“EVREN tayo na!” sigaw ng kanyang kaibigan na si Andrew. “Siguro’y sapat na itong nakuha natin.” Wika nito.
“Mabuti pa nga, baka naghihintay na din sa akin si Inay.” Aniya “Pupunta pa ako ng palengke pagkagaling natin ng junkshop,” wika nito habang papalapit sa kaibigan. “Kailangan kong bumili ng dagdag na gamot ni inay at bigas.” saad niya rito habang buhat-buhat ang mga kalakal na kanilang nakolekta.
“Ikaw ang bahala kapag may sobra akong pera ibibigay ko na lang sa iyo para maipang dagdag na pambili ng gamot ng iyong inay,” anito sa kanya.
"Salamat, Andrew.” Sabay tapik niya sa balikat nito. “Kailangan n’yo rin ang pera kaya sa mas mahalaga mo na lang ilaan. Sapat naman na siguro ang pera na makukuha ko rito sa kalakal na nakolekta natin." aniya kay Andrew.
"Ikaw ang bahala, Maglakad na tayo para makabili ka na ng mga kailangan mo." Nagtungo na sila sa junk shop kung saan ibibenta ang lahat ng kanilang nakolektang kalakal. Matapos kiluhin at bayaran ang kanilang kalakal ay nagpaalam na sila sa isa't isa.
“Magkita tayo mamaya, Evren.” wika ni Andrew sa kaibigan,tumango lang ito at naglakad na palayo.
Nang makarating si Evren sa palengke, agad niyang binili ang kanyang mga kailangan at nagtungo na siya botika upang bilhin ang gamot ng kanyang ina, matapos nuon nagmamadali na siyang umuwi.
Malapit na siya sa kanilang tahanan, nang may masasalubong siyang batang babae na halos ka-edad lang niya. tumingin ito at kumaway sa kanya. Dahil doon napatigil siya at binati din niya ito.
“Hi!” wika niya. “Bago ka dito sa lugar namin, anong pangalan mo?” tanong niya rito. kaya lumapit ito sa kanya at inilahad ang mga kamay.
“Ako si Isabella Fortalejo, bagong lipat lang kami.” pagpapakilala nito sa kanya. “ikaw anong pangalan mo?” tanong din nito sa kanya.
“Ako si Evren Morales, ikinagagalak kong makilala ka.” wika niya rito. "Sana maging masaya ka rito sa lugar namin. medyo magulo pero mababait ang matao dito." Aniya.
"Sa tingin ko nga, kasi mabait ka sa akin." At tumalikod na ito sa kanya ng may ngiti sa mga labi. Malayo na ito ngunit sinusundan pa din ito ni evren ng tingin. Nang mawala na ito sa kanyang paningin, natawa na lamang si Evren sa kanyang sarili Kaya naglakad na siya pauwi.
Pagkapasok pa lang niya ng pinto, nakita niya ang kanyang ina na naglilinis ng kanilang tahanan. Kaya lumapit siya rito at kinuha ang walis na hawak at siya na ang nagtuloy ng ginagawa nito. Dahil doon natuwa ang kanyang ina. Alam nito na ayaw ni Evren na siya'y mapagod. Nang matapos nito ang pagwawalis ay nagtungo na ito sa kusina upang magluto na ng kanilang pagkain. Habang nagluluto ikinuwento niya na may nakasalubong siyang batang babae na halos kasing edad lamang niya. sinabi naman nang kanyang ina na mga bagong lipat iyon.
“Sabi ni Ason, mabait daw ang pamilyang iyon. ” Wika nito habang inaayos ang ibang damit na nakakalat sa kanilang higaan. “Sila yung lumipat sa malaking bahay, doktor ang mga iyon at halos kasing edad mo lang ang anak nila,” wika ng kanyang ina sa kanya.
“Mukha nga po silang mababait, kasi mabait ang kanilang anak,” saad niya sa kanyang Ina. Wala pang isang oras natapos din niyang lutuin ang kanilang pagkain. Agad siyang naghain at inalalayan ang kanyang ina na maka-upo sa hapag-kainan. Masaya silang naghahapunan ng biglang may tumawag kay Evren mula sa labas ng kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
RomanceEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...