Chapter 29

3 1 0
                                    


Alora POV:


Naghahabulan sa gitna ng dilim at tanging ilaw lamang ng buwan ang naging liwanag.

At nang mapagod ay tumigil, hinarap ang isat-isa at nakipag titigan sa isat isa, pinapakiramdaman ang bawat tibok ng puso...


"Mahal kita," he said, Gio said.


"Mahal din kita"..

Hahalikan na niya sana ako kung di lang ako nagising dahil dun sa alarm clock ko.


Inis ko tuloy iting in-off, at teka lang bakit ba nainis ako ng di natuloy 'yong kissing scene namin ni.....tangina, si Gio 'yong nasa panaginip ko, siya 'yon malinaw sakin na siya nga 'yon, and he said Mahal kita and I respond, Mahal ko daw siya sabi ng panaginip ko, what the heck!,.


Dahil nga sa Alas-singko na pala ay bumangon nalang ako at ginawa na ang morning routine ko, wala na akong gana pang matulog ulit baka kasi ma continue 'yong panaginip ko, ang buwesit kaya.


"Too early darling" Mom said, naabutan niya na kasi ako sa Dining, nagbabasa ng diyaryo while waiting her, kasanayan kasi ay ako 'yong hinihintay niya.


"Himala po kasing maaga akong nagising"....dahil kasi 'yon sa buwesit na panaginip e.


Sumabay nalang ako kay Mommy ng matapos kumain, minsan kasi naglalakad lang ako since malalakad lang rin 'yon nga lang at buhaghag ang buhok ko pag dating dun, pero pag andiyan naman si Insan ay naka-sakay ako, e may service 'yon e, sinabihan nga ako ni Mommy na dapat may service din pero ayoko ko nga, ayokong mag mukhang prinsesa e mukha ko palang.


"Alora, we're here hindi ka pa ba baba?" Bumalik ako sa sarili dahil sa sigaw ni Mommy.

Humingi nalang ako ng paumanhin, e ka buwesit naman talaga kasi e, palagi kasing susulpot sa isip ko 'yong tungkol sa panaginip ko kaya nawala ako sa sarili, pilit kung walain sa isip ko at mag isip ng katatawanan o ano pa pero eeksena siya, o diba hayup!...

"Alora," si Mira kaka dating niya lang.

Since wala pa naman 'yong Adviser namin, tulad ng nakasanayan na ni Almira bini-braid niya 'yong buhok ko hinati niya sa dalawa, hindi naman din kasi ganon karami 'yong buhok ko, kulot na mahaba, at diba 'yong mga kulot buhaghag?, ito kasi 'yong pampalipas bored niya instead of chikahan, 'yong ayusin ang buhok ko...



"Alora, let's go" aya ni Mira ng mag break time.


"Susunod ako" malumnay na sabi ko.

Nag CR muna ako bago pumuntang Canteen, naka salubong ko pa nga si Kelley e, tinaasan lang ba ako ng kilay.

Attitude ka girl?!.


Mag isa lang naman akong kumakain sa Canteen habang iniisip parin 'yong tungkol sa panaginip ko,hindi ko lang maiwasan.

"Mag isang kumakain while naka tingin sa malayo at malalim ang iniisip, oh well ako ba yang iniisip mo?" And guess who's there.

Si Gio lang naman,nawalan tuloy ako ng ganang kumain.


"At bakit naman kita iisipin?" Casual na tanong ko.


"Simply, because you miss me" mayabang na aniya, inirapan ko nalang.

"See, ang ganda mo talaga pag umiirap, tsaka ayos na ayos ka ngayon ah" hindi ko alam kung puri ba yon o hindi, di ko nalang siya pinansin.


"Pwedi ba Gio, h'wag mo akong gina-gago, nakaka inis ka talaga, tsaka may pinariringgan ka sa FB diba, siya nalang kaya gaguhin mo" inis na sabi ko habang naka-kross ang mga braso.


"Kung alam mo lang" hindi ko masyadong narinig yong sinasabi niya, pero sakto naman kasing nag ring na ang bell kaya umalis na ako dun.


Sumapit ang uwian o diba ang bilis lang ng oras, pero 'yong panaginip ko nasa isip ko parin, ughh kainis kunin ko kaya tong utak ko no saka waksiin dun yong panaginip ko.


Napadaan ako sa Music Room, naka bukas ang pinto, sumilip ako dun, may lalaking nag-gitara hindi siya kumakanta, nag-gitara lang siya, naka side view siya sakin, hindi ko mapigilang mapa titig sa kanya......kay Gio.


Kahiy inis ako sa'yo napapa ngiti mo parin ako, habang pinagmasdan kasi siya ay nakita ko nalang 'yong sarili kung ngumingiti,....shit napa lingon siya sakin, at mabilis pa sa alas kwatro ng nagtago ako, kinabahan ako dun ah.


Umalis nalang ako dun, ng makasalubong ko si Diane she's with Rylene huma-habol naman sa kanila si Grey.


"Hi gurl!" Masiglang bati ni Rylene sakin.


Kailan pa ba naging gurl tawag niya sakin, e nerd naman 'yon ah?..

"Hi Alora!" Si Grey.


"Here, don't make me disappointed, punta ka sa birthday ko ah," inabot ni Diane sakin ang isang puting papel, ay hindi yon papel, Invitation Card 'yon.


"B-bakit ako?, Why did you Invite me?"....dati nobody lang naman akong dinadaan-daanan niyo lang....tapos ngayon...

Hays!


"Common Alora!, isang walang hanggang pasalamat sa'yo dahil dun sa tulong mo" si Rylene ang sumagot, tatango tango naman tong si Grey.


"Alright, See you there" Si Diane bago sila umalis.


Naiwan akong napa awang ang bibig, can't believe this, oh by the way bukas nang gabi pala birthday niya, napa tango nalang ako.


Nagpa-tuloy ako sa paglalakad ng masulyapan ulit si Gio parang may hinanap ito, buti nalang hindi niya ako nakita.


And just staring him from afar made me realize something....that...



I think.....I already find my own Jack!...

Alora's DreamWhere stories live. Discover now