CHAPTER 27

73 2 0
                                    

PAGDATING ni Calvin sa mansyon, naabutan niya ang kaniyang Uncle na nag-aalmusal kaya naman lumapit siya rito at nagbigay galang. "Kumusta ang lakad n'yo ni Annie?" tanong nito habang nakatingin kay Calvin na paupo na sa katapat na upuan sa lamesa.

"Good, bukod doon may nakita kaming hindi inaasahan." Aniya sa kaniyang tito, habang kumukuha nang pagkain at inilalagay sa plato. "Sino o ano?" tanong nito. Ngumiti ito at saka sinagot ang tanong sa kaniya, "Sino, nakita namin doon ang mag-asawang Dela Cruz, they say they are celebrating their Wedding anniversary. So I grab the chance to know more about him. Alam ko na magkaibigan kami dati pero hindi ko alam kung nagsasabi ba siya sa akin nang totoo. Kung nagawa niya akong traydurin, sigurado ako na marami pa siyang mga itinatago sa akin. And I'm sure that he's hiding so much skeleton in his closet at Isisiwalat ko ang mga iyon." Seryosong wika nito, habang napapadiin ang kapit nito sa hawak na kubyertos.

Agad namang napansin ito ni Ronald kaya naman kinuha niya ang atensyon nito at nagtanong upang malihis ang kanilang pinag-uusapan. "Kumusta naman si Annie, sigurado ako na masaya siya ngayon, dahil magkasama kayo kahapon." Tanong nito na pinasaya pa ang tinig upang magbago ang emosyon ni Calvin. Mabilis naman nitong sinagot ang tanong at nakangiting ibinalik ang atensyon sa pagkain.

"Well, no words can explain how much happy she is," nakangiting sagot nito saka isinubi ang pagkain mula sa kaniyang kutsara.

"Mabuti kung ganoon," masayang wika ni Don Ronaldo sa pamangkin.

Habang abala silang pareho sa pagkain, biglang nagtanong si Calvin sa kaniyang tito. "Uncle Ronald, gusto ko nga pala na ipa-DNA test si Reece, gusto kong mapatunayan kung talagang anak ko nga ang binatilyong iyon." Anito, saka tinapos ang pag-aalmusal. "I Have to go, maliligo lang muna ako bago ako pumasok nang opisina. May mga importante akong gagawin." Ani Calvin, matapos ay naglakad na ito paakyat nang hagdan. Napapailing lang na sinundan nang tingin ni Don Ronaldo ang pamangkin.

Naghahanda na si Calvin upang maligo nang biglang may tumawag sa kaniyang cellphone. Kaya naman agad niya itong sinagot. "Hello?" aniya, sa kabilang linya.

"Sir Calvin, maayos na po ang lahat, darating si Andrew dela Cruz mamayang tanghali para sa isang malaking deal na gagawin mamaya." Saad nanag nasa kabilang linya

"That's good, magkita na lang tayo sa opisina." Aniya, saka tinapos ang tawag. Inilapag niya ito sa ibabaw ng kama at pumasok na nang banyo upang maligo.

"ANDREW, it's nice to see you again!" Bati ng isang may edad na rin lalaki kay Andrew nang magkita sila sa isang mamahaling restaurant. Nakipagkamay rito si Andrew at naupo sa katapat na upuan. "Pasensya na kung biglaan ang meeting na ito. importante ang pag-uusapan natin." anito, saka tinawag ang kasamang lalaki. "Attorney, ikaw na ang magpaliwanag kay Andrew." Kaya naman lumapit ang abugado rito at may mga iniabot na mga papeles.

"Mr. Dela Cruz, my boss decided to pull out his share to your company. Here are the legal documents papirmahan na lang dito." Anito, hindi nakakibo si Andrew sa biglaang desisyon ng isa sa pinakamalaking investor nang kaniyang kumpanya.

"Sandali lang, baka naman nabibigla ka lang sa desisyon mo, pag-usapan na muna natin ito, wala naman nagiging problema sa kumpanya, paki-usap, gusto kong malaman ang dahilan." Paki-usap ni Andrew dito. Alam niya na kapag nag-pull out ito malaki ang mawawala sa kaniyang kumpanya.

"May naka-usap ako na mas maganda at mas malaki ang kita. Ganyan talaga sa negosyo, sorry, but my decision is final." Anito, mababakas ang galit sa mukha ni Andrew, ngunit wala siyang magagawa kung hindi pirmahan ang mga legal papers na iniharap nito sa kaniya. Matapos niyang pirmahan ang lahat, nakatanggap siya ng isang tawag mula sa kaniyang secretarya. Bigla siyang napatayo mula sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang sinabi nito.

"What?! No, no, no, this can't be happening to me!" sigaw niya. "ano ito lokohan? Akala ko ba maayos na ang lahat? bakit ngayon ay aatras siya?" hasik niya sa kausap.

"Sir, hindi ko po alam. basta tumawag ang secretary ni Mr. Vasques na hindi na raw siya mag-iinvest sa atin dahil may nakita raw siya na iba na mas malaki ang kikitain niya. And sir, yung ibang manager ng iba't ibang branch natin, mga nag-resign." Saad nang kaniyang secretary.

"What?! ano ba ang nangyayari? Nagkakaroon ba tayo ng problema sa mga pa-sweldo sa kanila? Bakit naman biglaan?" tanong ni Andrew, "Sige na, pupunta ako kaagad diyan," matapos makipag-usap mabilis itong lumabas nang restaurant at sumakay ng kaniyang sasakyan.

Pagkarating niya ng opisina, inabutan niya na tila nagkakagulo ang mga empleyado. Kaya naman agad niya itong nilapitan at tinanong. "What is happening here?" tanong niya sa isa sa mga empleyado na naroon.

"Sir Andrew, mabuti na lang at dumating na kayo. Si Manager Kim biglang nag-resign witout any reasons, basta na lang siya ng abot nang resignation letter sa secretary n'yo then nag-alsabalutan nang kaniyang mga gamit." Paliwanag nito. Matapos marinig iyon ay agad na angtungo si Andrew sa kaniyang opisina at nakita niya ang kaniyang secretary, "Ano itong balita na narinig ko mula sa sa mga empleyado? Agad niyang tanong sa kaniyang sekretarya.

"Sir, hindi ko rin po maintindihan, basta iniabot nila ito sa akin." Anito, saka ipinakita ang anim na puting sobre mula sa kamay ito. agad itong kinuha ni Andrew at isa-isang tinignan kung kanino galing ang mga ito.

"Bakit pati si Alex? Siya pa naman ang pinakamatagal ko nang empleyado rito, gusto kong tawagan mo siya at papuntahin mo rito kaagad. I will not accept this until he explain what is his reason." Utos niya sa kaniyang secretarya.

"Yes, Sir!" sagot nito, saka naglakad palabas ng opisina. Naiwan naman si Andrew na napaupo na lamang sa kaniyang Swivel chair at napapaisip sa mga nangyayari.

"May dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito, napakarami ko nang sinakripisyo para rito, at ayokong bumagsak na lang sa ganitong paraan!" Hindi nagtagal bumalik ang kaniyang sekretarya dala ang isang masamang balita.

"Sir, yung bangko tumawag, yung mga pay checks na ibinigay natin sa kanila ay nagtalbugan. E, sir, kamakailan lang nagpadala tayo sa kanila pero valid naman lahat, kaya nakapagtataka na biglang tumalbog ang lahat ng tseke na ipinadala natin sa kanila." Saad nito sa kaniya. kaya naman tumayo siya mula sa kaniyang upuan.

"kailangan kong malaman kung ano ang puno't dulo ng lahat ng ito. tawagan mo ako kapag na-contact mo na si Alex at papuntahin mo sa pabrika sa laguna, sabihin mong maghihintay ako roon sa kaniya." aniya, saka tuluyan nang lumabas ng pinto.

"Walang sino man ang makakapagpabagsak sa akin." wika ni Andrew sa sarili. 

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon