chapter 51

81 2 0
                                    

ILANG araw ang lumipas, agad na nakarating ang mga magulang ni Annie ng makarating sa kanila ang balita. Humingi ng tawad si Calvin sa nangyari dahil sa sinapit ng kasintahan.

“Hijo, kami ang dapat na humingi ng tawad sa ginawa ng aming anak. Matigas talaga ang ulo niya and she’s a spoiled brat, akala namin ay nagbago na siya ng makilala ka niya ngunit nagkamali pala kami. Calvin, sorry sa nagawa ng aming anak. Napahamak kayo ng dahil sa kaniya. marahil ay ginawa niya ang bagay na iyon para pagbayaran ang pagkakamali niyang ginawa. Bukas ay ipapa-crimate na namin siya at dadalhin sa America. Doon na lamang siya upang palagian naming siyang madalaw. Again, I’m sorry.” Wika ng ama ni Annie at niyakap si Calvin upang ipaalam na wala silang nararamdamang hinanakit sa nangyari sa anak.

“Tito, Tita, I’m Really sorry.” Muling hingi ng tawad ni Calvin. matamis naman ngumiti ang mag-asawa at muling nagpaalam sa kaniya. sinundan na lamang ni Calvin ng tingin ang papalayong sasakyan ng mag-asawa. Bagsak ang balikat na muling pumasok sa loob ng bahay si Calvin. pagpasok niya inabutan niya ang kanyang mag-ina at masayang nakikipag-usap sa kaniyang Uncle Ronaldo. Kaya naman lumapit siya rito at naupo sa tabi ni Isabella. Isinandal niya ang kanyang ulo rito at niyakap ang mga braso sa baywang nito.

Alam ni Isabella na kapag ganun ang ginawa ni Calvin alam niya na nagpapalambing ito. kaya naman iniyakap rin niya ang mga braso rito at dinampian ng halik sa ulo. “Everything's going to be fine, narit lang kami para tulungan kang maka-move-on. Gusto mo ba na ipagluto kita?” malambing na tanong ni Isabella kay Calvin. marahan namang tumango nsi Calvin habang nananatiling nakapalibit ang mga braso sa baywang nito.

“Dad, ngayon ko lang nalaman na para ka palang bata kung maglambing kay mommy.” Natatawang wika ni Reece sa ama, na ikinatawa ni Isabella.

“Hoy, Reece, pareho lang kayong mag-ama kapag sinumpong ng paglalambing. Pareho kayong ugaling bata kapag humingi ng atensyon sa akin,” kantiyaw nito sa anak. napanguso na lang si Reece sa sinabi ng ina, at ng makita ang itsura ng ama halos pareho lang sila ng reaksyon. Kaya naman nagkatawan na lamang sila.

“Masaya ako na makita kayong masaya, ngunit tandaan lamang natin na hindi pa nahuhuli si Andrew. huwag tayong magpakakampante.” Wika ni Don Ronaldo sa mag-anak. “Calvin, nakabantay ang mga pulis sa labas. Kung sakaling gumawa siya ng masama sa atin. Mabuti na ang may nakabantay. Si Reece naman ay dito na muna sa bahay mag-aaral. Upang hindi siya mahuli sa kanyang mga asignatura at aralin. Maiging na dumito na kayong mag-ina. Atleast we can protect you both here.” Saad nito.

“Maraming salamat po, Don Ronaldo,” pasasalamat ni Isabella sa matanda.

“Hija, call me Uncle dahil hindi na kayo iba sa akin. Ikaw ang ina ng nag-iisa kong apo kaya pamilya na ang turing ko sa iyo.” Nakangiting wika nito kay Isabella. “ maiwan ko na kayo, dahil nais ko ng magpahinga.” Paalam nito sa tatlo. Sinundan na lamang nila ito ng tingin hanggang sa maka-akyat ito ng hagdan.  

“Dad, masama ba ang pakiramdam ni lolo?” nag-aalalang tanong ni Reece sa ama.

“Hindi naman siguro, baka napagod lang dahil sa maghapon na pakikipag-usap sa mga tao kanina sa funeral ng tita Annie mo.” paliwanag ni Calvin sa anak. “Ang mabuti pa pumunta ka na sa silid mo, magpahinga ka na, may pag-uusapan lang kami ng mommy mo.” wika niya sa anak, tumango naman ito at humalik sa kanilang dalawa ni Isabella. Nang wala na ito, hinarap ni Calvin si Isabella.

Hinawakan muna niya ang kamay nito saka dinampian ng banayad na halik. Dahil sa ginawa ni Calvin napangiti naman si Isabella. “pakiramdam ko dalaga pa ako sa ginagawa mo.” natatawang saad nito.

“Mahal, para sa akin ang pagmamahal ko sa iyo ay hindi kumukupas kahit ilang taon na ang nakalipas. Ikaw lang ang babaeng naging laman ng puso’t isipan ko.” Wika ni Calvin. “Naalala ko nung nasa loob pa ako ng kulungan, marami ang pumapasok sa aking isipan. Iniisip ko na baka hindi mo na ako mahal dahil hindi mo na ako dinadalaw, baka nakahanap ka na ng iba. Halos gabi-gabi akong umiiyak dahil naaalala kita. Kaya ng malaman ko na nagpakasal ka na at kay Andrew pa, nagalit talaga ako.” Kwento ni Calvin, habang matiim naman nakikinig si Isabella sa kanya. dahil duon hindi na napigilan ni Isabella na dampian ng halik sa labi ang kaniyang pinakamamahal.

“Mahal, kung alam mo lang kung gaano naghirap ang puso ko dahil sa pagpapakasal kay Andrew. binantaan ako nina mama at papa na kapag hindi ako nagpakasal sa kaniya, ipapalaglag nila ang anak natin. kaya kahit nais kong manindigan sa ating pagmamahalan, kinailangan kong isipin ang kapakanan ng anak natin.” paliwanag ni Isabella kay Calvin. “hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo, nuon pa man ay ikaw na ang nagmamay-ari ng aking puso.” Nakangiting wika nito kay Calvin habang masuyong hinahaplos ang ang pisngi nito.

“Nagpapasalamat ako sa diyos dahil, hindi niya pinahintulot na tuluyang mawala sa akin, Mahal ko. Halos mawalan na ako ng pag-asa dahil sa pag-aakalang kinalimutan mo na ako at tuluyang ibinaling kay Andrew ang iyong pagmamahal sa akin.” Nais kong ipawalang bisa ang kasal niyo ni Andrew. nais kong maputl na nang tuluyan ang ugnayan n’yong dalawa. Ipapabago ko rin ang apelyido ni Reece at papalitan ng Del Fierro. Ngayon na narito na kayo sa akin, kapiling ko. Wala na akong ibang mahihiling pa kung hindi ang makasama kayo ng lubusan. Sa ngayon, hanggat hindi nahuhuli si Andrew hindi pa tayo lubusang maging tahimik. Sigurado ako na gagawa siya ng paraan para makuha ka sa akin.” Mahabang wika ni Calvin habang magkahawak kamay silang dalawa ni Isabella.

“Huwag kang mag-alala mag-iingat kami ng anak mo. hindi kami aalis dito sa mansyon kung walang kasama.” Sagot naman ni Isabella. Ngumiti lang si Calvin at mahigpit na niyakap ito.

“BOSS, kumusta?” tanong ng isang lalaki. habang may dala itong mga plastic bag na naglalaman ng iba’t ibang pagkain, gamot at damit. Inilapag nito sa isang lamesa at saka may inaabot ito sa nakahigang si Andrew. “Dumating ito kahapon sa bahay mo. sumaglit ako roon. Nakita kong nakapatong ito sa mesa mo. magugulat ka sa laman niyan.” Anito, kaya naman nagtatakang kinuha ni Andrew ang laman at binasa niya ito.

“Hindi ito maaari, akala ba nila ay hahayaan ko na maging masaya sila, habang ako ay nagdurusa?” gigil na wika ni Andrew habang nilulukot ang hawak na papel sa kaniyang kamay. “Humanda ka, Calvin. hindi pa tapos ang paghaharap nating dalawa. Kukuhain ko pa rin ang aking mag-ina. Sa akin na sila at hindi mo sila makukuha sa akin.” 

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon