chapter 38

71 2 0
                                    

DINALA muna ni Calvin si Reece sa kanilang bahay, upang makapagpahinga. Nilaanan na niya ito nang silid upang sa tuwing pupunta ito roon ay may silid ito na mapagpapahingahan. Tuwang tuwa naman si Reece nang makita ang loob dahil kumpleto na ito sa kagamitan.

    “Salamat po, Tito.” Pasasalamat nito, habang nakayakap kay Calvin.

    “Sige na, magpahinga ka na muna. Mamaya ka na umuwi. Tatawagan ko ang mommy mo para alam niya na narito ka.”wika ni Calvin. tumango naman si Reece at saka pumasok nang silid. Pagkasara ni Reece ng pinto, kinuha ni Calvin ang kaniyang cellphone at tinawagan si Isabella. Mabilis naman itong sumagot. “Hello,”  anito.

“Isabella, narito si Reece sa mansyon, mamaya ko na siya papauwiin. Nagkasagutan sila ni Andrew mabuti na lamang at naroon ako. Huwag mong sasabihin kay Andrew na alam mo na ang nangyari.” Bilin nito sa dating kasintahan.

Tila lumuwag ang paghinga ni Isabella nang marinig na nasa piling ni Calvin ang kaniyang anak. “Mabuti naman, ikaw na muna ang bahala sa kaniya, ako na ang bahala kay Andrew.”  wika ni Isabella. Agad na tinapos ni Isabella ang tawag nang marinig niya ang pagbukas nang pinto nang kanilang silid.

“Nasaan ang magaling mong anak?” galit na tanong nito.

“kakatawag lang niya, nasa mall raw siya at gusto niyang manood nang sine. Bakit ano ba ang nangyari?” pa-inosenteng tanong nito sa asawa.

“Sinagot-sagot niya ako. Napakatapang na niyang sumagot sa akin, marahil ay alam niya na darating ang walang kwentang si Calvin Del Fierro.” Anito, at padabog na inilapag ang mga suot sa kama. “Ikaw? Huwag mong sabihin na may ipinagmamalaki ka na rin sa akin?” naniningkit na tanong nito kay Isabella. Umiikot ang mata ni Isabella at nagsalita. “Iyan na naman ba ang pagtatalunan natin, Andrew?” aniya, “umalis ka na narito ako, dumating ka na narito pa rin ako, sa tingin mo nakikipagkita ako sa lalaki? what a stupid mind you have! Kahit na nabuburo na ako rito hindi ako umaalis, dito na nga umiikot ang buhay ko sa loob nang bahay. Tapos pag-iisipan mo pa ako nang ganiyan!” inis na sambit ni Isabella.

Nilapitan naman siya ni Andrew at niyakap. “Tama lang na narito ka at kung lalabas ka kailangan kasama ako. Huwag mong gagawing kaliwain ako dahil baka makita mo ang pagka-demonyo ko. Gagawin kong maging masama lalo na kapag iniiwan ako nang mga mahal ko.”

Dahil doon napapikit na lamang si Isabella, agad niyang binaklas ang mga braso ni Andrew sa kaniyang katawan at mabilis na lumayo. “Magluluto ako nang hapunan, uuwi na rin si reece mamaya. At Andrew, kung ano man ang nasabi nang anak ko sa iyo, iyon ay dahil kasalanan mo. Nagkulang ka, kaya nakapag-isip siya nang kung anu-ano sa iyo. Hindi ko siya masisisi. Kaya kung gusto mo na magkaayos kayo, maging ama ka sa kaniya, ipakita at iparamdam mo iyon sa kaniya.” Wika niya, saka siya lumabas nang silid.

BAGO ang oras nang hapunan, dumating si Reece na nakasakay nang taxi. Mabilis siyang sinalubong ni Isabella at bumulong, “Kumusta ka naman kasama ang tito calvin mo?” tanong nito. Nakita niya na ngumiti ito at saka yumakap sa ina. Alam ni Isabella na naging masaya ito roon. “Ang mabuti pa pumasok na tayo sa loob nakapagluto na ako nanghapunan,”

“Hindi na po ako kakain kumain na po ako sa labas kasama nang mga kaibigan ko.” Anito, ngunit alam ni Isabella na hindi iyon totoo, alam niya na pinakain na ito ni Calvin sa kanila bago ito pauwiin. Ngumiti naman siya sa anak at hinayaan na ito na maka-akyat sa silid nito.

“Mukhang masaya naman ang anak mo?” wika nang isang tinig mula sa likod ni Isabella.

“Naging masaya lang siya kasama nang kaniyang mga kaibigan. Hayaan mo na siya. Saka na kayo mag-usap kapag malamig na ang sitwasyon ninyong dalawa.” Wika niya sa asawa.

“kung ganoon tayong dalawalang ang kakain sa hapag-kainan, mukhang masaya ito.” nakangiting saad ni Andrew sa asawa. “tayo nang kumain at kanina pa ako nagugutom. Kanina kasi ay nawalan ako nag gana dahil sa nangyari.” Anito, kaya naman nagtungo na sila sa mesa at kumain na silang dalawa.

Habang nagku-kuwento si Andrew, sa iba naman nakatuon ang isip ni Isabella, wala siyang paki-alam sa mga sinasabi nito. Natapos ang kanilang pagkain ay nanatili sila sa salas upang doon magpalipas nang oras.

Napalingon ang mag-asawa nang makita nila si Reece na pababa ng hagdanan, “mabuti naman at naisip mo na lumabas nang silid mo,” wika ni Andrew sa anak. ngunit hindi ito pinansin ni Reece. Nagtuloy siya sa kusina upang kumuha nang makakain at inumin. Matapos makakuha, agad siyan naglakad pabalik sa kaniyang silid ngunit bago pa man niya ihakbang ang mga paa sa hagdan, narinig na naman niyang nagsalita ang kaniyang ama.

“Wala ka bang balak na makipag-usap sa akin, anak?” sambit ni Andrew na ikinatigil ni Reece. Naglakad siya palapit rito at nagsalita. “Ngayon ko lang narinig sa inyo yan, nakakakilabot! Kung noon n’yo pa binanggit iyan sa akin. Baka maisip ko pa na sweet ang dating niyan sa akin. But, not now. Iba na tayo, Dad!” aniya, na pinagdiinan ang salitang dad kay Andrew. Saka ito naglakad pabalik nang silid.

Napatingin naman si Andrew sa asawa at nakatingin lang ito sa kaniya. kibitz balikat lang niyang binaliwala ang mga sinabi ni Reece at muling naupo sa sofa. “gagawin kong habaan ang pasensya sa kaniya, dahil sa iyo. Pero sabihan mo ang anak mo, dahil baka kung ano ang magawa ko sa kaniya.” banta ni Andrew kay Isabella, tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at naglakad patungo sa kanilang silid. Naiwan naman na napapailing si Isabella. “You deserved it,” nakangising wika niya habang sinusundan ang asawa na nanglalakad palayo.

Masaya siya na naging matapang na ang kaniyang anak at kaya nang ipaglaban ang sarili laban kay Andrew. Hindi magtatagal sasabihin na rin niya ang katotohanan rito na ang tunay nitong ama ay walang iba kundi si Calvin Del Fierro. Ang lalaking nag-iisa sa puso niya at sobrang mahal na mahal niya. Darating din ang araw na magkakasama sila at mamumuhay nang payapa.

“YOU look happy?” wika ni Don Ronaldo kay Calvin nang makita niya ito na masayang gumuguhit.

“Yes I am, tito. Pero at the same time nag-aalala pa rin ako, hanggat nasa poder pa rin sila ni Andrew, hindi ako mapapanatag.” Paliwanag ni Calvin sa kaniyang tito.

“Kumusta naman ang pinapatrabaho mo, kailan naman ninyo balak gawin ang mga plano n’yo matapos mong agawin ang lahat nang investor ni Andrew, sigurado na mahihirapan nanag makaahon ang kumpanya niya matapos mawalan nang mag-i-invest.” Wika ni Don Ronaldo.

“Soon, kailangan maayos ang lahat gusto kong makita kung paano maghirap ang katulad niya at ilalagay ko siya sa lugar na dapat na kinaroroonan niya.” Aniya, habang patuloy na gumuguhit.

“Well then, sana maayos mo na iyan, dahil sabik na ako na tumira na rito ang aking apo.” Wika ng kaniyang tito. Ngumiti lang siya at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon