Chapter 27

3 1 0
                                    


Alora POV:

Sabay kaming naglalakad ni Mira papasok sa school, napa ayos pa ako ng salamin ng matanaw si Gio nasa entrance siya ng school, patay kang Angeles ka andito pa naman si Almira the great freak.

"Tingnan mo 'yang Gio na yan, iwasan mo siya ha" usal ni Mira, ng makita na si Gio, kinindatan pa ako.

Eh!

"Hi Alora, Good Morning!" Bati niya ng nasa tapat na niya kami.

Napa lunok nalang ako at nahihiyang ngumiti, nagliliyab na kasi ang tingin ni Mira kay Gio na titig na titig sa akin.

Ano bang nangyari kay Insan, e parang kailan lang isini-ship niya ako nito, bakit ngayon...uhh never mind!.

"Hoy, ikaw Angeles Giollo, kung may interes ka man sa pinsan ko, umayos ka h'wag mo siyang itulad sa mga babaeng pinaglaruan mo, ibahin mo siya" dinuro duro pa siya ni Mira, nakaka hiya nasa amin na tuloy lahat ng attensyon nang mga tao.

"Almira" hinigit ko na siya, baka ano pang masabi nito, ako itong nahihiya.

"Challenging!" Komento ni Gio naka ngiti lang ito na parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ni Mira.

Ano bang pinagsasabi niya?

"Sorry" paghihingi ko ng Sorry sa kanya tungkol kay Mira.

"I prove her that shes wrong Alora"

Hindi ko alam kung ano yong pinagsasabi niya pero umalis na kami don ang rami kasing nanood, nakaka hiya na, Oh kay gandang bungad pa naman talaga ng Umaga ko.

Tss...

           *******

Sabay parin kami ni Mira nang mag break time, mabilis lang ang oras pagkatapos non klase na naman, AP- terror na teacher namin si Ms.Carol Dimaguiba as in Di-ma-gi-ba.

Taray naman ng apelyido.

"Class listen!, may ipapa gawa akong Project sa inyo, ah No Research pala to about Economy, bukas na bukas ay kailangan niyo ng matapos to dahil bukas na bukas rin ay ipe-presenta niyo na rin to sa harap ng mga ka-klase niyo"

Napa irap ako, Research na naman!, sino naman kaya maging ka grupo ko ayaw ko pa naman non.

"Limang grupo lang to....Group 1, Damayao Alora, Damayao Almira, Elizabeth, Daquis, Laurel, Cruz,....Group 2....."

Di'na ako nakinig pa lalo na at lumapit si Grey sakin at 'yong iba ko pang ka grupo na may laking ngisi sa labi, lucky charm siguro nila ako.

Ako, Mira, Grey, Xiarra Daquis, Lester Jhon Laurel Hans Cruz....sila lang naman ang mga ka grupo ko, ewan ko lang din kung tutulungan ba nila ako sa research.

"Hoy...Hoy...hoy...mga hinampak ha!, baka akala niyo makakawala kayo sa research dahil sa iaasa niyo lang kay Alora to, p'wes nagkaka mali kayo because I'm watching you guys...ka grupo niyo rin ako" singhal agad ni Mira ng makalapit samin..

"I'm scared" nag a-akting pang natatakot si Grey pero pinandilatan lang siya ni Insan.

"Grabe naman 'yon Damayao, We help her naman, and of course she's our leader" komento ni Daquis.

"H'wag ka nang sasagot Mira, tutulong rin naman pala sila e" awat ko ng sasagot pa sana siya, inirapan niya na lang ako.
     

Mabilis lang ang oras at andito kami ngayon sa bahay ni Mira marami kasing Wifi saka may extra laptop pa siya dito kami mag research ngayon, bukas pa naman daw uuwi sina Tita kaya napag desisyonan ko nalang na dito nalang matulog nag paalam naman ako kay Mommy at pumayag naman ito.

"Ang yaman yaman talaga ng isang Almira, masungit lang ang hirap ligawan" natatawa pang sabi ni Hans Cruz.

"Tumahimik ka nga, sapak gusto mo?" Ayan na naman yang si Mira.

Tumahimik naman rin sila, nag tulong tulong kami, maayos naman pala tong naging ka grupo ko except nalang siguro kay Grey na puro reklamo kaya palagi silang nagkaka sagutan ni Mira.

"Alam mo, ang ingay mo, puro ka reklamo" sabi ni Mira kay Grey na nag reklamo na naman.


"Eh I hate this naman kasi, duh! Ang hirap kaya" pag iinarte pa nito.


"Arte nito, bakit sino ka ba?"


"Si Gregoria Elizabeth" pilyong sagot ni Grey kaya mas lalong nainis si Mira sa kanya, sasabunutan na niya sana to kaso dumating si Yaya at nagdala ng snack.

"Oh Snack muna tayo" sabi ko.


Kukuha na sana ng pagkain si Grey ng magsalita si Mira..." Bawal kakain ang magre-reklamo," sabi nito napa irap lang si Grey at di lang man natinag, kumain parin ito.

4pm. Ng sinimulan namin 'yon, 5:30 pm. na ngayon, pero hindi parin kami tapos, grabe naman kasi itong si Ms.Dimaguiba at kailangang bukas na bukas pa ipapasa.

"Oh my goshhh!" Bulalas ni Xiarra na siyang nakapa kuha ng atensyon ko.

Nanlaki ang mga matang naka tingin sa phone niya, si Grey naman ay naki usyuso pa.

"The Campus Play boy, Gio Angeles have a cryptic post sa FB, ay ewan kung anong tawag nito basta his post is meaningful.

"Anong sabi?" Si Mira na mukang hindi na ata High blood.

"Look!" Pina kita ni Xiarra samin 'yon.


Giollo Angeles.

Nag post ito ng isang picture ng keyboard pero naka focus lang 'yon sa isang letra, ang letrang A, 'yon lang.

At ang caption naman nito ay...

     ....'i like you❤'


"I like You, A?" Basa ni Mira base sa nakita.

"Si Gio pa, e palagi namang may nagugustuhan yan ah" si Laurel habang kumakain.


"Pero balita ko wala na yang nilalandi e" komento naman ni Cruz.

"So it's means may nagustuhan na talaga si Gio?, seryuso na?" Xiarra

"Sinabi mo pa" si Grey naman habang nakaka lokong tumingin sakin, napa taas ang kilay ko.


"I like You ang Caption, tapos letter A ang nasa Pic, na obvious namang first letter 'yon ng name ng Crush niya, right?" Si Xiarra gulong gulo.

gaano ba talaga ka big deal 'yon?, nakita ko kasi sa post maraming nag react, comment at share dun.....Sana all famous nalang.


"Posible kayang ikaw 'yon Alora"...

Alora's DreamWhere stories live. Discover now