chapter 40

77 1 2
                                    

“EVERTHINGS ready, Sir.” Wika nang isang lalaki kay Calvin.

“Maraming salamat sa lahat.” Pasasalamat nito, matapos makipag-kamay rito.  “hindi ito maisasakatuparan kung wala ang tulong mo.”

“Ako po ang dapat na magpasalamat, Sir Calvin. naging maayos ang buhay nang pamilya ko dahil sa tulong mo. Maraming salamat po.” Anito, “Ang mabuti pa umalis na po tayo, sigurado na naghihintay na sila.” Tumango lang si Calvin at saka sila sumakay nang sasakyan. Hindi nagtagal nakarating sila sa isang sikat na restaurant kung saan doon magaganap ang importanteng meeting ni Calvin.

“Dito muna po kayo, sir. Ako muna po ang kakausap sa kaniya.” anito nang makapasok sila sa VIP room. Tumango lang si Calvin at naupo.

Lumabas ito nang VIP room at pumasok sa kabilang silid kung saan may taong naghihintay sa kaniya.  Pagpasok nito, agad na tumayo ang lalaki upang salubungin ito.

“Good morning, Mr. Sanchez.” Bati  nito.

“And to you, too. Mr. Dela Cruz. Pag-usapan na natin ang tungkol sa negosyo.” Anito. Nang maka-upo.

“Tungkol duon, maraming salamat sa pagpayag n’yo sa mga kondisyon ko. Ayoko lang kasi na mawalan nang trabaho ang mga empleyado ko, masisipag sila at maasahan, kaya wala kayong magiging problema sa kanila.” Wika ni Andrew.

“Well, as of our observation, mukha namang maasahan sila tulad nang sabi mo. Kaya hindi na kami magbabago o magpapalit pa nang mga empleyado. So the only thing we have to do is to legalized all the documents. Kailangan na lang itong pirmahan nang tunay na magmamay-ari ng kumpanya mo.” Saad nito na ikinakunot nang nuo ni Andrew.

“I thought. . .” anito, na nananatiling magkidikit ang ilay dahil sa sinabi nang kausap.

“Sorry, but ako lang ang naging kausap mo, sobra kasing abala sa maraming negisyo ang boss ko. He’s the one who wants your company. Dahil napirmahan mo na naman ito, tatawagin ko na siya para naman magkakilala na kayo. “ anito, kaya naman kinuha nito ang cellphone at tinawagan ang nasa kabilang silid. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwal doon ang taong hindi inaasahan ni Andrew, Nagtatagis ang kaniyang panga dahil sa pigil na galit. “Is this a f*****g joke?”   aniya sa sarili habang sinusundan niya iton nang tingin. Hanggang sa tumigil ito satapat niya at nakangiting tumingin sa kaniya.

“Kumusta, Mr. Dela Cruz? Mukhang nagulat ka, don’t worry it’s just me.” Nakangising wika nito.

“Del Fierro!” gigil na wika nito Andrew.

“Don’t give me that look! Nang mabalitaan ko na ibebenta mo ang kumpanya agad kong ipinaasikaso sa abugado ko ang lahat. Sinabi ko sa kaniya na kung magkano man ang presyo na ibigay mo ay tatanggapin ko. Money is nothing to me, kung gusto dadagdagan ko pa.” tila nang-aasar pa nitong wika kay Andrew.

“A*****e! Kinuha ni Andrew ang mga document sa ibabaw ng lamesa at pinunit ang mga iyon sa harap ni Calvin. “The deal is off! Hindi ko na ibebenta ang kumpanya, ibabalik ko sa inyo ang pera ora-mismo!” sambit niya rito ngunit pagak na natawa naman si Calvin sa kaniya.

“Sad to say, but hindi mo na maaaring gawin iyon. We already finalized all the documents at napirmahan ko na ito lahat. ang pinunit mo ay kopya lang. kaya wala ka nang magagawa.” anito, kuyom ang mga kamao ni Andrew habang masamang nakatingin kay Calvin.

“B***S**t! plinano mo ito, hindi pa tayo tapos Del Fierro!” Sambit nito, saka galit na lumabas nang silid. Habang naglalakad patungo nang parking lot, hindi mapigil ni Andrew ang galit kaya naman nanag matapat siya sa isang basurahan malakas niya itong sinipa. Kaya naman nagkalat ang mga basura at wala siyang pakialam. Kailangan niyang kumalma, kaya naisip niyang magpunta sa isang bar.

Doon nagpakalango siya, nag-table ng babae, uminom siya na tila walang bukas. “That f*****g a*****e, think he beat me? Hindi niya ako kilala, ako si Andrew Dela Cruz, hindi niya kilala ang pagkatao ko, narating ko ang kinalalagyan ko dahil pumatay ako ng tao para makuha ang mga bagay na ito sa matalik kong kaibigan. Hindi ako makakapayag na mawaa na lang basta ang lahat sa akin. Kaya humanda siya dahil hindi ako magiging mabait sa kaniya!” Wika niya sa mga babae na kasama. Panay naman ang lingkis ng mga ito sa kaniya habang tinutungga ang alak sa baso na hawak.

Kinabukasan nagising na lang si Andrew na nakahiga na siya sa kaniyang kama. Ngunit wala sa tabi ang asawa, nang kapain niya ang kabilang side ng kama. “Isabella!” sigaw niya. Ngunit walang sumasagot sa kaniyang pagtawag. Sa inis bumangon siya at naglakad palabas nang silid. Dala ang takot na baka nilayasan na siya nito. Ngunit laking tuwa niya nang makita ito sa kusina at nagluluto. “Sweetheart!” tawag niya rito. agad siyang lumapit rito ng lumingon ito sa kaniya. nagulat naman si Isabella sa ginawa nang asawa. “Andrew, anong ginagawa mo?” inis na tanong nito sa asawa.

“Akala ko iniwanan mo na ako, akala ko hindi na kita makikita. Natakot ako ng sobra!” anito habang may butil nang luha sa mata. “Mahal na mahal kita,” anito. Ngunit kinalas lang ni Isabella na ang mga braso nito nanakapalibot sa kaniyang katawan, saka humarap rito. “Paranoid  ka na naman,” kunot noong wika niya rito. matapos ay bumalik sa kaniyang pagluluto. “Ang mabuti pa, maligo ka na para naman mahimasmasan ka, mukha kasing lasing ka pa” anito. Ngunit sa halip na sumunod rito. muli itong lumapit kay Isabella at niyakap ito, “Okay,” sagot nito. Humalik ito sa pisngi ni Isabella saka ito nagbalik sa kaniyang silid. Marami na ang nawala kay Andrew, bahay, negosyo. Habang nakababad sa ilalaim ng shower. Iniisip niya ang bawat pangyayari. “Since that Calvin Del Fierro came, nagkanda-letse-letse na ang buhay ko. Ano ba ang meron sa kaniya?” tanong nito sa sarili. kaya naman matapos niyang makapaligo, at magtapis ng tuwaya. Kaagad niyang kinuha ang cellphone at may tinawagan. Ilang saglit lang ay kausap na niya ang isnag lalaki sa kabilang linya. “Magkita tayo sa sikretong lugar natin. ngayong tanghali.” Aniya, saka niya tinapos ang tawag. “If that Calvin Del Fierro wants a war, I will give him a war!”   matapos  niyang magbihis, sumabay siya sa pagkain kasama nang mag-ina. Tahmik lamang sila at tila walang sino man sa kanila ang may nais basagin ang katahimikan. Hanggang sa matapos si Andrew ay hindi pa rin nagsasalita ang mag-ina. Kaya naman yumayo na si Andrew matapos higupin ang natitirang kape sa kaniyang tasa. “Aalis na muna ako, Sweethaert. “ aniya saka humalik sa pisngi ni Isabella at bahagyang ginulo ang buhok ni reece na ikina-irita naman ng binatilyo. Ngunit bago siya makalabas nang kusina, kina-usap niya ang mag-ina. “kung wala kayong gagawin, maaari kayong mamasyal. Don’t worry, hindi ako magagalit, cause I am giving you permission, Sweetheart, hindi naman ako kasing sama tulad nang iniisip mo. Mag-shopping ka, isama mo si Reece, manood kayo ng movie. Feel free. Chao!”  paalam nito, habang nakangiti sa mag-ina. Nagkatinginan lang ang mga ito. at nagtataka sa naging asal nito sa kanila.

Nang makasakay si Andrew sa kaniyang kotse, binuhay niya ito. “Humanda ka, Del Fierro.” Aniya, habang nakangisi. At saka pinaandar ang sasakyan.

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon