MATAPOS ang nakakapagod niyang maghapon, napasandal na lang si Calvin at huminga ng malalim. “Ngayon lang ako napagod nang ganito.” Kaya naman saglit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, nang hindi niya namalayan na siya’y nakatulog na. Naramdaman na lamang niya ang bahagyang pagtapik ng kaniyang driver sa kaniyang balikat. Nagulat siya ng sabihin nito na nakarating na sila. Kaya naman agad siyang lumabas nang sasakyan at pumasok sa loob ng mansyon. Pagpasok niya nakasalubong niya si Annie kasama ang kaniyang Uncle Ronaldo.
“Hijo, bakit hindi mo sinabi sa akin na narito si Annie? nagulat ako ng makita ko siya sa kusina at nagluluto ng hapunan,” anito ng makalapit ang mga ito sa kaniya.
“Ninong, hayaan na muna nating makapagpahinga si Calvin, bago tayo kumain. Dahil mayroon tayong mahalagang pag-uusapan mamaya.” Wika ni Annie, kinuha niya ang kamay ni Calvin at hinawakan ito. “Umakyat na muna tayo, para makapagpalit ka.” nagpatianod na lang si Calvin kay annie dahil wala talaga siya sa mood na magsalita.
Pagkapasok nila ng kaniyang agad niyang ibinagsaka ang katawan sa kama. “Ganito yung pakiramdam ko nung una kong hinawakan ang negosyo ko na ibinnigay ni Uncle. But it’s worth it, dahil naging maayos naman ang takbo ng lahat. Akala ko mahihirapan pa akong kausapin ang mga empleyado ni Andrew.” Saad niya sa kasintahan.
“Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo, ang mahalaga ngayon ay nagawa mo ng maayos ang trabaho mo.” Salita ni Annie habang hinuhubad ang sapatos nito. Matapos nitong matanggal ay ikinuha niya ito ng damit na pamalit. Magpalit ka na tapos sumunod ka na sa ibaba. Magpapahanda na na ako ng pagkain para makakain na tayo.” Wika nito. Saka lumabas ng silid. Nanatili naman na nakahiga lang si Calvin sa kama. “Hindi ko pa siya asawa, but she’s acting like one.” Natatawang sabi ni Calvin sa sarili. “Siguro kung hindi ako nakulong, marahil ay naransan ko yung pag-aalaga ni Isabella. Baka nakita ko pa ang paglaki ni Reece. Ngayon ko lang naisip na marami akong na-miss sa paglaki ng anak ko.” Inilagay niya ang kaniyang mga braso sa likod ng kaniyang ulo at ginawa itong unan. Nais man niyang tawagan si Isabella, ngunit kinailangan niyang iwasan muna ang pagkakaroon ng komunikasyon rito, para na rin sa kaligtasan nito.
“Ngayong buntis na si Annie, hindi ko siya dapat pabayaan.” Kaya naman tumayo na siya at nagpalit nang kaniyang damit, saka siya bumaba at nagtungo sa hapag-kainan kung saan naroon si Annie kasama ang kaniyang Uncle Ronaldo. “Hi!” bati niya sa dalawa, lumapit siya kay Annie saka humalik sa pisngi nito. “Pasensya na, medyo nagpahinga pa ako ng kaunti, Sobra talaga akong napagod kanina dahil sa sobrang dami ng dapat ayusin. Bukas ko ipapaasikaso kay Mr. Sanchez ang iba.” Paliwanag niya. Saka siya naupo sa tabi ng kasintahan.
“Tama na muna ang pag-uusap, kumain ka na muna.” Estriktong wika ni Annie. Nagkatinginan naman silang mag Tito saka ngumiti lang ang dalawa.
“Naku Calvin, hijo. Mukhang magiging mahigpit si Annie sa iyo,” biro nito sa pamangkin, ngunit tumawa lamang ito. habang sila’y kumakain, biglang nakaramdam nang pagkaduwal si Annie, agad siyang nanakbo patungo ng lababo. Mabilis naman itong dinaluhan ni Calvin at marahan na hinagod ang likod nito.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito sa kasintahan.
Nang maramdaman ni Annie na maayos na siya, nagmumog siya. “Yeah, I’m fine. According to the doctor, Experiencing occasional vomiting and dizziness is normal, especially at this stage of pregnancy.” Annie explained. Now that she felt weak and had lost her appetite when she closed her eyes.
Nag-alala si Calvin para sa kasintahan kaya naman, inalalayan niya ito pabalik sa hapagkainan kung saan naroon ang kaniyang tito. Agad na man itong nagtanong nang makita sila. “kumusta ang pakiramdam mo, hija?” tanong nito. “Ilang buwan na ba?” muli nitong tanong na ikinagulat ng dalawa.
“How did you know, Uncle? Balak pa lang naming itong sabihin sa ito iyo mamaya.” Tanong ni Calvin. bahagyang natawa ito sa kaniya sa nito sinagot ang kaniyang tanong.
“Dahil sa inay mo,” sagot nito, na ikinakunot naman ng noo ni Calvin. “Nalaman ko iyan sa iyong ina, bago malaman ng iyong lolo ang kaniyang pagbubuntis, ako ang unang tao na sinabihan ng iyong ina. Kaya alam ko kung ano ang mga senyales ng isang nagdadalang-tao. So, anong plano niyo?” seryosong tanong nito sa magkasintahan. Nagkatinginan ang dalawa saka sila tumango sa isa’t isa. Kaya naman muli silang naupo sa harap ng hapag-kainan at magkahawak kamay nilang hinarap si Don Ronaldo.
“Uncle, this is what Annie and I want to tell you after we eat. Now that Annie’s pregnant, I must mary her.” Calvin said, looking into his uncle in the eyes.
“Calvin, may I speak with you first in the study room, just the two of us?” Don Ronaldo rose and entered the study room. Wala namang magawa si Calvin kung hindi sundan ang kaniyang Uncle. Pagtayo niya hinawakan siya ni Annie sa kamay at marahan itong pinisil. “Don’t worry, mag-uusap lang kami. Mabuti pang ipagpatuloy mo na ang pagkain, kailangan mo iyan at ng anak natin.” aniya, habang matamis na nakangiti rito. umiling lang si Annie saka yumakap sa kasintahan.
“Nag-aalala ako, baka mag-away kayo ni Ninong.” Takot at kinakabahan na wika nito. Kaya naman marahan na hinagod ng kamay ni Calvin ang likod nito. “Huwag kang mag-alala, hindi kami mag-aaway. Mag-uusap lang kami. Pangako ano man ang mapag-usapan naming, sasabihin ko sa iyo pagkatapos.” Sagot niya rito saka kumalas sa pagkakayakap ni Annie at sumunod na sa Study room kung saan naroon ang kaniyang Tito.
Pagtapat niya sa pinto, marahan niya itong kinatok at saka niya ito binuksan. Nakita niya ang kaniyang tito na nakatayo sa tapat ng bintana, nang maramdaman nito na naroon na siya, tumingin ito sa kaniya at seryosong nagtanong. “Anong plano mo? Calvin, ngayong buntis si Annie, paano na ang iyong mag-ina? Paano na si Isabella at Reece? May plano ka ba na sabihin ito sa kaniya?” Sunud-sunod na tanong nito. Napa-upo na lang si Calvin at saka nag-isip.
“Uncle, wala naman na akong magagawa kung hindi panagutan si Annie, mahal ko siya pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Isabella, kailangan ko na lang na panindigan ang ginawa ko sa kaniya at akuin ang responsibilidad bilang ama ng batang dinadala niya.” Paliwanag nito. “kailangan ko munang mailayo si Isabella at Reece kay Andrew Dela Cruz, Bago pa ito maka-isip nang masama sa aking mag-ina. Sigurado ako na gumagawa na ito ng paraan para makaganti sa akin, kailangan ko iyong paghandaan.” Aniya, saka siya tumayo at lumapit sa kaniyang tito. “Uncle, hindi ko pababayaan si Annie, siya ang ina ng magiging anak ko, pangako ko iyan, Uncle.” Wika niya, at marahan na tinapik ang balikat nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/315753294-288-k878729.jpg)
BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
DragosteEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...