chapter 48

73 2 0
                                    

 “EVREN!” sambit ni Andrew sabay tawa ng malakas. “Akalain mo nga naman, naitago mo ang sarili mo sa katauhan ni Calvin Del Fierro. Ang isang criminal na katulad mo nagbago dahil sa isa kang heredero ng matandang Del Fierro. Napakasuwerte mo!” natatawa man si Andrew ngunit kalakip nuon ay ang galit at pagkamuhi rito.

“Paano mong nalaman ang lahat ng iyan? wala kaming ibang pinagsabihan nito.” Saad ni Calvin rito. nakita niyang ngumisi si Andrew at tumingin kay Annie.

“I have my sourse here,” habang marahang hinahaplos ang pisngi ni Annie na panay ang iyak. “Alam mo ban a kusang lumapit sa akin ang babaeng ito at sinabi sa akin ang lahat?”

Dahil sa narinig napatingin si Calvin kay annie, “Bakit?” tanong niya rito.

“Mabuti pa na siya na ang magsabi sa iyo. Ayoko naman na lumabas na paki-alamero ako hindi ba, Miss Salvacon?” nakangiting tumingin sa Andrew rito at mabilis na tinanggal ang takip sa bibig ni Annie.

“Calvin, I’m sorry!” wika ni Anie habang umiiyak. “Ayoko lang na mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita, patawarin mo ako,”

“Annie, bakit? Magpapakasal naman tayo, bakit mo sinabi sa kaniya. ipinahamak mo rin ang sarili mo, pati na rin ang magiging anak natin.” saad ni Calvin sa kasintahan.

“Nagseselos ako dahil sa atensyon na ibinibigay mo kay Isabella. Nung gabi sa hotel kung saan tayo nanatili kasama ang mag-asawang Dela Cruz, nagpaalam ka sa akin na may bibilhin saglit, sinundan kita ng oras na iyon. Nagtaka ako kung bakit sa fire exit ka daraan kay naman pinagpatuloy ko na sundan ka, hanggang sa nakita kita, nakikipag-usap kay Isabella. Nakita ko ang lahat, Calvin!” sambit nito habang patuloy na umiiyak. “nakita ko kung gaano mo pa rin siya kamahal, yung paraan ng pagtitig mo sa kaniya, yung pagakap at yung paghalik. Lahat iyon nakita ko.” Kay hindi mo ako masisisi kung bakit ko ito nagawa. Dahil mahal na mahal kita.” Paliwanag nito, habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi.

Napayuko na lamang si Calvin dahil sa mga sinabi ni Annie.

“Tama na iyan,” at muling tinakpan ni Andrew ang bibig ni Annie saka harap kay Calvin. “ngayon alam mo na kung sino ang munting ibonna umawit sa akin, matalik kitang kaibigan pero karibal kita sa maraming bagay. Nakakapagod ang maging kaibigan mo Evren. Kaya naman gumawa na ako ng paraan. Naging masaya naman ang pakikipaglaro ko kay Reynaldo Matinez, bago ko siya pinatay, nahirapan lang ako na papirmahin siya sa papel, dahil nakipaghabulan pa siya sa akin, alam mo ba na may nag-iisa akong witness sa pagpatay ko sa matndang iyon? Si Alex, pero dahil naging matigas din ang ulo niya. Kaya pinatahimik ko na rin siya. Dapat nuong una pa lang na makita niya ang ginawa ko sa matanda ginawa ko ng patahimikin siya, kaya lang naki-usap at nagmakaawa siya sa akin. Kaya naman binigan ko siya ng pagkakataon na mabuhay, yun nga lang ang kapalit ay ang pagkakakulong mo. siya mismo ang humanap ng mga maaaring maging witness at magdidiin sa iyo. Binayaran ko silang lahat, kasabay ng pagpo-promote ko sa kanila sa trabaho, kaya nagtaka ako kung bakit bigla na lang silang mga nag-resign sa trabaho. At bigla na lamang mga naglaho. Pero ang malas na si Alex na lang ang inabutan ko.” Mahabang salaysay ni Andrew habang paroo’t parito ang paglakad.

“Napakasama mo! ikaw ang may kagagawan ng lahat. Ilang taon akong nagdusa sa loob ng kulungan dahil sa ginawa mo. kaya nararapat lang sa iyo na mawala ang mga mahahalaga sa buhay mo. kapag nakawala ako rito, ako mismo ang tatapos sa buhay mo Andrew. Pagbabayarin kita sa lahat ng mga ginawa mo.” galit na wika ni Calvin habang masamang nakatingin kay Andrew.

Pagak namang natawa lang si Andrew sa sinabi ni Calvin. “Kung kaya mo.” sabay suntok sa mukha nito, sanhi upang dumugo ang labi nito. Iyak lang ng iyak si Annie dahil sa nakikita, halos pagsisihan na niya ang kaniyang ginawa.

Sunud-sunod na suntok ang ginawa ni Andrew kay Calvin, sa katawan at mukha ang tama ng mga suntok nito. Wala siyang paki-alam kung umagos na ang dugo nito mula sa bibig. Hanggang sa mapagod na lang si Andrew sa pananakit rito. ang kamay niya na balot nang dugo nito. Dahil sa malalakas na suntok na ginawa niya sa mukha nito.

“Hindi pa tayo tapos, may isang pa akong supresa sa iyo. Maghintay ka lang,” matapos linisin ang kamay at ayusin ang nagulong buhok. Lumabas si Andrew sa silid. Ilang saglit lang ay bumalik na ito, ngunit mayroon na itong kasama. Ang kaniyang Mag-ina, si Isabella at Reece.

“Dad!” sigaw ni Reece ng makita ang itsura ng ama,

“Calvin!” mabilis na lumapit si Isabella at niyakap ito. “Andrew, anong ginawa mo sa kaniya? napakasama mo talaga!” hasik niya, saka niya sinugod si Andrew at pinagsusuntok ito sa dibdib. Ngunit agad na nahawakan ni Andrew ang kaniyang pulsuhan at malakas siyang itinulak. “Ang sama mo!”

Ngumiti lang si Andrew at tinawag ang tauhan. “Itali mo sila,” utos niya rito. agad naman tong tumalima at sinunod ang utos niya. Nakatutok naman ang baril kay Isabella, kaya naman hindi sila makapanlaban. Naging sunud-sunuran sila sa gusto ni Andrew.

“Marami pa tayong dapat pag-usapan. Kaya may oras pa kayo na mag-bonding. Sulitin na ninyo ang oras na magkakasama kayo, dahil tatapusin ko ang buhay ninyo at ililibing ko kayo sa iisang hukay.” Galit at seryoso ang mukha na wika ni Andrew kay Calvin at sa mag-ina. “Sinayang mo yung pagmamahal na inilalaan ko sa iyo, Isabella. Mahal na mahal kita pero hindi ka naging tapat na asawa sa akin. Kaya naman ngayon na buhay pala ang ex mo, pagsasamahin ko na kayo kung saan kayo nararapat, sa hukay!”

“Ang sama mo!” sigaw ni Isabella. “pinagsisisihan ko talaga ang pinakasalan kita, at kahit kalian hinding hindi kita mamahalin dahil si Evren lang ang mahal ko!” sambit ni Isabella kay Andrew.

“Dad, dad! Wake up!” wika ni Reece sa ama habang ibinabangga ang balikat sa ama, dahil nakatali na rin sila sa upuan. “dad, please open your eyes,” naiiyak na wika ni Reece habang ginigising ang ama. Dahil wala ng malay at lalag na ang ulo ni Calvin ng pumasok sila sa silid. Dumudugo na ang bibig nito at mukha.

“Maiwan ko na kayo riyan, lubusin niyo na ang oras na magkakasama kayo, dahil mamaya lang tatapusin ko na ang buhay niyong lahat!” wika ni Andrew saka tuluyang lumabas ng pinto. Pagkalabas nila nagtungo sila sa kabilang silid kung saan naroon ang kaniyang abogado na naghihintay.

“Maayos na ba ang lahat?”

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon