MAAGANG gumising si Calvin upang bumalik sa bahay ni Annie, pagkarating niya roon nakita niyang nagluluto na ito ng almusal.
“Annie,” tawag niya rito. Nang marinig nito ang kaniyang pagtawag agad na nagliwanag ang mukha nito at mabilis na lumapit sa kaniya. “Calvin!” anito, at mahigpit siya nitong niyakap. “I am so happy! Akala ako hindi mo na naman ako babalikan.” Wika nito na may bahid ng pagtatampo. Kaya naman masuyong hinaplos ni Calvin ang pisngi ni Annie at banayad na hinalikan sa labi.
“I’m sorry, gusto kong bumawi sa iyo. I want you to dress up and refresh your self, cause we are going out of town.” Aniya, malapad na ngumiti si Annie at mabilis na hinalikan siya sa labi.
“Just give me ten minutes,” anito saka muling humalik sa labi ni Calvin at nagmamadaling umakyat ng hagdan. Sinundan lang ito ng tingin ni Calvin at naupo sa sofa. Hindi nagtagal pababa na ito ng hagdanan, naka simple floral dress ito na tinernohan ng flat sandals, inilugay lang niya ang kaniyang lampas balikat na buhok. Pagkababa nito matamis na ngiti ang nakabakas sa mga labi rito. “What do you think?” masayang tanong nito sa kasintahan. Napangiti lang si Calvin rito at saka ipinalibot ang mga braso sa baywang nito.
“Kahit na ano pa ang isuot mo, babagay sa ‘yo.” Puri ni Calvin sa kasintahan, “Ang mabuti pa umalis na tayo para makarating na tayo kaagad sa pupuntahan natin.” aniya, saka niya hinawakan ang kamay nito at inalalayang makasakay ng kotse.
DINALA ni Calvin si Annie sa isang restaurant sa tagaytay. Pagpasok nila, agad na may napansin si Calvin. Isang pamilyar na mukha ang pumukaw sa kaniyang pansin. Kaya naman agad nila itong nilapitan at masayang binati.
“Mr. and Mrs. Dela Cruz! It’s nice to see you here.” Bati ni Calvin rito at nakipagkamay. Malugod naman nitong iniabot ang kamay nito at nakangiting nakipagkamay rito.
“Mr. Del Fierro, glad to see you, join us!” alok ni Andrew kay Calvin. “it’s our wedding anniversary, and we’re celebrating it.” Saad ni Andrew.
“Naku, special day n’yo palang dalawa, baka ,maka-abala pa kami sa inyo.” Kunyaring nahihiyang wika ni Calvin, ngunit sa likod nang kaniyang mga ngiti ay nagpipigil na siya nang galit dito. Tila nais niya itong lapitan at bigyan ng suntok sa mukha. Habang si Isabella naman ay hindi makatingin kay Calvin.
“Naku, huwag na kayong mahiya. Maupo na kayo, magandang pagkakataon na rin ito upang makapag-usap tayo, Mr. Del Fierro.” Wika nito kay Calvin.
“Calvin na lang, I hate formalities. Magkaibigan naman na tayo, hindi ba?” seryosong tanong ni Calvin kay Andrew na ikinangiti naman nito.
“Ofcourse, kumain na muna tayo bago tayo mag-usap tungkol sa negosyo.” Sagot nito. Nang maka-upo na sila, ipinakilala ni Calvin si Annie sa mag-asawa.
“By the way, this is my girlfriend Annie Soriano, a professor in a well known university at inaanak siya ni Uncle. Nakangiting pagpapakilala ni Calvin rito habang nakatingin sa mga mata ni annie. Naiilang naman si Isabella dahil sa paraan ng pagtingin ni Calvin sa kasintahan. Tila naiilang siya sa ginagawang paglalabing nito, kaya naman tumikhim siya at tumayo, nagtaka naman si Adrew sa ikinikilos nang asawa, kaya naman agad niya itong tinanong.
“Dear, is there something wrong?” nagaalalang tanong nito sa asawa. Umiling si Isabella at nagpaalam sa asawa. “I’m going to the rest room. Excuse me,” paalam nito sa tatlo at saka naglakad patungo ng banyo. Pagpasok niya, doon Malayang umagos ang kaniyang mga luha na kanina pa niya pinipigil.
“This is crazy, bakit ba ako nasasaktan pa?” tanong niya sa kaniyang sarili. “tama na Isabella, wala nang saysay pa ang maghabol sa kaniya. may kasintahan na siya tama na ang pagnanais na magkakabalikan pa kayong dalawa.” Wika niya sa sarili, kaya naman huminga siya nang malalim at saka naghilamos ng kaniyang mukha. Matapos nuon ay inayos na niya ang kaniyang sarili at lumabas na siya ng banyo, paglabas niya ikinagulat niya kung sino ang nasa labas nang pinto. “E-evren!” sambit niya. Bahagya itong lumapit sa kaniya at ipinalibot ang isang braso sa kaniyang baywang.
![](https://img.wattpad.com/cover/315753294-288-k878729.jpg)
BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
RomanceEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...