Chapter 13

14 3 0
                                        

Di parin ako maka get-over nong kahapon, di ako pinansin ni Crushy ko, ibang iba talaga sa panaginip ko.

"Ms.Damayao" palabas na ako ng room ng tinawag ako ni Ma'am Suarez, ang tanging close kong teacher.

Hehehe!

"Yes Ma'am?"

"Can I ask you a favor?," napatango ako sa sinabi ni Ma'am ..." Pwedi mo bang isauli to sa Music Room?" Patukoy niya dun sa flute na ginamit namin kanina sa Music actually siya yong Music Teacher namin.

"Sure Ma'am" kahit tutol sana ay sumang ayon nalang ako, kinuha ko yon at lumabas na ng room pagkatapos magpaalam kay Ma'am.

Ayaw ko na kasing bumalik pa don, baka kasi ang buwesit na Gio at ang babae niya ang makikita ko don, tss ang laswa kaya, ginawa kasi nilang Motel ang Music Room.

Tss!

Hindi na ako nag abalang buksan pa ang pinto ng Music Room hindi kasi ito nakasara ng maayos e.

Pagpasok napa tigil agad ako dahil sa isang tugtog ng piano, sumilip ako.

Si Gio pala, na naman!.

Dahan dahan akong naglakad at mahinang nilagay sa lalagyan ang flute na dala ko, baka kasi maka likha ako ng ingay at makita pa ako ni Gio, lagot na, naiinis pa naman ako sa mukha niya.


"Anak ng kabayo" napa iktad ako sa gulat ng paglingon ko ay mukha agad ni Gio ang sumalubong sakin, ang lapit lapit pa ng mukha niya sakin.


"Ano'ng ginagawa mo dito?, sinusundan mo siguro ako no?" Tumtawa pa ito ng nakaka asar kaya napa irap ako at naglakad na at nilagpasan siya.


"Hoy! Teka," napa tigil ako sa paglalakad ng hilain niya ang braso ko paharap sa kanya.

Parang nag slow mo ang pangyayari, mga mata agad namin ang nagtagpo, ang gwapo niya naman pala sa malapitan, yong mga mata niya kulay brown, ang tangos ng ilong, napa baba ang tingin ko sa mga labi niya, parang ang sarap halikan.

Napa iling at napa iwas agad ako ng tingin dahil sa naisip, hay! Alora ano ka ba?.


"Free ka ba later?"


Hindi ko talaga alam kung bakit napapayag niya ako, ang sabi niya kasi,kung pwedi ko ba siyang samahan'g samahan may pupuntahan raw kasi siya, at di'ko alam kung saan.

Di lang man sinabi.


"Nako! Sa'yo Gillo Angeles ah kapag may nangyaring masama sa'kin lagot ka kay Insan" pnanakot ko rito pero ngumisi lang ito.

Habang nasa biyahe nagpa-sounds pa kami para enjoy road trip, ewan ko ba pero napa ngiti nalang ako, hindi ko alam kung nasan na kami, pero parang malayo na kami sa siyudad.

Asan ba talaga ako dalhin ng lalaking ito?, saka ba't ako ang sinama niya pwedi namang si Grey.

"Saan ba tayo pupunta Gio?, baka ipababa mo ako tapos iiwan" hinarap ko siyang naka kross-arm.

"Hindi ako mang iiwan" ewan ko ba pero parang may ibang meaning 'yong pagkasabi niya non.


"Oh andito na tayo, baba ka na" utos niya, huminto ang sasakyan sa isang kakaibang lugar,.


Bumaba ako at nakita ko anh isang familiar na lugar para sakin, may mga bahay bahay naman dito, pero nakaka pansin lang sakin ay 'yong bahay sa unahan, isang maliit na bahay malapit don sa may punong may treehouse.

"Let's go" inalok niya sakin ang kamay niya, napa irap ako pero kala unan ay tinanggap rin, parang OA lang pero nong hawakan niya kasi kamay ko ay parang nakuryente ako.


Hindi pa naman gabi, lumolubog palang ang araw, maganda dito, peace of mind, saka mahangin pa, bermuda grass ang sarap higaan.tsk!


Ganon nalang ang ngiti ko nang sa maliit na bahay pala niya'ko dinala, Familiar talaga sa'kin to e.


Napa angat ang tingin ko don sa may treehouse, mukang maganda don ah.


"Gusto mo don?" Tanong ni Gio patungkol don sa treehouse pero umiling ako.


"Pwedi ba tayong pumasok?" Tumango siya at nauna na sakin para buksan yong kahoy na pinto,.

"Dito ako palaging pumunpunta kapag gusto ko ng sariwang hangin, ako ang nagpagawa nito, actually dito kasi kami naka tira noon e" pag ke-kwento niya.

Nilibot ko ang tingin sa loob ng maliit na bahay bahayan na ito, may isang mesa na nasa gitna nito habang pinaligiran ng mga halaman, Oo halaman, magagandang kulay green na halaman, puro halaman nga ang laman nitong bahay na to e.


"Maganda ba?" Binuksan ni Gio ang isang maliit na lampara, dumidilim narin kasi e.


"Ang ganda," walang halong birong puri ko.


At familiar talaga siya sakin kaya pilit ko itong inaalala.
Tama........sa.....sa Panaginip ko pala ito nakita.


'Yong birthday ko sa panaginip ko dito ako dinala ni Ren, Oo tama dito 'yon kaya pala familiar, ang naiba lang kung sa panaginip si Ren bakit sa reality si Gio?.

Bakit?...ang gulo.

Alora's DreamWhere stories live. Discover now