"NASAAN ang mommy mo?" tanong ni Calvin kay Reece nang ihinto na niya ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay nito.
"Siguradong nasa loob po siya, ayaw siyang palabasin ni Dad, nag-away sila nuong isang araw, hindi ko alam kung anong ang dahilan. Sobrang na akong nag-aalala sa kaniya dahil ilang araw na siyang hindi lumalabas ng kuwarto niya." Malungkot na saad ni Reece.
Dahil sa sinabi ni Reece, napa-isip si Calvin kasabay ng pag-aalala sa dating kasintahan. "Hayaan mo na, alagaan mong mabuti ang mommy mo, hayaan mong ikaw ang maging lakas niya, huwag mo siyang iiwan. Kailangan lagi kang nasa tabi niya." Aniya, habang nakahawak sa balikat nito, kasunod ang paggulo ng buhok nito. Bahagyang napangiti si Reece dahil sa ginawa ng kaniyang tito Calvin. Kaya naman napatitig siya rito.
"Bakit? May problema ba? may nararamdaman ka bang masakit?" nag-aa;a;ang tanong ni Calvin sa binata. Napangiti ito at yumakap sa kaniya.
"Salamat po sa pagpapa-check-up sa akin. Sa totoo lang po masakit pa yung mukha ko sa ginawang pagsuntok ni Dad sa akin. Pero okay lang kasi narito ka na, kahit paano po ay gumaan na nag pakiramdam ko. Sana ikaw na lang ang naging daddy ko, Tito." Anito, habang nakayuko ang ulo. Nakatingin lang si Calvin rito at nakaramdam talaga siya ng awa sa binata.
"Don't worry, kapag nakuha ko ang resulta ng DNA test natin at nag-match angmga ito, hindi ko lang pagagapangin sa lupa ang Andrew na iyo. Ipaparanas ko sa kaniya ang hirap na ibinigay niya sa inyong mag-ina." Wika ni Calvin sa sarili. "Ang mabuti pa pumasok ka na sa loob," sabi ni Calvin sa binata, bumaling siya sa likod ng sasakyan at may kinuha sa likod na upuan. Nang makuha iniabot niya it okay Reece. "pakibigay mo ito sa mommy mo, sigurado ako na magugustuhan niya ito." isa iyong pagkain, bago sila lumabas ng fastfood nang take out siya upang maibigay kay Isabella, may kalakip itong sulat para sa adting kasintahan. "Reece, just make sure na maibibigay mo ito sa mommy po. Magagawa mo ba ito para sa akin?" nakangiting tanong ni Calvin kay Reece.
"Opo, makakarating. Papasok na po ako. Salamat po ulit" anito, saka kumaway bago tuluyang makapasok sa loob ng bahay. Agad namang umalis si Calvin, dumeretso na siya pauwi sa kanila pagkarating niya sa kanilang bahay, nakita niya ang sasakyan ng kaniyang kasintahan na si Annie. Pagkahinto ng kaniyang sasakyan mabilis siyang bumaba at pumasok ng mansyon. Agad niyang nakita si Annie na nakikipagtawanan sa kaniyang uncle at Tito Ryan.paglapit niya nakita siya ni Annie at masayang lumapit sa kaniya, "Evren!" masayang bati nito sa kaniya. dahil ito na ang nakasanayang tawag sa kaniya ni Annie. "Mabuti naman at nakarating ka na, nagpunta ako sa opisina mo ro ang sabi ng secretary mo umalis ka raw at ipina-cancel o ang meeting mo ng hapon na iyon, saan ka ba galing?" tanong nito sa kaniya, habang nakayakap sa kaniyang baywang.
"May importante lang akong pinuntahan. Kumain ka na ba?" tanong ni Calvin sa kasintahan. Habang ang mga kamay niya ay humahagot sa likod nito. Nakita naman niyang tumango ito.
"Yeah, we already did. Uuwi na rin ako mamaya. Marami pa akong lesson plans na gagawin for tomorrow." Saad ni Annie kay Calvin.
"Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?" pag-aalok niya rito,
"No need, may driver ako ngayon. Parati na kasing akong pagod nitong mga nakaran dahil sa dami ng mga trabaho sa school. Pumunta lang naman ako rito, because I miss you. Gusto ko rin maglambing sa'yo" anito habang nakayakap pa rin sa kaniyang baywang.
"Doon na tayo sa kuwarto, para makapagpahinga ka na rin muna kahit saglit." Wika ni Calvin sa kasintahan. Isang malapad na ngiti naman ang namutawi sa mga labi ni Annie. "Sure" sagot niya sa alok ng kasintahan. Hindi naman nakatakas sa paningin ni Calvin ang mga tinginan nang kaniyang mga tito."Hey! huwag kayong mag-isip ng kung anu-ano!" sambit niya sa mga ito. Natawa lang ang dalawa at napa-iling, kaya naman hinawakan niya sa kamay ang kasintahan at hinatak na patungo sa kaniyang silid.
Pagpasok nila ng kuwarto agad siyang sinunggaban ng halik ni annie ngunit sa 'di inaasahang pangyayari biglang pumasok sa kaniyang isip si Isabella. Kaya naman hinawakan niya sa magkabilang balikat si Annie at inilayo ito. bakas sa mukha ng dalaga ang pagkadismaya dahil sa ginawa ni Calvin.
"Why? Something wrong?" tanong nito,
"Wala naman, pagod lang ako. Gusto ko munang maligo para gumaan ang pakiramdam ko. Umupo ka muna riyan sa kama." Aniya, saka humalik sa noo nito. Wala naman nagawa si Annie kun'di sundin na lamang ang nais ni Calvin.
Ilang minuto lang ang lumipas, lumabas na si calvin mula sa banyo, nakita niya si Annie na nakahiga na sa kama at tila nakatulog na sa paghihintay sa kaniya. "Marahil ay talagang napagod sa kaniyang trabaho." Wika niya sa kaniyang sarili. Kinabukasan na naka-uwi si Annie dahil hindi na hinayaan ni Calvin na umuwi ito sa kanila.
"Salamat sa pagpapatulog sa akin dito," anito, bago sumakay ng kaniyang sasakyan.
"It's nothing. Mag-ingat ka sa pag-uwi, tawagan mo ako kapag nakarating ka na." ani Calvin rito at saka ginawaran ito ng halik sa labi.
"okay, aalis na ako. Bye!" paalam nito at tuluyan ng sumakay ng sasakyan at umalis.
ISANG linggo ang lumipas, nakatanggap ng tawag si Calvin mula sa kaibigang doktor.
"Mr. Dl Fierro! Good news, kadarating lang ng result ng test." Pagababalita nito.
"Really?!" masayang wika niya, ngunit may halong kaba at takot ang kaniyang nararamdaman nang marinig ang balita. "Okay, I'll be there." Pagkasabi no'n ay agad siyang nagtungo sa clinic nito. Hindi nagtagal ay nasa tapat na siya ng pintuan ng clinic ngunit hindi niya magawang pumasok. Nanginginig ang kaniyang kamay at ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Pipihitin n asana niya ang knob nang igala itong bumukas. Bumungad doon ang kaibigan at binati siya.
"Nariyan ka na pala, bakit hindi ka pa pumasok?" tanong nito sa kaniya. huminga muna siya ng malalim at saka humakbang papasok ng klinika. Napansin naman ng doctor na tila kinakabahan ang kaibigan kaya naman tinapik niya ito sa balikat. "Chill ka lang, ano man ang resulta tanggapin na lang natin, positibo man ito o negatibo," nakangiting wika nit okay Clavin. Dahil don bahagyang gumaan ang pakiramdam nito.
"Salamat, nasaan na ang resulta?" tanong ni Calvin dito, nakita niya na kinuha nito sa drawer ang isang brown envelope na nakasilyado pa, umupo muna ito saka marahan na binuksan ito. inilabas na nito ang laman at tinignan ang mga nakasulat. Seryoso itong tumingin kay Calvin at muling tumigin sa papel na hawak.
"Calvin, it's . . ."

BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
RomanceEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...