Chapter 5

128 3 0
                                    

    NAKARATING si Andrew sa laguna, naisip niya na bumalik na lamang sa trabaho upang doon na lang siya magpahinga. Hindi niya magawang magpahinga sa kanilang bahay dahil sa ingay ng kanyang ina, lagi itong galit, kahit wala naman siyang ginagawa.   Marahil ganoon talaga kapag hindi ka tunay na anak, 
    "Kahit ginagawa mo naman ang lahat, hindi pa rin sapat." Wika ni Andrew sa sarili.
    Pagkarating ni Andrew sa kanyang trabaho, agad siyang pumasok sa kanyang silid at inihiga ang kanyang likod.
    “Ahh! ang sarap talagang ilapat ang likod sa higaan.” wika niya habang hinuhubad ang sapatos gamit din ang kaniyang mga paa. Matapos niyang mahubad ay umayos siya nang higa at pinag krus ang mga braso sa likod nang kanyang ulo at ginawang unan.
    Mas gusto pa ni Andrew na naroon na lamang siya, ayaw niyang umuwi sa kanila sa sampaloc, dahil hindi na siya komportable, lalo na noong mamatay ang kanyang ama-amahan.
    Kaya na obliga na siya na suportahan ang pag-aaral nang kanyang mga itinuring na kapatid. Minahal niya ang mga ito maliban sa ina. Hindi sila magkasundo nito, dahil kahit noon pa nang iuwi siya nang kanyang amain sa bahay na iyon labing-limang taon na ang nakakaraan ay malaki ang pagtutol nito na siya'y kupkupin, mahirap lamang ang mga ito, isang kahig isang tuka ngunit hindi nagdalawang isip ang kanyang amain na siya'y alagaan. Kaya wala ng nagawa ang ina.
    Kaya ginagawa ni Andrew ang lahat upang mapalapit ang loob ng ina sa kanya ngunit wala, tila matigas ang puso nito. Kahit na ngayon na siya na ang bumubuhay at sumusuporta sa pag-aaral nang kanyang mga kapatid ay wala itong paki-alam. Walang halaga ang mga mabubuting ginagawa niya. Kaya sa tuwing umuuwi siya, halata rito ang malaking pagkadisgusto na naroon siya.
    Sa tuwing maiisip ni Andrew ang bagay na iyon sobra siyang nasasaktan. Hinangad at pinangarap talaga niya ang mahalin din siya nang kaniyang ina ngunit wala, balewala ang lahat nang paghihirap niya. Kaya napabuntong-hininga na lamang siya habang nakatingin sa kisame nang silid.
    "Maigi na siguro ang narito ako," aniya, sa kanyang sarili kaya tumayo na siya mula sa pagkakahiga. Kinuha niya ang kanyang bag na dala at may inilabas na bote nang alak.
    "Iinom ako mag-isa, tutal para sa kanila wala akong kwenta." binuksan niya ang bote at saka ininom ang alak. "Mabuti pa itong alak, kahit saan hindi ako iniiwan." At lumagok ulit siya nang alak mula sa bote, hindi pa man nakakalahati ang laman nang bote, ay nakatulog na si Andrew.
    Gabi na nang magising ang binata. Nakaramdam siya nang uhaw, kaya bumangon siya upang uminom nang tubig, nang makarinig siya nang tumigil na sasakyan. Kaya lumapit siya nang pintuan at bahagyang binuksan ito, upang masilip kung sino ang dumating. Nakita niya na si Mr. Martinez iyon.
    "Ano kayang ginagawa niya rito sa ganitong oras? Dapat ay bukas pa ang kanyang dating." Kaya lumabas siya nang silid at tinungo ang opisina nang kanyang amo. Nang marating niya ay nakita niyang naka-upo lamang ito. Kaya kumatok siya sa pinto. Tila bahagya itong nagulat sa kanyang ginawa, Kaya lumingon ito. Nang makita nito na siya ang nasa pintuan, ay agad siyang pinapasok.
    "Hijo! Anong ginagawa mo rito? Akala ko'y sa susunod na linggo pa ang iyong balik?" Tanong nito kay Andrew.
    "Naiinip na po kasi ako sa bahay, kaya po bumalik na lamang ako rito." Pagdadahilan niya.
    "Ganoon ba, sige ikaw ang bahala. Bukas naman ang lugar na ito para sa mga empleyadong hindi makauwi at walang matitirahan. Kaya ang iba rito dito na nagkapamilya." Wika nito kay Andrew, nang biglang maalala nito si Evren.
    "Si Evren, kumusta? mukhang nag-eenjoy sa dalawang linggong bakasyon niya." Anito habang may kinukuhang baso at bote nang alak sa isang kabinet. Sinalinan nito ang dalawang baso at inabot kay Andrew ang isa. 
    "Salamat po," aniya sa matanda. Nang maalala muli ni Andrew ang nais niyang itanong dito. "Kayo po, bakit po kayo narito? Dapat ay nagpapahinga po kayo dahil kakagaling lang ninyo sa sakit," saad niya matapos inumin ang alak sa baso. Napangiti lamang si Mr. Martinez sa kanyang sinabi at naupong muli sa upuan.
    "Naiinip lamang ako sa bahay, pakiramdam ko'y lalo akong magkakasakit doon." Anito sa binata, habang hawak ang baso na may alak. Nang bigla itong napatitig kay Andrew.
    "Kung hindi namatay ang anak ko, marahil ay kasing edad mo na siya." Saad nito kay Andrew. Nagtataka naman ang binata sa sinabi nito. Kaya tinanong niyang muli ang kanyang butihing amo. " Ano po ang ibig ninyong sabihin, ano po ba ang nangyari sa kanya?" Tanong ni Andrew. Kaya humarap ito sa kaniya at ngumiti.  Napabuntong hininga ito bago nito sinagot ang kaniyang tanong.
    "Namatay siya sa sakit, halos lahat nang pera at mga naipon namin ay inilaan namin sa pagpapagamot sa kanya. Ngunit hindi pa din namin nagawang siya'y iligtas. Namatay pa din siya," wika nito. Nakita ni Andrew ang lungkot sa mukha nang matandang amo. Nang marinig niyang muli itong nagsalita.
    "Simula noon palagi nang malungkot ang aking asawa. Lahat nang bagay ginawa ko para maging masaya siya. Pero bigo ako." Saad ni Mr. Martinez kay Andrew habang inaalala ang lahat.
    "Isang araw, pinapunta ko si Evren sa bahay dahil may mga papeles akong ipinadala upang pirmahan. Pagdating niya nakita siya ng aking asawa at nagulat ako nang bigla na lamang niyang niyakap si Evren. "Aniya. Habang nagsasalin ulit nang alak sa baso.
    "Ano pong dahilan, bakit niyakap nang inyong asawa si Evren?" Nagtatakang tanong ni Andrew, nais niyang malaman ang dahilan.
    "Dahil nakita ng asawa ko ang hindi ko nakita kay Evren," saad nito kay Andrew.
    "Ang alin po?" Tanong ulit ni Andrew.
    "May pagkakahawig si Evren sa aking anak.  Kaya nang makita ng aking asawa si Evren doon ko na lamang ito nakitang ngumiti at naging masaya. Dahil doon, bumalik sa dati ang aking asawa." Anito habang nakangiti. "Naging masayahin na ulit ito at palangiti. Napagaling ni Evren ang aking asawa kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya." Anito habang napapangiti dahil sa alaalang iyon.  Ngunit kabaligtaran naman nang nararamdaman ni Andrew, nagagalit siya dahil sa mga narinig.  Hanggang sa narinig niyang muling nagsalita ang matandang amo.
    " Dahil matanda na kami ng aking butihing asawa. Nagkasundo kami sa isang bagay." Anito at tumayo sa pagkaka-upo at naglakad patungo sa veranda nang opisina. Matiim namang nakikinig si Andrew. Hanggang sa may maalala si Andrew.
    "Pasensya na po, babalik na po ako sa aking silid,
    "Babalik ka pa ba?" tanong nito sa kanya.
    "Baka hindi na po, naka inom na din po ako at nais ko na din po magpahinga. May trabaho pa ako bukas." Paliwanag ni Andrew sa matanda. Tumango na lamang ito bilang pagsang-ayon.
    "Ikaw ang bahala hijo, magpahinga ka na at nang ikaw ay may lakas bukas sa pagtatrabaho." Wika nito habang tinatapik ang balikat nang binata. "Salamat din, at dinamayan mo ako dito." Bahagyang natawa si Andrew sa sinabi nang amo. "Wala pong anuman kahit anong oras kapag kailangan ninyo nang kausap ay narito lang po ako." Aniya Kaya naglakad na palabas ng pinto si Andrew, nang makita nang matanda na nakalabas na si Andrew ay nagsalin pa itong muli nang alak sa kanyang baso. At naglakad muli patungo nang veranda.
    Ilang saglit lang ay may naramdaman siyang tila may lumalapit sa kanya. Sa pag aakalang si Andrew iyon ay kina-usap niya ito nang hindi nililingon. "Akala ko ba matutulog ka na? Andr—" naputol ang sasabihin nito nang biglang paluin siya nito sa ulo. Dahil doon bumagsak siya at nawalan nang malay.
   
   
    NAGISING SI Mr. Martinez na siya'y nakatali na sa isang upuan. Kahit nahihilo pa, pilit na Iniligid niya ang kanyang mga mata, at napansin niyang wala na siya sa kanyang opisina, "paano ako napunta dito, nasaan ako?" Iyon ang tanong sa isip ni Mr. Martinez. Hanggang mahagip nang kanyang paningin ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng bintana. Nakasuot ito nang itim na hoodie kaya hindi niya makilala. Kaya tinanong niya ito.
    "Sino ka at anong kailangan mo?" Tanong ni Mr. Martinez. Alam niya na lalaki ito dahil sa tindig at hubog nang pangangatawan nito. Humarap ito sa kanya ngunit hindi pa din niya makilala, dahil madilim ang silid..
    "Gusto kong pirmahan mo ito," anito sabay lapag nang isang papel sa lamesa. Nakita ni Mr. Martinez na may nakasulat dito at binasa niya. Tila nanindig ang balahibo nang matanda nang mabasa niya ang nilalaman nang sulat.
    "Hindi, hindi ko pipirmahan iyan!" Sigaw nito sa lalaki. "Hindi ko gagawing kriminal ang isang napakabuting tao. Mabuti pang patayin mo na lang ako." Matapang nitong wika, habang ang lalaki naman ay lumapit ulit sa kanya at tinutukan nang patalim sa leeg. 
    "Kung hindi mo pipirmahan iyan, wala akong magagawa kung hindi patayin ka at ang asawa mo." Kaya Mabilis itong kumilos, dahil sa banta nito, natakot naman ang matanda. Kaya nang palabas na ito nang pinto ng biglang sumigaw si Mr. Martinez upang pigilan ito. "Huwag! paki-usap, h'wag mong idamay ang aking asawa." Paki-usap niya, halos maiiyak na ito, habang nakikiusap sa misteryosong lalaki. Kaya lumapit itong muli sa kaniya at inilapit ulit ang papel.
    "Pipirmahan mo o gagawin ko ang sinasabi ko?" Anito sa matanda.
    "Hindi ko alam kung ano ba ang motibo mo at ginagawa mo ito, sino ka ba?" Tanong nito.
    "Hindi na mahalaga kung sino ako. Kung ako sa iyo pirmahan mo na iyan para matapos na ito." Anito habang iniaabot sa matanda ang isang ballpen. "Paki-usap, ano ba ang gusto mo? puwede kitang bigyan nang pera, sabihin mo lang kung magkano ang nais mo, huwag lang ang bagay na ito." Ayaw talaga niyang pirmahan ito dahil siguradong masisira ang buhay nang taong nakasulat doon. Kaya pinilit ni Mr. Martinez na maging mahinahon at positibo nang mga oras na iyon. Dahil hindi niya alam kung ano ang nais ng taong kaharap niya ngayon. "Iyang sulat bakit siya? Mabuting tao yan, wala siyang ginagawang masama, ano ba ang nagawa niya sa iyo?" Sunud-sunod na tanong ni Mr. Martinez dito.
    "Wala ka nang paki-alam. Kaya ang mabuti pa pirmahan mo na iyan at nang matapos na tayo rito." Bumuntong hininga na lamang ang matanda, wala siyang magagawa kundi ang  pirmahan iyon upang mailigtas ang buhay nang asawa.
    Dahil doon kinalagan siya nang lalaki at iniabot sa kanya ang ballpen. Ngunit may ibang plano ang matanda. Tinanggal niya ang takip nang ballpen at inilapit ito sa papel na nais nitong papirmahan sa kanya. Nang mapirmahan niya ito, bahagya siyang tumingin sa kanyang bandang kanan. Nakita niya ang lalaki na nakatayo malapit sa kanya, kaya agad na kumilos ang matanda, mabilis niyang isinaksak ang ballpen sa hita nang lalaki at kaagad na hinablot ang papel na pinirmahan sa ibabaw nang lamesa. Mabilis siyang tumakbo palabas nang silid. Paglabas niya nakita niya na nasa isang liblib na lugar sila dahil maraming puno at tila malayo sa sibilisasyon.
    Mabilis na tumakbo ang matanda palayo sa lugar, patuloy siyang tumatakbo kahit tila mauubusan na siya nang hininga at tila walang dereksyon ang kanyang tinatahak.  Hanggang sa narating niya ang daanan nang mga sasakyan. Pinilit niyang makahingi nang tulong sa mga sasakyang dumaraan, hanggang isang sasakyan ang tumigil upang siya'y tulungan. Nagpahatid siya sa kanyang pabrika sa laguna. Pagkarating roon, agad siyang nagpasalamat sa taong nagmagandang loob na siya'y tulungan. 
    Matapos nuon ay nagmamadali siyang nagtungo sa kanyang opisina, ang unang pumasok sa kanyang isipan ay masiguro kung ligtas ang kanyang asawa, kaya nais niyanitong tawagan ngunit laking gulat niya nang naroroon na ang lalaking bumihag sa kanya.
    "Paanong—" nagtatakang tanong niya. Nakakaramdam na naman siya nang takot, kaya nanakbo siyang muli palabas sa pintuan ngunit huli na. 
    "Ahh!!" Daing niya dahil sa sakit na naramdaman sa kanyang binti.
    "Malaking pagkakamali ang ginawa mo Mr. Martinez," anito habang naglalakad papalapit sa matanda. Nang makalapit ito ay hinugot nito ang patalim sa binti nang matanda na ikinadaing naman nito ulit dahil sa sobrang sakit. Pumunta ito sa kanyang likurang at hinawakan sa magkabilang braso kinaladkad nito ang matanda patungo sa harap nang lamesa nito at saka umupo sa harap nito.
    "Tsk, gusto mo bang malaman kung sino ako?" Wika nito. Habang nakangisi at marahan na tinanggal ang hood at ang face mask sa mukha. Laking gulat nang matanda nang makita niya kung sino ang lalaki.
   

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon