𝓪𝓵𝓸𝓻𝓪𝓼 𝓭𝓻𝓮𝓪𝓶☽︎
..
Simula nung araw na yon kada lunch ay pumunta na ako sa Music Room, palagi kasing andun si Ren e, tinu-turuan pa nga niya akong mag-gitara e.
Hay!, oh my Ren, malapit narin kitang masungkit, hay!, para kang bitwin sa kala-ngitan, ang gaganda gusto kung abutin, pero dahil sa ang taas mo ay mukang malabo atang maabot kamay kita.
Sinara ko na ang locker ko at babalik na sana sa klase pero pagka lingon ko sa likuran nagulat ako dahil nakita ko si Gio, inirapan ko siya at aalis na sana dun pero hinablot niya ang kamay ko at kinorner niya ako gamit ang dalawang braso dun sa may locker.
"Ano ba Giollo" inis kung sabi rito, pero nanatiling blangko ang mukha nito.
Natatakot tuloy ako
"Akala mo ba'y hindi kita nakikitang papasok sa Music Room kada lunch" inaangasan yata ako ng lalaking to.
Teka, nakita niya akong pumapasok dun?, stalker ko ba siya?.
"Eh ano naman sayo," tinaasan ko siya ng kilay.
"Ren always go in the Music Room every break time and lunch, nagkikita ba kayo dun?" Nagulat ako dun ah, pero embes na sumagot ay tinulak ko siya.
"Oo bakit ba?, pakialam mo!" Inis kung sabi rito at agad na umalis pero rinig ko pa ang pahabol na tanong niya.
"Gusto mo siya hindi ba?"
Kumunot ang noo ko, nilingon ko siya at nginisihan,"...Oo bakit angal ka?" Sigaw ko sa kanya.
I don't need to lie, pakialam ko diba, saka bat ba siya nagtatanong?, anong pakialam niya.
The Next day, ganon parin ang nangyayari, malapit na ang birthday ko bukas na pala, tss, ano kayang ihahanda ni Mom?,.
"Kanina ka pa?" Napatayo agad ako mula sa kina uupuan dito sa may Music Room ng may nagtanong si Ren pala.
"Hindi naman" I lied ang totoo kasi kanina lang ako.
Hehehe, excited lang!.
Sabay kaming kumain, at sa di inaasahan naging close na kami, ginawa pa naming Canteen tong Music Room, nagtatawanan kami habang kumakain, Oo ganon kami nasanay tuloy ako.
"Marunong na ba ako?" Tanong ko rito pa-tungkol sa pag-gigitara.
"Kunti nalang" natatawa pang sagot niya pinagpatuloy ko na lang ang pag pa-practice hanggang sa nag tanong siya.
"Kailan birthday mo?"
"Huh!, bakit?" Gulat na tanong ko, e kasi diba bat niya naitanong?.
"I know all my friends birthday, so dapat alam ko din birthday mo" He said.
Alam niya lahat birthday ng mga kaibigan niya?, at gusto niyang malaman ang sa akin, So it's means he considered me as his friend?.
Ouch!, it's hurt!.Char.
"Bukas, June 27, Tomorrow's my birthday"
..

YOU ARE READING
Alora's Dream
Fiksi RemajaIsang simpleng babae na palagi nilang tinatawag na nerd si Alora, palaging lonely maliban nalang kong kasama niya ang pinsan tahimik lang naman ang buhay niya nabago lang dahil sa isang o Panaginip....... ....Isang mahabang panaginip na parang totoo...