Chapter 12

13 2 0
                                        

----

Isa lang ang naisip ko, posible kayang magiging totoo yong napaginipan ko?,.

Kanina pa ako pabalik balik lakad dito habang nasa baba ang kamay animoy malalim ang iniisip.

At malalim talaga, nangyari kanina ang isa sa mga scene sa panaginip ko, tsk, maari kayang maulit yon at magiging totoo na naman ang naging scenaryo dun sa panaginip ko?.

Sa Music Room, Oo yon!

"You know what ako tong nahihilo sa'yo" komento ni Mira na nasa harapan ko gumagawa ng project.

"Ang gulo kasi e" sa inis at pagkaka gulo ay ginulo ko pa lalo yong buhok kong buhol-buhol.

Napa kunot noo nalang si Mira ng muling sinulyapan ko, nginitian ko nalang siya ng tipid bago umalis don at umakyat na sa taas.

Kinabukasan, nung mag lunch ay pumunta akong Music Room, Oo ito yong palaging pinuntahan ko tuwing lunch dun sa unforgettable Dream ko.

Bumuga pa ako ng hangin bago pinihit ang door knob at dahan dahan na pumasok do'on.

Nilibot ko ang paningin ko sa silid pero parang wala naman atang tao, nagkaka mali lang siguro ako ng hinala at baka nagkataon lang yon.

right?

"Anong ginagawa mo dito?" Napa iktad agad ako ng marinig ang boses na yon, sa gilid ay nakita ko si Gio naka sandal sa pader habang naka cross-arm.

Wait teka,...kung sa panaginip si Ren ang palaging andito bat iba naman ata sa reality at si Giollo pa ang nakita ko, why kaya?.

"Naligaw, at wala kang pakialam don" inis na sabi ko dito akmang aalis na ako ng nagsalita ito.

"Salamat sa paggawa mo sa assignment namin ah" aniya at napa irap nalang ako.

Nasa harap na ako ng pinto at pipihitin na sana ang doorknob para lumabas ng marinig ang pag strum ng gitara.

Teka...walang ibang tao rito kundi kaming dalawa lang, at walang ibang tumogtug at si Giollo yon.

Kung sa panaginip si Ren in reality si Gio?

Uh-Oh! No way! No way!

Ayoko'ng mag assume na magiging totoo yong panaginip ko pero in reality si Gio at hindi si Ren.

Ang lala nito!

Buong klase ay tulala ako,
"Hindi, Mali ang nasa isip mo Alora, hindi totoong nagiging totoo yong panaginip mo, ano ka ba" parang tanga akong kinakausap ang sarili habang naglalakad palabas ng school.

"Hey!, okay ka lang ba?, Oh gusto mong ihatid ka namin sa mental" nagtatawanan yong mga kaklase kung hinaharangan pa ako para sabihin lang yon, narinig pala nila ako.

Pinagtawanan tuloy ako dito.


Walang nagbago buong araw sa klase, madalas akong pumupunta sa Music Room pero nabibigo lang dahil wala naman don si Ren, minsan pa ay naiinis pa ako dahil si Gio at ibat ibang babae ang nakita ko don, buti nalang talaga at di ako nahuli.


Sigh! "Mira sa Library muna ako" paalam ko kay Mira bago lumabas ng Canteen sabay kasi kaming nag lunch.

Bukod sa Music Room ay sa Library lang ang pwedi kung mapuntahan tuwing break lonely ako e, saka isa pa ayaw ko sa maraming tao.

Pagpasok sa Library agad akong naglibot at pumili ng librong babasahin pero naboboring lang ako kaya naupo nalang ako.

"Okay See you later" napa lingon ako sa likuran ko ng may nagsalita.

Isang lalaking naka talikod sakin, kaka baba niya lang sa phone niya may kausap pala sa phone, pero familiar siya sakin at napa nga nga ako ng napalingon siya sakin.

Shit! Si Ren.

Tinaasan niya ako ng kilay ng parang tanga akong titig na titig sa kanya habang naka ngiti.

"Hi" bati ko dito, pero di niya ako pinansin, he just stared at me at umalis na.



Napahiya ako don ah...

Alora's DreamWhere stories live. Discover now