chapter 36

66 1 0
                                    

“KUMUSTA naman ang pag-aaral mo, Reece? Ginagawa mo ba ang lahat nang sinabi ko sa iyo? Itinigil mo na ba ang pagguhit nang mga kung anu-ano? Tandaan mo na hindi bagay sa iyo ang ganoong mga bagay, ituon mo ang sarili mo sa pagiging Architech, pangarap ko na makapagtapos ka sa ganoong kurso.” Seryosong wika ni Andrew sa binatilyo. Tumango lang si Reece habang ipinagpapatuloy ang pagkain.

Matapos ang kanilang family date,  nagbalik na sila sa kanilang bahay. Hindi sila nagkikibuan hanggang sa makapasok sila sa kanilang mga silid,

Nais magwala ni Reece dahil sa galit sa kaniya ama. “Hindi ko talaga maatim na kasama ko ang demonyong iyon, napakasama niya!” gigil na gigil siya rito, dahil alam niya na sinaktan na naman nito ang kaniyang ina. Kanina habang kumakain sila ay nakita niya na may pasa ito sa braso, napansin naman nang kaniyang ina na nakatingin siya rito kaya naman  pilit nitong tinakpan ang pasa sa braso. Wala siyang magawa, nais niyang lumayas ngunit hindi naman niya kayang iwan ang kaniyang ina. “Kaunting tiis na lang, Mommy. Kapag nakapagtapos ako, agad akong hahanap nang trabaho para mailayo kita sa hayop na iyan. Kahit na siya pa ang aking ama, hindi ako matatakot na iwan siya.” Matapang na wika ni Reece.

Maghapon hindi mapakali si Calvin, Nais niyang tawagan si Isabella ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili. kaya naman pag-uwi niya nang mansyon ay agad niyang tinanong ang kaniyang Tito Ronaldo kung dumating ang kaniyang anak na si Reece.

    “Huh? Pupunta ba siya ngayon?” patanong na sagot nit okay Calvin.

    “Tito, nag-aalala ako sa aking mag-ina. Pakiramdam ko ay may nangyari sa kanila,” wika nito habang naglalakad nang pabalik-balik.

    “Calm down, Calvin. bakit hindi mo tawagan ang anak mo, para makampante ka.” payo nito sa kaniya.

Kaya naman ginawa agad ni Calvin ang sinabi nito, hindi na siya nag-alangan. Matapos i-dial ang numero ni Reece agad niyang inilaga sa tainga ang cellphone. Narinig niya na nag-ring ito at mabilis na sinagot.

    “Hello, Tito?” sagot sa kabilang linya.

    “Reece, kumusta? Akala ko ba gagamitin mo yung studio ngayong araw?” tanong niya rito.

“Sana po, kaya lang dumating na si dad, nag-aya ng Family date, so, hindi na po ako natuloy.”  Sogot nito. Tila nakahinga naman ng maluwag si Calvin nang malaman ang dahilan ng anak, ngunit hindi pa rin maalis ang kaniyang pangamba. “Reece, si Mommy mo, kumusta siya.” Tanong niya rito. ngunit matagal bago ito sumagot. Kaya naman muli itong tinanong ni Calvin. “Hijo, may probema ba?” kinakabahang tanong nito. Narinig niyang marahang tumikhim si Reece bago ito sumagot.

    “S-she’s okay, don’t worry tito.” Sagot nito. Tila nakahinga naman ng maayos si Calvin nang marinig ang sagot nito.

    “Okay, that’s good. Basta sabihin mo kung kalian mo gustong gamitin ang studio, para naman masabihan ko ang lolo mo na paghandaan ang pagdating mo.” Bilin nito kay Reece.

    “Sige po, Tito.” Sagot naman nito.

Agad naman nawala sa kabilang linya ang kausap. Ngunit ang kaba ni Calvin ay nananatiling naroon kahit na sinabi ni Reece na maayos naman ang kaniyang ina.

    “Parang may mali?” aniya, Kakaiba ang nararamdaman ako.” Mariin na napapikit na lang si Calvin at tahimik na ipinagdasal na sana’y nasa maayos ang kaniyang mag-ina.

“GOOD BOY,” wika ni Andrew kay Reece matapos makipag-usap sa cellphone. “Mukhang nagiging malapit yata kayong dalawa, nakakapagtaka. Anong mayroon at masyadong interesado ang mokong at hambog na Calvin na iyon sa inyong mag-ina.”

Natatakot si Reece ngunit hindi niya ipinapakita sa harap ni Andrew. “Mabait lang si Tito Calvin sa amin ni Mommy, that’s all.” Matapang na sagot ni Reece.

    “Ganoon ba? pero bakit sobra yatang bait niya? ang dami mong bagong gamit.” Anito, habang umiikot ang mga mata sa loob nang silid nang binatilyo. Saka itinuro ang bagong relo na suot nito. “Ito, sa pagkakaalam ko hindi ito ang iniregalo namin nang iyong ina nuong kaarawan mo. Saan ito galing? Sa kaniya ba?” tanong nito habang nakatingin sa mga mata ni Reece at seryoso ang mukha nito. Bahagyang napaatras si Reece at naramdaman niya na bumangga na ang likod ng kaniyang binti sa kama. “B-bigay ito ni Mommy nung namasyal kami nuong isang araw.” Sagot ni Reece. Bahagyang napangisi si Andrew sa hinawakan sa ulo ang binatilyo at marahas na ginulo ang buhok nito.

    “Ganoon ba? ang mabuti pa magpahinga ka na,” anito, saka naglakad palabas nang pinto, ngunit bago pa man ito makalabas, muli itong humarap kay reece at nang wika. “Gusto kong sunduin ka bukas sa eskuwelahan mo, don’t worry, I insist.” Anito, habang nakangisi. Saka tuluyang lumabas nang pintuan.

Naiwan naman si Reece na tila nanginginig nag katawan sa takot. Kilala niya ang kaniyang ama hindi siya nito susunduin nang walang dahilan. “He’s up to something.” Hanggang sa naka-isip siya nang paraan. “Bahala na!”

“AALIS ako, susunduin ko si Reece huwag mo na kaming hintayin dahil sa labas na kami kakain.” Wika ni Andrew kay Isabella matapos itong halikan sa pisngi. Agad namang napatingin si Isabella sa asawa dahil sa pagtataka, hindi naman talaga nito gawain ang sunduin ang kaniyang anak, ngunit bigla nitong naisipan na sunduin ito. Pagak na natawa si Andrew dahil sa nakitang ekspresyon ng asawa.

“Don’t make that face, wala lang akong gagawin ngayong araw kaya naisip ko na makipag-bonding kay Reece. Huwag kang mag-alala Sweetheart, wala akong gagawin sa kaniya, maliban na lang kung may gagawin kang kakaiba.” Matalim itong tumingin kay Isabella at ganoon din ito sa kaniya. lumapit si Andrew kay Isabella at bumulong sa tainga nito. Nakasasalay sa iyo ang mangyayari sa anak mo, kaya kung ayaw mo na masaktan siya magpakabait ka lang at magiging ligtas siya.” Muli itog humaik sapisngi ni Isabella at tuluan nang lumabas nang kanilang tahanan.

“Demonyo ka talaga, Andrew!” galit na sigaw ni Isabella rito. Bahagya pa iyong narinig ni Andrew ngunit ngumisi lamang ito saka sumakay nang kaniyang sasakyan. “music to my ear’s my sweetheart, ayoko gawin sa inyo ito, ngunit ayoko naman na mawala kayo sa akin nang anak mo. Mahal ko kayo at hinding hindi ako makakapayag na basta na lang kayo maaagaw nang hambog na Calvin na iyon.”

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon