.
Nasa simbahan ako at nasa harap ko ngayon ang naka ngiting si Ren, napa tingin ako sa suot ko OMG!, naka bridal gown ako, owwemmm!..
Kinasal kami.
"You may now kiss the bride"
Kinikilig ako teka lang, shit!.
Maghahalikan na sana kami ng...may sumigaw.
"Itigil ang kasal"
Napa bangon agad ako ng may narinig akong katok, panaginip lang pala, buwesit na panaginip yon, kinasal kami maghahalikan na sana kami e, kung di lang sumigaw yong si Gio na yon, buwesit hadlang talaga siya pati sa panaginip ko.
"Anak, bumangon kana diyan may lakad tayo" rinig kong sigaw ni Mommy.
"Okay po"
Nagpasalamat ako dahil holiday ngayon kaya walang pasok, at kapag walang pasok di ko makikita ang pagmumukha ni Gio, kaya let's celebrate..
"Mom where are we going?" I ask Mom while nasa biyahe pa kami.
"In Mall, gusto mo ipaayos natin buhok mo?".
"No Mom I love my hair, no need to fix it,"
"Okay shopping nalang tayo" pagsusuko ni Mommy.
Okay narin to kahit ayaw kung mag shopping, gusto ko kasing malibang e. lalo nat wala na si insan sa bahay, boring.
Habang namimili si Mommy ako naman itong napa linga linga lang walang planong mamili si Mom nalang.
"Teka...." Namumukhaan ko yong lalaki don sa may unahan ah, naka side view ito habang may kong anong kinukulikot sa phone niya.
Si Ren......kung se-swertehin ka nga naman oh.
"Mom don muna ako" paalam ko kay Mommy ng di lang man ako narinig.
Nakatayo si Ren malapit don sa kinalalagyan ng mga toys, at para di tayo magmukhang papansin nagpapanggap akong namimili, habang namimili kunyari panay din ang sulyap ko sa kanya hindi ako mapakali lalo nat naamoy ko siya, ang bango niya.
Ng napalingon ako sa kanya ay kunot noong napalingon rin pala siya sakin kaya tinodo ko na.
"Oy Renejay ikaw pala" kunyari pang nagugulat akong nakita siya dito.
"Oh Hi!, may kasama ka ba?" Napa linga linga pa siya.
Ito namang si Crush di siya halatang concern ah, sasagot na sana ako ng may familiar na babae ang lumapit at kumapit sa braso niya.
Laglag panga ko, girlfriend niya ba to?. teka naman I'm not ready to know na may girlfriend nga siya....OA!.
"Oh hi!" Bati ng babae sakin, ningitian ko nalang siya.
"Ahm....Alora she's Jillian my girlfriend, Jill si Alora".
Hindi ako makahinga, laglag panga ko hindi ako makapaniwalang may girlfriend pala si Ren ko at si Jillian pa, kaya pala andon siya sa school namin the time na nagpagawa ng assignment sina Diane sakin, Kaya pala...
"Hi" bati ko nalang dito.
Nawalan na talaga ako ng pag asa pang mapansin ni Ren lalo nat may Jillian pala siya.
"Pano mauna na kami ah" paalam ni Ren sakin.
Hindi ko alam pero parang tutulo na ang luha ko pinigilan ko lang dahil papunta si Mommy sakin, ang sakit, kahit crush ko lang siya na b-broken padin ako.
Totoo pala yong sabi ni Gio sakin sa panaginip ko, na kahit sa panaginip ay di siya magiging akin, parang sinampal ako sa katotohanang hanggang pantasya lang ako sa kanya, isipin mo simula Gr.7 ako crush ko na siya until now na Gr.10 na ako, its fucking four years huh!, pero kay Jillian naman pala ang bagsak niya, tuwang tuwa pa ako ng maghiwalay sila ni Diane.
Kaya pala, sa huling eksena kasi sa panaginip ko ay si Jillian ang kahalikan ni Ren, kaya pala, yon lang siguro ang totoo don, couple pala sina Renejay at Jillian.
Kaya pala...
YOU ARE READING
Alora's Dream
JugendliteraturIsang simpleng babae na palagi nilang tinatawag na nerd si Alora, palaging lonely maliban nalang kong kasama niya ang pinsan tahimik lang naman ang buhay niya nabago lang dahil sa isang o Panaginip....... ....Isang mahabang panaginip na parang totoo...