"ANAK, handa na ba ang pagkain, nagugutom na ako," tanong nang kanyang ina ngunit nakita niyang tila may kausap si Evren kaya nilapitan niya ito, hindi inaasahan nang ina ni evren ang nakita. Ngunit sa halip na magalit ay masaya pa niya itong pinapasok na ikinagalit naman ni Evren.
"Inay, ano ito, bakit mo siya pinapasok?" Aniya sa kanyang ina.
"Evren, anak. Paki-usap hayaan mo muna kami ng iyong ama na mag-usap." Seryosong aniya nang kanyang ina sa kanya. Kaya lumabas si Evren at naglakad-lakad na muna. Hanggang dalhin siya nang kanyang mga paa sa bahay nang kasintahan. Kaya naupo muna siya sa tapat nang bahay nang dalaga. Ilang saglit lang ay may tumabi sa kanya at yumakap.
"May nangyari ba?" tanong nang dalaga sa kaniya.
"Dumating si itay, gusto ni inay na mag-usap muna sila. Ayoko sana siyang patuluyin sa bahay kanina, kaya lang nirespeto ko na lang ang gusto ni inay" saad ni Evren.
"Tama naman ang nanay mo, hayaan mo muna, si inay na ang magdedesisyon kung tatanggapin pa niya ang iyong itay o hindi na, siguradong inaalala din niya ang mararamdaman mo." Wika ni isabella kay Evren. Ngumiti lang ang binata sa dalaga. Hanggang sa magdesisyon siyang bumalik na sa kanila. Pagdating niya ay nakita niyang nagtatawanan na ang kanyang mga magulang. Hindi malaman ni Evrwn kung ano bang dapat niyang maramdaman ng mga oras na iyon.
Dapat ba siyang matuwa dahil nakikita niyang masaya ang kanyang ina o dapat ba siyang magalit dahil hinayaan ng kanyang ina na makapasok muli sa buhay nila ang kanyang ama. Kaya pumasok na siya at lumapit sa kanyang magulang.
"Evren, hijo. Kumusta ka na? Pasensya na sa pagpunta ko dito." Aniya nang kaniyang ama. "Alam ko na nagulat ka sa pagparito ko, nais ko lang naman na humingi ng tawad sa iyong ina. Hindi ko intensyon ang manggulo, anak."
Naupo si Evren sa tabi nang kaniyang ina, nakita niyang masaya ito habang nakatingin sa kaniya, Kaya niyakap niya ito.
"Salamat naman at muli kong nakita ang mga ngiting iyan, inay. Gusto ko sanang malaman ang inyong pinag-usapan." Aniya ni Evren sa kanyang ina. Ngunit ang kanyang ama ang nagsalita.
"Humingi lang ako nang tawad sa iyong ina. Alam ko na marami akong pagkukulang sa inyo, lalo na sa iyo anak. Gusto kong humingi nang tawad sa lahat." Anito habang nakayuko. Bahagyang natawa si Evren at nagsalita.
"Kung pinatawad na kayo ni inay, ganoon na din ako. Sino ba naman ako para hindi magpatawad," dahil doon mabilis siyang niyakap nang kanyang ama.
"Salamat, anak. Napaka bait mo talagang iyan ang namana mo sa iyong ina. Salamat talaga anak. Kahit napaka dami kong nagawang pagkakamali sa inyong mag-ina napatawad n'yo pa din ako." Anito habang yakap si Evren.
"Wala po iyon, itay." Aniya at saka tumayo. "Inay magpapaalam ako sa inyo. Babalik na ako sa trabaho, dapat ay kanina ngunit naantala dahil may nangyaring masama." Saad niya sa kaniyang magulang.
"Bakit anak, ano ba ang nangyari?" Tanong naman nang kanyang ina.
"Pinatay si Mr. Martinez," saad niya. Na ikinagulat naman nang kanyang ina. "Paanong—" anito habang tutop ang kamay ang bibig.
"Nakita nang isa sa mga empleyado na wala na itong buhay sa loob ng opisina. Kaya nais kong magpunta doon para malaman kung ano na ang balita sa imbestigasyon nang mga pulis. Ngayon na wala na si Boss, kailangan na ako doon sa pabrika." Aniya ni Evren.
"Ikaw ang bahala, anak. Basta mag-iingat ka. Balitaan mo na lang ako dito kaagad." Wika ng kanyang ina. Niyakap ni Evren ang kanyang ina at ang kanyang ama. Bihat na niya ang kanyang mga gamit at palabas na nang pintuan nang makita niya si Andrew sa labas.
"Andrew! Mabuti narito ka, babalik na ako nang pabrika, kailangan tayo doon. Lao na ngayon na wala na si Boss, wala nang gagabay sa mga empleyado kung ano ang gagawin." Aniya sa kaibigan.
"Hintayin mo ako, kukuhain ko lang ang mga gamit ko." Anito kay Evren at nagmadali na itong naglakad pauwi sa kaniyang bahay. Nang makuha nang binata ang kanyang mga gamit ay agad din siyang bumalik sa kaibigan.
Nang makita ni Evren si Andrew na papalapit ay nilapitan na niya ito at umalis na sila patungo sa sakayan nang bus.
Habang nakasakay sa bus ay marami ang pumapasok na tanong sa isip ni Evren. Katulad nang ano ba ang motibo nang salarin kung bakit niya ginawa iyon sa kanyang amo. Alam ni Evren na mabait ito at aam niyang wala itong ginawang atraso sa ibang tao. Kaya malaking katanungan sa kanya kung ano ba ang tunay na rason nang pagpatay dito. Naantala ang kanyang pag iisip ng tapikin ni Andrew ang kanyang balikat.
"Evren, anong nasa isip mo? Mukhang malalim ang iniisip mo." Anito ni Andrew sa kanya.
"Hindi lang maalis sa isip ko kung ano ang motibo nang pumatay kay Boss. Kilala natin siya na mabait at marunong makitungo sa ibang tao. Kaya paanong nangyari na ganoon katindi ang galit nang pumatay sa kanya. Ayon kay kristine natagpuan si boss nang isa sa mga empleyado sa opisina nito na patay na. Ibig sabihin gabi nangyari ang krimen." Bigla na lamang siyang binatukan nang kaibigan.
"Iyan kakapanuod mo nang mga palabas sa telebisyon kung anu-ano na ang pumapasok diyan sa utak mo. Hayaan mo ang mga pulis ang gumawa niyan. Baliw ka!" Anito habang tatawa-tawa lang kay Evren.
"Pasensya na di ko lang talaga maiwasan na isipin ang bagay na iyon." Aniya ni Evren sa kaibigan.
"Hayaan na natin sa mga pulis iyan, trabaho nila ang imbestigahan ang nangyari. Ang isipin mo ang pabrika, paano na tayo ngayong wala na si amo." Saad ni Andrew sa kaibigan.
"Malalaman natin iyan pagdating natin doon." Aniya ni Evren.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na sila. Mabilis na naglakad patungo sa loob nang pabrika. Nang nasa loob na sila agad silang nilapitan nang kanilang mga kasamahan.
"Sir, mabuti narito na kayo. Hindi namin alam kung ano ang dapat naming gawin. Dumating si madam, pero ang sabi niya hindtayin daw namin kayo ni sir Andrew na dumating." Aniya nang isa sa mga empleyado na lumapit sa kanila.
"Huwag na kayong mag-alala. Ang mabuti pa gawin na ninyo ang mga hindi n'yo pa natatapos na trabaho. Mag-uusap muna kami ni madam para malaman kung ano ang susunod ninyong gagawin." Wika ni Evren. At nagsibalikan na sa kanilang mga puwesto ang mga trabahador. Narinig niya na napapalatak na si Andrew kaya tinanong niya ito.
"Bakit? May nasabi ba akong mali?" Tanong ni Evren sa kaibigan.
"Wala naman para kang si boss kung magsalita. Mabuti pa pumunta na tayo sa quarters natin." Anito sabay akbay sa kaibigan.
Nang makapasok sila sa kanilang silid ay agad silang nagbihis nang kanilang uniporme, ngunit ilang saglit lang ay may narinig silang pagkatok sa pinto, kaya agad namang pinagbuksan ni Andrew nagulat na lamang siya na mga pulis ang nasa labas nang pintuan. Agad itong nagtanong sa kanya.
"Ikaw ba si Evren Morales?" Tanong nang isang pulis.
"Hindi, siya po" at binumsan niya nang maigi ang pintuan upang ipakita kung nasaan si Evren. "Siya po, may problema po ba?" Tanong ni Andrew sa mga pulis. Dahil doon agad na lumapit si Evren at nagtanong.
" Bakit po, ako po si Evren morales." Aniya na may halong pagtataka.
"Evren Morales, inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay ginoong Reynaldo Martinez." Saad ng pulis na ikinagulat naman nila ni Andrew.
"Ano! Sandali lang may ebidensya ba kayo na ako ang gumawa. Imposible ang sinasabi n'yo!" Wika ni Evren habang sinusuotan siya ng posas ng mga pulis. Si Andrew naman ay panay ang awat sa mga pulis na huwag posasan ang kaibigan. Ngunit inawat siya nang kaibigan. "Hayaan mo Andrew, nagsasabi ako nang totoo, wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Boss." Aniya ni Evren sa kaibigan.
"Naniniwala ako, hihingi ako nang tulong. Babalik ako sa atin." Wika ni Andrew sa kaibigan. Tumango na lamang si Evren at hinayaan na ni Andrew na isama ng mga pulis ang kaibigan.
Nagmamadali si Andrew na magbihis, bago siya umalis ay dumaan muna siya sa pabrika kung saan nagkukumpulan ang kanyang mga kasamahan.
"Anong ginagawa ninyo. Ang mabuti pa tapusin niyo na ang ginagawa ninyo tulad nang sinabi ni Evren. Babalik ako kaagad." Aniya sa kanyang mga kasamahan kaya nagsibalikan na ulit ang mga ito sa kanilang mga puwesto.
Mabilis na naglalakad si Andrew palabas nang pabrika nang may sasakyan siyang nakasalubong.
![](https://img.wattpad.com/cover/315753294-288-k878729.jpg)
BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
RomanceEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...