naman pero mas comfortable ako dito, kaya napa tango nalang ako.


"Pretty!, oy bareface yan ah" hindi ko alam kung naka ilang puri na tong si Insan e.

Sabay kaming pumunta ni Insan sa school, hindi naman ako nahirapan sa suot ko kahit fitted ito dahil hindi naman yon ganon kahaba, habang si Insan ay simple lang din ang suot since simple party lang to, naka black dress siya with glitter pa, kinulot pa ang buhok nito, ezzzz.


"Mira hey!, you're here na, let's go join us" aya ng kaibigan ni Mira sa kanya, siya lang kasi kasama ko sa table ngayon, ano pa nga ba.


"But....Alora is here you know....."  Napa tingin yong kaibigan niya sakin at mukang nabigla pa sa ayos ko ngayon, napa nganga e.

Hindi ko kasi sinuot ang salamin ko e, naka contact-klense lang ako, kaya naninibago talaga sila lalo na pagdating sa buhok ko, hindi ko naman kasi pinakialaman tong buhok ko at palagi lang buhaghag...hehe


"O.M.G!, Alora is that you?" Napahawak pa ito sa puso na talagang gulat na gulat talaga, di ako nagpa make over ha, nag aayos lang.


"Oh diba ganda ng pinsan ko, wag kayong makipag ibigan ha" pangloloko pa ni Mira, napa irap nalang ako.


Maingay na dito kanina pa, dahil kaka start lang ng party, medyo na bo-bored ako lalo pat nahihiya rin kasi naki join samin yong mga kaibigan ni Almira.


"Mira CR lang ako" paalam ko dito, masaya silang nag kwentuhan habang kumakain, hindi lang ako komportable lalo nat nahiya nga ako sa mga kaibigan niya.

Pinuri pa naman ako dahil sa ayos ko, oh guys, ako lang to.


Pagkalabas sa cubicle naghugas ako ng kamay pinagmasdan ko pa yong mukha ko sa salamin, may nag bago nga, parang ang ganda ko na, hehehe....


Paglabas naka salubong ko si Rylene na papasok sa CR, napa kunot ang noo niyang tumingin sakin, head to toe, wow ah.


"Alora?, wow you look nice ah" puri pa niya napa ngiti nalang ako.


"Lasing lang yan" biro ko dito bago umalis ng pailing iling don.


Wala akong balak bumalik don sa table ayaw ko don sa party ang ingay lalo na at hindi nga ako sanay, dumiretso nalang ako sa Garden at umupo sa may bench habang naka tanaw sa kalangitang punong puno ng mga bituin.


"You okay?" Nagulat ako ng may nag tanong, bumaba ang tingin ko sa isang lalaki na nasa harapan ko na ngayon.

Si Ren

At sa wakas ay kinakausap na niya ako.gosh!.

"A-ah Huh?, okay lang naman ako, ikaw naman masyadong concerned" natatawang sabi ko pa rito, umupo siya sa tabi ko, kaya parang ewan akong napa ngiti, bakit ba kinilig ako e.

"You are Alora right?" Tanong pa nito, parang ewan akong tango ng tango habang naka ngiting naka titig sa kanya.


"What are you doing here?" Humarap siya sakin pero yong titig ko sa kanya di maalis, bakit ba ang gwapo gwapo kasi niya lalo na sa malapitan.


"Wala, I need fresh air, ang ingay sa loob e" ngayon ay naka iwas na ako ng tingin pero parang ewan'g naka ngisi parin.

"Ahm, Sorry ah but excuse me I have to answer this call" tumayo siya at nagpa alam sakin na sagutin ang tawag niya.

Babalik kaya siya rito?


Hihintayin ko na sana siya baka kasi babalik, pero tumawag si Mira, nagtataka kung bakit ang tagal ko.

"Asan na kaya siya?" Napa lingon lingon ako umaasang makikita si Ren pero wala.

Nadidismaya nalang akong tumayo at babalik na sa venue, napa takip agad ako sa tenga ko ng makapasok na dahil hindi ako sanay sa ingay kahit na hindi naman ganon ka ingay yon, nag sasayawan na nga yong iba e.


"Ahh...." Napa sigaw ako dahil sa natapilok ako, hindi ako nabagsak sa lupa dahil may sumalo sakin, pero nawalan rin siya ng balanse kaya sabay kaming bumagsak sa lupa, nasa ibabaw niya ako.


At sa kadiri-diriang pangyayari, napa mulat ako ng mata at doon ko lang napansing nagka dikit pala ang mga labi namin, nag kiss kami.......

Si Gio siya....Oh my ghod!...


Siya na naman!.


Yong first kiss ko kay Giollo Angeles napunta, uh-no! No way,.

Agad akong napatayo na nanlaki ang mga mata dahil sa gulat, napahawak pa ako sa labi ko, this can't be, no way.

Nakaka hiya, at nasa amin pa ang tingin ng halos lahat ng estudyante, pero tumayo siyang parang wala lang sa kanya dahil naka ngisi pa.


"You....." Tinuro ko siya pero napa smirk lang siya at mukang kinilig pa, eww yuck!
  

"You stole my first kiss, you jerk" inis na sigaw ko dito.


Oh lupa kainin mo ako ngayon na, nakakahiya.

"Oh so proud to be your first kiss Alora" at talagang iniinis niya talaga ako ah.

Napa tingin ako sa paligid at nakita kung naka tingin sa amin si Insan, napa pikit nalang ako ng mariin, oh my godness ano bang kasalanan ko sa'yo lord at sa kanya pa pinapunta mo ang first kiss ko, kay Ren sana yon e.

Speaking of Ren, nakita ko siya ngayon, naka ngiti nakaka lokong ngiti ang ginawad niya kay Gio, bakit? mag-kaibigan e, proud sa kaibigan, hayup rin naman pala.

"Fuck you! To the hell in back" inis na sabi ko rito bago tumakbo palabas don.


Fuck you 1 million times Gio!...

Ang first kiss ko.

Alora's DreamWhere stories live. Discover now