Chapter 30

4 1 0
                                    

Gio POV:

Nasa may Sala ako, nanood naman ng TV si Manang Cessa, Titanic 'yon, pinagmasdan ko ang Invitation Card na binigay ni Diane sakin kanina, at parang ewan akong napa ngiti dahil sa sulyap ni Alora sakin kanina.

Kahit naka side view ay nakita ko parin siya, naka titig siya sakin, at ng di naka pigil nilingon ko siya, but nagtago siya, mas lalo tuloy akong napa ngiti ng dahil dun.

Lumabas ako hinanap siya, ayain ko sana siya aa cafe, pero nawala naman siya,.

I made my decision, bukas na bukas, magtatapat na ako sa kanya, either she likes it or not...She said yes or no, ewan basta, maitatapat ko lang tong nararamdaman ko sa kaniya..

Bahala na.

Alora POV:

May klase pa ngayon mamayang gabi pa naman ang birthday ni Diane, hindi lang naman pala ako ang inimbita halos lahat pala ng etudyante sa campus.

"So excited for Diane's upcoming birthday party later" rinig kung sabi ni Kelley, tingnan mo nga naman nag aabot na naman kami dito sa CR.

"I'm sure maraming handsome de- mercedes dun" komento naman ng kaibigan niyang si Kath.

Mula sa salamin, napa baling ang tingin ni Kelley sakin, tinaasan ako ng kilay.

"Eh ikaw Alora, imbitado ka ba?" Taas kilay na tanong niya.

"Imbitado o hindi, wala kang pakialam dun" pambabara ko, sasagot na sana siya ng may pumasok na Teacher kaya di natuloy, dali dali nalang akong lumabas dun.

Matapos ang klase na himalang hindi ko yata nakikita si Gio,......pero hayup lang, ba't ko ba siya hinanap?.

Ah Oo tama hindi ko siya hinanap, kaya magpa kasaya ka Alora Kitty, hindi mo makikita sa araw na to ang nakaka inis at nakaka buwesit niyang pag-mumukha, napa tawa nalang ako sa sariling iniisip, parang timang lang.

"Hoy!, Alora di'mo sinasabi'ng imbitado ka pala ah, well Oo nga pala at ako rin, sabay tayo mamaya ah, wait for me" sabi ni Mira bago sumakay sa sasakyan niya.

Ako naman ay maglalakad lang gaya ng nakasanayan, pasasabayin nga ako ni Mira tulad ng palaging inaalok niya sakin pero humindi ako, gusto kung maglakad.

Naglalakad ako ng may bumubusena, huminto 'yong mamahaling sasakyan sa tapat ko, bumukas ang bintana non, at lumiwanag ang mukha ko ng makita si Ren, siya pala ang sakay.

"Hi Alora" akala ko siya lang andiyan pala si Jillian, muntik ng mapawi ang ngiti ko, buti nalang at strong ako, naka move on rin ako sayo.

"Hi sa inyo" kumaway ako.

"Walking Alone?, sumabay kana lang kaya samin, since ihahatid ko naman si Jillian, magkapit-bahay lang naman kayo diba?" Si Ren.

"Ay naku! H'wag na salamat nalang" agad kung tanggi.

"6pm. when the party start, it's already 5pm, alam kung imbitado ka Alora, kaya let's go, get in the car, sabay samin, para makapag ayos kana".  hindi na ako tumanggi pa at mukang di nila ako titigilan e.

Pagkadating sa bahay, naligo agad ako, saka nag ayos na naka suot lang naman ako ng simpleng black dress na hindi lagpas tuhod, pinaresan ko pa 'yon ng black boots na with heels pa, naka maong jacket pa ako pero diko 'yon binu-butunesan, hinayaan ko na lang din 'yong buhok kung nakalaylay, nag pulbo nalang din ako at naka lip tint lang, ganon lang ka simple dahil ganon ako, Manang talaga.

Kinuha ko na 'yong white shoulder bag ko lalabas na sana nang bumukas ang pinto, si Mira talagang ayos na ayos ito at napaka mahal pa ng damit at ng LV niyang mini bag.

Alora's DreamWhere stories live. Discover now