chapter 18

89 3 0
                                    

ILANG araw na lang bago dumating ang pinakahihintay ng lahat, ang pinakamalaking pagtitipon na gaganapin sa mansion ng Del Fierro. Samantalang si Evren naman ay abala sa pagma-manage ng CDF magazines. 

    “Sir Calvin, we already ship na Magazines to Cebu, natapos na rin po ang interview sa actress na napili mo, now weare heading to the photoshoot, tomorrow at nine in the morning. Tumawag din po pala si Sir Ronaldo, nasa kabilang company siya, ang sabi niya alam daw niya na abala ka ngayon ditto kaya siya na muna raw ang bahala.” Saad ng kaniyang sekretarya na si Clarisse. 

    “Salamat, Miss Flores. Tatawagan ko na lang siya mamaya. Is that all?” tanong niya rito.

    “Yes, Sir. Kung may kailangan po kayo, nasa labas lang po ako.” Anito saka naglakad palabas ng opisina ni Evren. Dahil unang araw niya sa CDF kinailangan niyang tutukan ito, at dahil nakuha nito ang kaniyang interes lalo na sa Fashion, hindi niya mapigilan ang sarili na maging abala rito. 

    Gabi na pala ng mapansin ni Evren na madilim na sa labas. So He drop his pen on the table and he stretch his back on the chair. “What a long day, but I Enjoy it!” aniya, sa kaniyang sarili. Kaya naman tumayo na siya sa kaniyang upuan  at naghanda na siya upang maka-uwi.  Pagbukas niya ng pintuan ng kaniyang opisina, nakita niya si Annie na nakatayo sa tapat ng pinto,  “Annie!” sambit niya, kaya naman lumapit siya rito sa hinalikan sa pisngi. 

    “I was about to knock the door, when you open it.” Anito, na may ngiti sa labi. “how was work?” tanong nito, habang nakayakap sa binata.

    “Tiring, but I enjoy every minute of it.” Sagot ni Evren rito. 

    “That’s good to hear, mabuti pa umuwi na tayo, ihatid mo na lang ako sa bahay,” lambing nito, habang nakayakap sa kaniyang braso. 

    “Why? Nasaan ang kotse mo?” tanong ni Evren ng makasakay na sila ng elevator. 

    “I left it in the school, nag-taxi lang ako papunta rito.” Anito, isinandal nito ang ulo sa balikat ng binata saka ipinikit ang mga mata.

   Napansin naman ito ni Evren, kaya naman humarapa siya rito at niyakap ang dalaga. “Pagsakay ng sasakyan subukan mong magpahinga.” Aniya, marahan namang tumango ito habang naksandal ang ulo sa dibdib ng binata.

   Pagsakay nila, agad silang umalis. Habang nagmamaneho, nakita niyang nakapikit na si Annie. Ngumiti siya at muling ibinalik ang tingin sa daan. Habang nagmamaneho, isang pamilyar na babae ang pumukaw ng kaniyang pansin. “Isabella?” sambit niya habang sinusundan ito ng tingin kaya naman agad niya inihinto sa gilid ang sasakyan, mabilis siyang lumabas rito at hinabol ito, ngunit pagpasok niya sa lugar kung saan ito nagtungo, ay hindi na niya ito nakita. Inikot pa niya ang lugar, nagbabakasakaling makita ang babaeng kaniyang pnakamamahal. 

   Bigo siyang nagbalik sa kaniyang sasakyan, pagpasok niya nakita niyang gising na si Annie, “Where have you been? Ive been worried, you just stop and came out! Sino ba ang nakita mo?” tanong nito sa kaniya. 

    “Nothing, I thought I just saw an old friend,” dahilan niya, kaya muli niyang binuhay ang makina ng sasakyan at mabilis na pinaandar ito. Nang maihatid niya si Annie sa bahay nito, nagtungo siya sa isang bar. 

    “Hey, Calvin!” bati ni Kyrian sa kaibigan, nilingon naman ito ni Evren at pina-upo sa katapat na upuan. 

    “Sorry for calling you this time,” saad niya, habang nagsasalin ng alak sa kaniyang baso. 

    “It’s nothing, mabuti nga at tinawagan mo ako. I’m dying from boredam, wala akong maka-bonding! You are heaven sent, Mr. Calvin Del fierro!” anito, natawa lang si Evren rito.

    “Ako ang dapat na magpasalamat dahil dumating kayo sa buhay ko. Kaya salamat kaibigan!” ani Evren sa binatang attorney at nakipagkamay siya rito. 

    Nang maubos nila ang isang bote ng alak, nag-aya nang umuwi si Kyrian dahil nakita niyang lasing na ang kaibigan, Marami na itong sinasabi na hindi na niya maintindihan. 

    “Calvin, ihahatid na kita sa inyo,” ani Kyrian, napansin niya na bigla itong tumahimik. “Malamang nakatulog na.”  kaya naman madali na niya itong naisakay ng sasakyan. Pagkarating nila ng mansion agad siyang humingi ng tulong sa mga kasambahay na naroon. Paakyat na sila ng silid ni Evren ng makita sila ni Don Ronaldo.

    “Attorney Velasquez, anong nangyari sa kaniya?” tanong nito habang sinusundan sila papasok ng silid ng binata. 

    “Sorry for this, Sir Ronaldo.” Hingi nito ng paumanhin. “Nagka-ayaan sa bar hindi po pala sanay  uminom itong pamangkin mo.” Anito. Nangmailapag nila ito sa kama, tinanggal nila ang sapatos nito at iniwan na nila itong natutulog. 

    “Salamat sa paghatid sa kaniya,” pasasalamat ng matanda kay Kyrian.

    “It’s nothing, Sir. Aalis na po ako,” magalang nitong paalam.

    “Okay, mag-iingat ka!” 

Nang maka-labas si Kyrian, bigla siyang nakatanggap ng tawag, kaya pagpasok niya ng kaniyang sasakyan, sinagot niya ito.

     “Hey, kumusta? Mabuti naman at naisipan mong tumawag sa akin?” sagot niya sa kabilang linya. 

     “Sorry kyrian! Alam mo naman ang asawa ko ang laki nang selos sa iyo.kahit alam niya na kaibigan lang kita” paliwanag nito. 

   “Don’t worry, ganiyan talaga, ang mga poging katulad ko, pinagseselosan talaga.”  Pagmamayabang nito, bahagya naming natawa ang kaniyang kausap. “Napaka-yabang mo talaga, ang mabuti pa, puntahan mo ako rito sa Restaurant, hihintayn kita.”  Anito, saka tinapos ang tawag. 

    Natatawa na lang na ibinalik sa bulsa ang kaniyang cellphone, saka sinabihan ang kaniyang driver kung saan sila pupunta. Hindi nagtagal nakarating siya kung saan naroon ang kaniyang kaibigan. Pagpasok niya agad niya itong nakita, mabilis siyang lumapit dito, saka tinawag, 

    “Isabella! I’m so happy to see you!” sambit niya ng makalapit dito. Humalik siya sa pisngi nito at  saka naupo. “kumusta ka naman ngayon?”

    “Ito, mabuti nga at naka-alis ako ng bahay, wala siya nagyon dahil may importante daw siyang lakad, nasa Amerika siya ngaon dahil may bago siyang investor. Maybe two or three days siyang mawawala, tatlong araw lang akong malaya.” Malungkot na saad nito sa kaiblgan. 

    “Atleast you have much time to spend on something,” anito, na may ngiti sa labi. 

    “Saan k aba galling? Amoy alak ka na!” singhal ni Isabella sa kaibigan. 

    “Sorry, dinamayan ko kasi ang bago kong boss, yung pumalit kay Sir Ronaldo Del Fierro, yung pamangkin niya si Calvin. Mukhang may problema. Kaya pinuntahan ko sa bar.” Paliwanag nito.

    “Ganoon ba?” anito, tumangu-tango lang si Kyrian saka uminom ng Tubig. 

    “kumusta naman si Reece? Anong balita sa pag-aaral niya?” seryosong tanong nito. 

    “He’s fine, hindi talaga niya gusto ang kurso na nais sa kaniya ni Andrew. Wala siyang hilig sa architecture, mas nais niyang maging Fashion Designer, pero ang lak ng tutol ng asawa ko sa nais niya.” Malungkot niyang saad. 

    “Bakit hindi mo kumbinsihin si Andrew tungkol diyan? Hayaan mo kung ano ang gusto ng bata, pati ba naman ang anak n’yo ay kinokontrol niya? Hindi na ako magugulat kung bigla na lang magrebelde si Reece sa kaniya.” Tila naiinis na sambit ni Kyrian sa kaibigan. 

    Malalim na buntonghininga ang ginawa ni Isabella, “I realy don’t know what to do, Kyrian. Sana kahit isang araw lang magkasundo silang dalawa.” Ani Isabella kalalip ang pagdarasal n asana mangyari ang nais niya. 

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon