"Bakit ba namamaga yang mga mata mo, umiiyak ka ba kagabi?"
Tulala ako habang nakasakay sa sasakyan dinaan kasi ako ni insan at sinabi na naman niya sakin na sa bahay na siya ulit matutulog, at papunta kaming school ngayon.
"Kasi Insan.....si Ren may Girlfriend pala.....huhuhu...Mira si Ren may jowa...pano na ako, insan wala talaga akong pag asa sa kanya,...wala insan"
Parang tanga akong nagwawala dito, niyugyug ko pa si Mira na parang siya yong pinagbuntungan ko ng inis, bahagya akong tinulak ni Mira at napa mura nalang dahil sa ginawa ko.
"Tanggapin mo nalang kasing wala kang pag asa sa kanya,... Tss baka si Gio talaga para sa'yo"
Bigla nalang akong nainis pagkarinig ko sa pangalan ng lalaking yon, ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sa kanya sa una palang, tss.
Nung nag break time ay hindi ako lumabas ng classroom kahit inaaya ako ni Mira nilibang ko nalang ang sarili ko, pero nung mag lunch pumunta akong Library at don pa sekretong kumain, ayaw ko sa Canteen at baka makita ko pa siya don, ng ma bored ako sa Library lumabas ako at pumuntang Garden kung saan kunti lamang ang tao, gusto kong mapag isa ngayon.
Kahit namamaga yong mga mata ko hindi naman ito masyadong napapansin lalo na at naka salamin ako, saka out of bored ginawa kong hair style ni Elsa ng frozen yong mahabang kulot na buhok ko, at ng matapos ay napa yuko nalang ako, remembering my sad life.
Ang pagkawala ni Daddy sa buhay namin, andiyan naman si Mommy pero palagi namang umaalis, I have no friends except Mira, at isa pa wala akong pag asa sa Crush ko, oh well it's normal, if there's sadness there's a happiness, tiwala lang Alora, sasaya ka din.
Napa angat ang tingin ko ng may nakita akong kamay at inabutan ako ng panyo, diko alam napa iyak na pala ako.
"Bakit ka ba umiiyak?" Tanong niya.
"Wala kang pakialam," pagtataray ko but even that tinanggap ko parin ang panyo at pinag punas.
Hindi na ata ako sasaya hanggat may Gio na palaging mangiinis sakin.
"Kailan mo ba ako hindi susungitan" umupo siya sa tabi ko, napa ayos ako sa salamin ko.
"Kapag titigilan mo ako, baka nakalimutan mong may kasalanan ka sakin, ninakawan mo ako ng halik" I pause for a second, What did I say again?.
The F!.
Ako lang yong nagpa alala sa gabing yon, bwesit at lalong nakaka bwesit pa ng humalakhak si Gio.
"...Tara" nagulat ako ng tumayo ito inalok niya ang kamay sakin, and out of the blue tinanggap ko yon.
"Mag cu-cutting tayo?" I asked lumabas kasi kami, e 5 minutes nalang ala una na e.
"Don't worry, para makabawi ako sa'yo, kahit hindi naman talaga kita ninakawan ng halik"
Hindi ko alam kong saan kami papunta pero alam ko ang dinadaanan namin papunta to sa lugar kung saan dinala niya ako, yong may bahay na puro halaman ang laman, sa Garden's Peak. raw kung tawagin, di nalang ako pumalag pa lalo na at kailangan ko ng katahimikan.
YOU ARE READING
Alora's Dream
Teen FictionIsang simpleng babae na palagi nilang tinatawag na nerd si Alora, palaging lonely maliban nalang kong kasama niya ang pinsan tahimik lang naman ang buhay niya nabago lang dahil sa isang o Panaginip....... ....Isang mahabang panaginip na parang totoo...