“ANO ba ang isi-celebrate natin at kailangan pa na kasama kaming mag-ina?” inis na tanong ni Isabella habang nasa likod naman si Reece at naka-earphones habang abala sa pakikinig ng musika sa likod ng sasakyan. Hindi naman sumasagot si Andrew habang seryosong nagmamaneho. “Andrew, sabihin mo na. alam mong hindi rin ako titigil sa pagtatanong kapag hindi mo sinabi sa akin.”
“Sweetheart, kapag sinabi ko sa iyo, hindi na iyon magiging surpise. Be patience, my dear. malapit na tayo.” Anito, habang lumilinga ng kaliwa’t kanan, hanggang makarating sila sa lumang bahay na pagmamay-ari ng dating mag-asawang Martinez.
“Andrew, what are doing in here?” kinakabahang tanong ni Isabella,
“Oh my dear wife, narito ang supresa ko sa inyong mag-ina,” wika nito, habang nakangiti.
Nang makita ni Isabella ang paraan ng pagngiti ng asawa, alam niya na may binabalak ito. “I know that smile, Andrew,” aniya, saka tumingin sa anak na abala pa rin sa pakikinig.
“Really? Kung ganoon hulaan mo kung ano ang meron sa loob.” Pang-aasar nito sa asawa. Matapos i-park ang sasakyan, agad silang bumaba at naglakad sila papasok ng bahay. Habang naglalakad kapit-kapit ni Isabella ang kamay ng anak.
“Reece, dito ka lang sa tabi ko huwag kang lalayo.” Bilin nito sa anak at mahigpit na hinawakan ito sa kamay.
“Mom, don’t worry, we’re going to be fine.” Nakangiti pa nitong wika sa ina. Ngunit hindi pa rin nakampante si Isabella kaya naman nanatili siyang nakakapit sa anak. hanggang sa pumasok sila sa isang silid. Nakita nila ang isang lalaki na nakatayo at tila naghihintay sa kanilang pagdating.
“Kumusta, anong balita?” tanong ni Andrew rito.
“Naaayon lahat sa plano, Boss!” sagot nito.
“That’s good, kumusta ang special guest natin?” muling tanong ni Andrew rito. “Alive and still kicking. Maingay lang kanina pero napagod yata kaya natahimik. Boss lalabas muna ako bibili lang ako ng pagkain ko, kanina pa ako nagugutom.” Paalam nito.
“Sige bumalik ka kaagad.” Bilin ni Andrew. Tumingin siya sa mag-ina at tinanong, “Anong hinihinay n’yong dalawa, imbitasyon? Sweetheart, maupo kayo.” Wika niya rito. “marami tayong pag-uusapan.”
Kahit nag-aalangan, naupo si Isabella at reece sa mahabang sofa. “Andrew, sabihin mo na kung ano ang binabalak mo.” Tangong ni Isabella kay Andrew kahit na nakakaramdam siya ng takot rito. ngunit naisip niya na kasama niya ang anak kaya kailangan niyang maging matapang.
“Napakatapang mo talaga, Sweetheart. Iyan ang nagustuhan ko sa iyo e, yung pagiging palaban mo.” Nakangiting sabi ni Andrew. “maging matapang ka pa kaya kung sasabihin ko sa iyo ang nalaman ko.” Agad na nag-seryoso ang mukha nito, habang matalim na nakatingin sa asawa. “Bakit ka nagsinungaling sa akin!” sigaw nito na ikinagulat ng mag-ina.
“A-ano ba ang ibig mong sabihin?” nanginginig na si Isabella sa takot, dahil sa seryosong mukha na nakikita niya sa asawa, “hindi ko maintindihan ang ang ibig mong sabihin, deretsahin mo na Andrew!” sambit nito.
“Liar! liar! liar! alam mo na buhay pa si Evren!” sigaw nito saka kinuha ang ilang piraso ng larawan at inihagis sa harap ni Isabella. Kaya naman dinampot nito at tinignan.
“Si Calvin Del Fierro ito, Andrew. Nasisiraan ka ba?” anito, matapos makita ang mga larawan.
“Hanggang ngayon pa rin ba pinagtatakpan mo pa rin ang lalaking iyan. Isabella? Ako ang asawa mo, pero pinaglilihiman mo ako! Galit na galit ako dahil alam ko na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ang lalaking iyan. Oo alam ko na si calvin at evren ay iisa, got damn it!”gigil na gigil na sambit nito. “alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Ang sama ng loob ko dahil sa paglilihim mo, tapos nakikipagkita ka na pala sa kaniya, ginawa mo akong tanga!” sigaw ni Andrew, dahil sa sobrang galit nasuntok niya ang kahoy na pader, kaya nasira ito at nagtamo ng sugat ang kamay ni Andrew.
Tumingin siya kay Isabella, hindi man lang niya ito nakitaan ng pag-aalala. Kaya naman kinuha niya ang panyo sa kaniyang bulsa at ibinalot ito sa kaniyang kamay. Napalingon siya sa pinto at nakita niya ang kaniyang tauhan, “Dalhin mo sila sa kabilang kuwarto, ikulong mo sila roon.” utos niya.
“Yes, boss!” agad itong tumalima at kinuha ang mag-ina. Ngunit bago ito makalabas ng silid, tinawag ni Andrew ang anak.
“Reece, gusto kong malaman mo na hindi ako ang tunay mong ama.” Wika niya, habang nakatingin sa bintana.
“Alam ko, at ipinagpapasalamat ko iyon.” Seryosong wika ni Reece habang matalim na nakatingin lang kay Andrew, saka sila tuluyang lumabas ng pintuan.
“MARTIN. Papunta na ako dun sa lugar kung saan naroon si Annie, ikaw na ang bahala sa iba. Sigurado ako na may kasama si Andrew, mag-iingat ka.” wika ni calvin sa kabilang linya, matapos ang tawag nakita ni calvin ang lumang bahay at mukha na itong napabayaan.
“Ilan taon na ang nakalilipas nang huli akong napunta sa bahay na ito.” saad niya sa sarili habang inililigid ang paningin sa paligid. Hanggang sa makita niya ang sasakyan ni Andrew na nakaparada sa di kalayuan. Kaya naman doon siya nagtungo. Pagkarating niya nakita niya ang isang bukas na pinto, kaya naman pumasok siya roon, ngunit bago pa man siya makapasok ng tuluyan, isang malakas na hampas sa kaniyang likod ang kaniyang naramdaman, dahilan upang siya’y matumba padapa sa sahig.
“Maligayang pagdating, Mr. Del Fierro!” wika nito kasabay ng isang malakas na suntok sa kaniyang mukha dahilan upang tuluyan na siyang mawalan ng malay.
Nagising na lamang siya na nakatali sa isang upuan, nakita niya si Annie sa kama na nakapikit may takip ang bibig at nakatali ang mga kamay at paa. Nais man niya itong lapitan ngunit hindi niya magawa dahil katulad nito pareho silang nakatali. Kaya naman tinawag na lamang niya ito,
“Annie, Annie,” pabulong niyang tawag rito, ngunit sapat na upang marinig ito ng kasintahan. Nakita niya ang pagdilat nito at agad na napatingin sa kaniya. mabilis na pumatak ang luha nito ng makita siya. Awang-awa rito si Calvin kaya naman pinilit niyang makalapit rito. ngunit hindi niya kinaya. Hanggang sa makita niya na bumukas ang pinto.
“Mabuti naman at gising na kayo,” wika ni Andrew ng makapasok ng silid. “Ang romantic ng pagkikita niyo, hindi ba?” anito, habang natatawa at nakatingin samagkasintahan.
Matalim na tingin ang iginanti ni Calvin rito. “Ano ba ang kailangan mo? Pera ba? ibibigay ko sa iyo pakawalan mo lang kami rito!” matapang na wika nito.
“Wala naman ang akong paki-alam sa pera mo, interesado kasi ako sa pagkatao mo. At mas lalo akong nagkainteres ng mapalapit ka sa mag-ina ko. Napapatanong tuloy ako kung bakit?” naglakad ito papalapit kay Annie at pasabunot na hinawakan sa buhok. “Mabuti na lang at may isang ibon na nagsabi sa akin ng isang mahalagang impormasyon. Dahil doon nalaman ko ang tunay mong pagkatao, Evren!”

BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
Roman d'amourEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...