“KUNG nakita mo lang ang itsura nang mukha niya, Uncle.” Wika ni Calvin sa kaniyang tito habang pagak na tumatawa dahil sa nangyaring pagkikita nila ni Andrew. Ngunit nakita niyang nakatingin lang kaniya ang kaniyang tito at seryoso ang mukha nito. “Uncle, may problema ba?” tanong niya rito.
“Calvin, anak. alam ko na nais mong maghiganti sa taong iyon, pero sa tingin mo ba, tama pa ang ginagawa mo? Naisip mo ba na maaaring mong ikapahamak ang ginagawa mo?” nag-aalalang tanong nito sa pamangkin. “Calvin, nakikita ko sa iyo kung gaano kalaki ang galit mo sa kaniya, pero natatakot ako sa maaari niyang gawin sa iyo at sa iyong mag-ina.” anito, binitawan nito ang tasa na hawak saka lumapit kay Calvin. “Bilang Uncle mo, sana makinig ka sa akin, nag-aalala lang ako sa iyo.” Wika nito, saka tinapik ang balikat nito. Naglakad na ito paakyat nang hagdan, habang sinusundan ito nang tingin ni Calvin.
Naiwang mag-isa si Calvin sa salas, pabagsak na napa-upo na lamang siya sa sofa at Iniisip niya ang mga sinabi ng kaniyang Uncle. Dahil doon napahilamos na lamang siya sa kaniyang mukha, nang maisip na tama ang kaniyang Uncle, paano kung ikapahamak nang kaniyang mag-ina ang kaniyang ginagawa? Tumayo siya mula sa pagkaka-upo saka siya namulsa at nagtungo na sa kaniyang silid.
Kinabukasan, maagang bumangon si calvin, kinailangan niyang magtungo ngayong araw sa kumpaniya ni Andrew na ngayon ay pagmamay-ari na niya. Marami siyang dapat asikasuhin kaya naman nagmamadali siyang kumilos. Hindi pa man siya natatapos magbihis ay nakarinig siya nang marahan na katok sa kaniya pinto. “Senyorito Calvin, si Miss Annie po nasa ibaba, hinihintay po kayo,” saad nang isang katulong sa tapat ng kaniyang pintuan. “Paki-sabi na magbibihis lang ako, bababa ako kaagad!” sagot niya rito. narinig niya ang papalayong yabag nang katulong. Habang ikinakabit ang kurbata, naisip niya kung bakit naroon ang kasintahan? Kaya naman nagmadali na siya at saka lumabas nanag kaniyang silid, pababa na siya nang hagdan ng makita niya ang nakangiting labi nito, habang nakatingin sa kaniya.
“Calvin!” sambit ni Annie, hindi pa man umaabot ang binata sa ibaba ay sinalubong na ito ng dalaga. “I miss you!” anito, sabay halik sa labi. Matapos nuon ay saka lamang sila bumaba at naupo sa mahabang sofa.
“I thought may seminar ka sa abroad? Bakit narito ka na?” tanong nito sa dalaga. Ngumiti lamang ito at saka hinawakan ang mga kamay ni Calvin.
“May biglang nanagyari lang, kaya ako napabalik kaagad.” Sagot nito. Na ikinakunot naman ng noo nang binata.
“Bakit? May masama bang nangyari sa iyo?” muling tanong nito sa dalaga. Ngumiti lamang ito at saka may kinuhang maliit na kahon sa kaniyang bag.
“Actually, hindi naman.” anito, saka masayang iniabot rito ang maliit na kahon saka ito pinabuksan sa binata. Kahit nagtataka, sinunod ni Calvin ang gusto nito. Binuksan niya ang kahon at laking gulat niya nang makita ang isang maliit na papel na may nakasulat na surprise! Kinuha niya ito at nakita niya na natatakpan nito ang isang pregnancy test na may dalawang two red lines. Agad siyan napatingin kay Annie, nakita niya na tumango ito at hinawakan ang kaniyang hindi pa naman umbok na tiyan.
“Magkaka-baby na tayo!” masayang saad nito, napanganga na lang si calvin sa sinabi nito. Walang emosyon, bagkos ay bigla siyang nag-alala. “Nagbunga na ang nangyari sa aming dalawa.” Kaya naman huminga muna siya nang malalim bago nagsalita.
“Annie, are you sure? Nagpatingin ka na ba sa doctor?” seryosong tanong nito sa kasintahan. Masayang tumango ito at ibinigay ang mga resulta sa kaniya. pati na rin ang kaniyang ultrasound. tinignan naman ni Calvin ang lahat, matapos ay ngumiti siya sa dalaga at niyakap. “I’m so happy!” aniya, ngunit sa ang totoo, nangangamba siya. Bumitiw siya sa pagkakayakap rito habang hawak niya ito sa magkabilang balikat. “Mabuti naman at umuwi ka kaagad, kumusta naman ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? Baka napagod ka sa biyahe pauwi rito?” sunud-sunod na tanong nito sa kasintahan. Bahagyang natawa si Annie sa reaksyon nito kaya naman umarte siya na inaantok at pagod.
“Gusto ko na munang magpahinga, puwede ba ako mag-stay muna sa kuwarto mo, na-miss ko kasi ang amoy mo,” anito, habang matamis na nakangiti rito. wala namang nagawa si Calvin kung hindi dalhin ito sa kaniyang silid. “Magpahinga ka na muna rito, kung may kailangan ka sabihin mo sa mga kasam-bahay, magbibilin ako sa kanila naibigay ang gusto mo. May importante lang akong lakad ngayon at hindi koi to maaaring ipagpaliban. Magkita na lang tayo mamaya.” Wika ni Calvin sa siya lumapit kay Annie at humalik sa labi nito. Matapos ay lumabas na siya kaagad sa silid. Naiwan naman na mapapailing na lang si Annie. kaya naman naghiga siya sa kama nang kasintahan, kinuha ang unan nito at saka niyakap ito nang mahigpit.
PAGKARATING ni Calvin sa kumpanya, agad siyang sinalubong nang mga empleyado. Pagkapasok niya agad siyang nag-utos. “lahat nang empleyado pauntahin sa Conference room,” istriktong utos nito. Sa dating secretary ni Andrew. “Yes, Mr. Del Fierro.” Magalang na sagot nito. Matapos ay agad itong lumabas at isinara ang pinto nang kaniyang bagong opisina. Iniligid niya ang kaniyang tingin sa kabuuan nito. “Not bad! Maganda itong opisina, pero bakit narito pa rin ang mga larawan niya?” aniya, nang makita na nakasabit pa ang isang malaking portrait ng larawan nang dating kaibigan. “Ipapatanggal ko na lang ito mamaya at papalitan ko nang larawan ko,” nakangising wika niya sa sarili. ilang saglit lang ang lumipas ay nakarinig siya ng marahang katok sa pintuan. “come in!” aniya, nakita niya na pumasok ang kaniyang sekretarya.
“Sir, Calvin. nakahanda na po ang lahat.” Kaya naman tumayo na siya mula sa pagkakaupo at inayos ang sarili bago magtungo nang conference room. Hindi nagtagal naglalakad na siya papasok ng silid naroon ang lahat ng empleyado at tahimik na nakatingin sa kaniya. pagkarating niya sa gitna ng stage, bahagya siyang tumikhim upang kuhain ang atensyon nang lahat.
“Good day, Everyone! Maybe some of you knows me. I’m Calvin Del Fierro, The new owner, CEO of this company. I know each one of you has a question, and you are free to say it now.” Wika niya. At isa sa mga empleyado ang nagtaas nang kamay. “Yes, you!” aniya, pagkaturo rito.
“Sir, ngayon na bago na ang nagmamay-ari nito, paano naman po kaming mga empleyado? Alam naman po namin at sinabi na sa amin ni Sir Andrew ang lahat, pero paano kami makasisiguro na hindi kami matatanggal sa aming trabaho?”
“Okay, to make it clear, tulad nang napagkasunduan, nagmamay-ari lang ang nagbago. Ngunit kayong mga empleyado, mananatili pa rin kayo sa inyong posisyon. Walang magbabago. So, resassure na walang matatanggal o maalis ni isa sa inyo. Ipagpatuloy lang ninyo ang inyong maayos na trabaho. At kapag nakitaan ko kayo ng maayos na performance, maaari ko kayong i-promote sa mataas na posisyon na may mataas na sahod. Kaya sana magkasundo tayong lahat. From this day onward, I am expecting each one of you that you will do all you’re best. Goodluck and have a good day!” saad niya saka siya naglakad paabas nang pintuan kasabay nang kaniyang secretary.
BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
RomanceEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...