chapter 35

73 2 0
                                    

NAGING abala ang buong maghapon ni Calvin, pinilit niyang abalahin ang sarili upang hindi niya isipin ang kaniyang mag-ina. Kabi-kabilang meetings ang kaniyang dinaluhan, upang hindi niya maisip na puntahan si Isabella. Lalo na ngayon na nagka-ayos na silang dalawa. Naisip niya napadahan na lamang ito ng bulaklak, at regalo para sa kaniyang anak na si Reece. Hanggang sa nagpadala ito ng mensahe na nagpapasalamat. Dahil doon naging masaya si Calvin.

    “kahit sa ganitong paraan, nais kong makabawi sa kanila.”  Wika ni Calvin sa sarili.

Natapos ang kaniyang araw, pagod sa pakikipag-usap sa iba’t ibang klase ng tao, pagkauwi niya, hinanap niya ang kaniyang tito, naabutan niya itong may kausap, at laking tuwa niya nang makita kung sino ang kausap nito. “Reece!” masaya niyang pagtawag rito.

    “Tito! Mabuti naman at dumating ka na, kanina pa ako rito.” anito, matapos yumakap sa kaniyang tito Calvin.

    “Bakit ka narito? Alam ba nang mommy mo na pupunta ka rito?” nag-aalalang tanong nito sa binatilyo tumango naman ito sa kaniya bilang sagot. “Mabuti naman. Anong meron at napadalaw ka? Dapat nagpasabi ka man lang para napaghandaan naming ng lolo Ronaldo mo.” Aniya, habang naka-akbay rito.

    “No need na po, naiinip po kasi ako sa bahay, kaya naisip ko na magtungo rito. gusto ko po kasing makigamit ng studio. Hindi kasi puwede sa bahay, baka sirain ni Daddy yung mga works ko kapag nakita niya yung mga gawa ko. Kung dito mo naman gagawin, alam ko na magiging safe ang mga gagawin kong designs.” Paliwanag nito. Nagpatangu-tango naman si Calvin sa sinabi ng binatilyo.

    “Okay, walang problema. You can use it as long as you want. That studio is yours too. Kaya huwag kang maghe-hesitate na gamitin at puntahan ito.” nakangiting wika ni Calvin. mababakas ang ngiti sa mukha ni Reece kaya naman, napayakap ito sa kaniya.

    “Thank you, tito!” anito, matapos nuon ay nakipag-kuwentuhan pa ito sa kanila bago nagdesisyon na umuwi. “I have to go, baka naghihintay na si Mommy. Text na lang po ako sa inyo kapag naka-uwi na ako. Bye, tito!” paalam nito. Habang kumakaway sa kanila.

    Punong-puno ng kasiyahan ang puso ni Calvin ng araw na iyon, pakiramdam niya ay nakumpleto na ang kaniyang pagkatao, dahil sa kaniyang anak na si Reece, ngunit hindi pa niya masabi rito ang katotohanan. Natatakot siya sa magigimg reaksyon nito kapag nalaman nito na siya ang tunay nitong ama. Hindi pa rin nito dapat malaman dahil, hindi pa siya tapos sa pakikipaglaban sa dating kaibigan. Alam niya na gagawa ito ng paraan para malaman kung sino ang may kakagagawan nang mga nagyayari sa kaniyang kumpanya.

    “I’m sorry, son. Kapag natapos na ang pakikipaglaban ko sa kinikilala mong ama, at saka ko lang masasabi sa iyo ang katotohanang ako ang tunay mong ama.”  Sambit ni Calvin sa sarili.

HALOS mag-iisang buwan nang hindi umuuwi si Andrew na ikinatuwa naman ni Isabella, naging tahimik ang kaniyang buhay nang wala ito, ngunit tila ang kaniyang masaya at tahimik na buhay ay muling magugulo, dahil sa ‘di inaasahang pagkakataon, nakita niya ang pagparada ng sasakyan ng kaniyang asawa, agad na nagdikit ang kaniyang mga kilay pagkakita sa mukha ni Andrew.

    “Damn, Sweetheart! Ang sama naman ng pagsalubong mo sa akin. Hindi mo ba ako yayakapin muna?” anito, kahit nakangiti, mababakas ang hinanakit sa mga salita nito. Sa halip na lumapit rito, tumalikod lang si Isabella a naglakad palayo rito. mabilis naman siyang sinundan ni Andrew. Hanggang sa makapasok sila sa kanilang silid. “Isabella, masama pa rin ba ang loob mo sa akin? Humingi na ako ng sorry, akala ko naman napatawad mo na ako. Dahil sa mga sinabi mo natakot ako nab aka pag-uwi ko may iba ka nang lalaki, tandaan mo, kapag nalaman ko na may iba kang kinikitang lalaki, hindi ako mangingiming patayin ang lalaking iyon. Sa akin ka lang at walang ibang lalaki ang dapat na magmahal sa iyo, kung ‘di ako lang.” saad ni Andrew kay Isabella habang nakahawak sa mga braso nito.

    “Sakim ka talaga, kahit sa anong bagay. Tandaan mo, Andrew lahat ng ginagawa mo ay may kapalit na parusa. Hindi magtatagal babagsak ka rin, dahil sa pag-uugali mo.” Matapang na salita ni Isabella.

    Andrew smirks as he faced his wife. “Matapang ka na, bakit may ipinagmamalaki ka na ba? ibang lalaki na ba?” galit na sambit ni Andrew habang matalim na nakatingin sa mga mata ni Isabella. Ngunit hindi ito nagsasalita habang matapang nakikipaglaban ng titigan sa asawa.

    Nagulat na lamang siya ng bigla na lamang siyang sunggaban ng halik nito. Hinawakan ni Andrew ang batok ni Isabella upang hindi makalayo ang mukha nito sa kaniya. Panay naman ang palag ni Isabella at pilit na kumakawala sa pagkakayakap ni Andrew.

   “A-andrew! Enough!” sigaw niya rito, matapos niya itong itulak ng malakas, dahilan upang matumba ito sa sahig. “Sawa na ako sa ganitong buhay kasama ka. Parati ka na lang nagseselos kahit alam mo na wala naman akong ibang lalaki, tapos sasaktan mo ako, nakakapagod na!” sambit niya. Naglakad siya patungo sa kanilang walk-in closet at naglabas ng maleta, inilagay niya lahat nang kaniyang damit.

    “Ganito ba ang gusto mo? Sige, hahayaan kitang umalis, pero papatayin ko muna ang anak mo bag kita pakawalan!” banta nito. Agad na kinabahan si Isabella dahil sa sinabi nito. “Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko, Andrew!” sigaw nia rito.

    “Bakit dahil ba nagkikita na kayo nang ex-boyfriend mo na criminal!” sigaw nit okay Isabella. “tandaan mo ako ang nag-ahon sa inyong pamilya sa kahihiyan dahil sa anak nyo ni Evren!” galit na sambit nito. Lumapit it okay Isabella at hinablot ito sa braso. “Ngayon, magdesisyon ka. Hahayaan kitang maka-alis pero papatayin ko ang anak mo, o mananatili ka rito sa piling ko, at hahayaan ko ang anak nyo ng criminal na iyon?” wika nito, napa-iyak na lang si Isabella dahil sa nais ni Andrew. Napa-upo na lamang siya sa carpeted nilang sahig at humagulgol nang iyak. “Fine! Huwag mong sasaktan ang anak ko! Mananatili ako rito, huwag mo lang gagalawin si Reece.” Umiiyak na wika ni Isabella. Lumuhod si Andrew sa kaniya at niyakap, habang hinahagod ng kamay ang kaniyang buhok. “Good girl,” anito, saka hinalikan ito sa ulo. Matapos nuon ay tumayo na ito. “ibalik mo na ang mga gamit mo, kakain tayo sa labas, kasama ang anak mo. Na-miss kita, kaya magbihis ka magdi-date tayo as family.” Wika nito saka naglakad palabas ng kanilang silid.

   Nayakap na lamang ni Isabella ang kaniyang sarili dahil sa awa. Natakot siya para sa anak. ayaw niya na may mangyaring masama rito.

    “Evren, tulungan mo kami ng anak mo!”  usal niya habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi.

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon