Chapter 16

86 2 0
                                    


    MATAPOS ang pagpapakilala kay Evren, nakita niya na nagbubulungan ang karamihan sa board member. kaya naman bahagya siyang tumikhim upang makuha ang atensyon ng iba.
    “Everybody, I know most of you are skeptical about me, I am Calvin Del Fierro, the only heir of Mr. Ronaldo Del Fierro, I promise to do everything, and do all my responsibilities, as your CEO and chairperson of this company. all i wish is to trust me, all of you.” aniya, “pagkatiwalaan n’yo ako tulad ng pagtitiwala n’yo sa aking Tito Ronald.” wika niya
    “Why do we do that? You just came out from nowhere and now you're going to be the new CEO and Chairperson of the company?” tanong ng isa sa board member, ngunit hindi nagpatalo si Evren sa kaniya.
    “Why, are you afraid of me Mr. Calixto Ybañez? I know you're schemes here in the company. Well let us say, all of you have a dark schemes here at hindi ako natatakot na alisin kayo mismo diyan sa kina-uupuan n'yo.” matapang niyang pananalita.  “Alam ko rin kung ano ang ginawa n'yo kay tito Ronaldo, alam kong isa sa inyo rito ang traydor ng kumpanyang ito, so better watch your back cause i am watching you, siguro naman nagkakaintindihan na tayo, kung mayroon kayong problema o pagdududa tungkol sa akin, kausapin n'yo ang abugado ko.” sambit niya. “This meeting is done,” wika niya saka siya naglakad palabas ng conference room kasabay si Don Ronaldo.
    “Good job, ngayon alam na nila na dapat silang matakot sa iyo,” wika ni Don Ronaldo habang naglalakad sila palabas ng building. “By the way, hijo. Tumawag na ang private investigator, pupunta siya sa bahay ngayong tanghali, umuwi na tayo kaagad” anito, nang makasakay sila ng elevator.
    “That's good, para magawa ko na ang dapat kong gawin 16 years ago.” aniya.
   
    Kararating lang nila ng mansyon nang dumating ang kanilang bisita.
    “Mr. Del Fierro, narito na po ang lahat ng files and evidence na nakalap ko,” anito, nang iabot ang isang envelope sa binata.
    “Thank you, paano yung isang pina-iimbestigahan ko sa’yo?” tanong niya rito habang binubuksan ang envelope na hawak.
    “Nakita ko na po siya, at mukhang hindi n'yo po ito magugustuhan,” anito, saka ini-abot ang isa pang envelope.
    Binitawan ni Evren ang unang envelope na hawak saka inabot ang isa pa. “Bakit anong nalaman mo?” seryosong tanong ng binata sa imbestigador.
    “buksan mo na lang iyan at makikita mo kung ano ang sinasabi ko.” anito, kaya naman mabilis na binuksan ni Evren ang envelope, ng mabuksan nakita niya ang isang larawan, larawan ng isang pamilya, tila nanigas ang buong katawan ni Evren sa nakita.
    “No, this can't be happening, bakit siya? Bakit siya pa!” galit na wika ni Evren, lalong napuno ng galit ang binata dahil sa nalaman.
    “Traydor! Hudas ka Andrew!” sigaw niya, “Napakaraming babae na maaari mong ibigin bakit ang pinakamamahal ko pa!”
    “Sir, may anak din sila Reece ang pangalan, lalaki, labing anim na taong gulang, at nag-aaral sa isang pribadong eskwelahan, nalaman ko na ilang buwan lang ang lumipas simula ng makulong ka ay nagpakasal na ang dalawa. Ayon sa aking imbestigasyon, buntis itong si Isabella, at sa huwes lang nagpakasal ang dalawa, hindi sila nagpakasal sa simbahan. Nang makapanganak ito, lumipat na sila ng laguna kung saan nakatira itong Andrew Dela Cruz,” anito, sa binata.
    “Laguna?” nagtatakang tanong ni Evren.
    “Yes, Sir. Siya ang naging tagapagmana ni Ginang Martinez, dahil wala itong anak, at dahil itong Andrew lang ang kaniyang pinagkakatiwalaan, dito na ipinamana lahat ng kanyang kayamanan.” paliwanag nito, saka naglabas muli ng isang folder at muling ini-abot sa binata. “Narito ang lahat ng pangalan ng mga tao na binayaran nitong Andrew para madiin ka sa kaso. Lahat ng iyan ay may mga posisyon na sa pabrika na dati mong pinagtatrabahuhan.”
    “Lahat na ba ito? Wala ka bang nakalimutan na impormasyon?” tanong ni Evren dito.
    “Wala na po, Sir. Lahat ay nariyan na,” anito,
    “Salamat, ito ang kabuuang bayad ko sa ginawa mo.” ani Evren.
    “Thank you, sir. Incase na may nalaman pa ako, sasabihin ko po sa inyo kaagad.” anito, saka lumabas na nang opisina ng binata.
    Muling tinigan ni Evren ang larawan, nakikita niya ang isang masayang pamilya. Masakit sa kaniya na malaman na ang pinakamamahal niyang babae ay nagpakasal sa isang traydor. Dahil doon muli na namang nakaramdam ng galit ang binata. Kaya binitawan niya ang larawan at tumayo mula sa pagkaka-upo. Nagtungo siya sa kanyang silid saka naghubad ng damit, pumasok siya ng banyo at binuksan ang shower. Ibinabad niya ang sarili sa ilalim nito. Hinayaan niya na umagos ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan, nais niyang pahupain ang nararamdamang galit dahil sa mga nalaman.
    “Andrew Dela Cruz, enjoy your live until you can, cause i'm Calvin Del Fierro will ruin and make your precious life miserable. Because for you, Revenge is not enough!” aniya, kaya pinatay niya ang shower at muling nagbihis ng damit. Pagkalabas niya, makakasalubong niya ang nakangiting si Annie.
    “Evren, kumusta ang meeting with the board members? Ang sabi ni ti–” napatigil ito sa pagsasalita nang biglang inilapat ni Evren ang kaniyang mga labi sa dalaga. Ikinagulat naman ito ni Annie, kaya bahagya niya inilayo ang mukha at tinanong ito, “bakit mo ginawa ito?”
    “I want you now,” wika ni Evren. Nanatili lang na nakatitig si Annie sa binata. Ngunit ng makita niya ang malungkot na mukha nito, nuli niyang inilapat ang mga labi sa binata.
    Ang mga halik na sa una'y dampi, napunta sa isang mainit na pagniniig. Alam ni Annie na walang pagmamahal ang kanilang ginagawa. Ngunit para kay Evren, handang ibigay ng dalaga ang sarili para sa lalaking kaniyang pinakamamahal.
   
    MATAPOS ang kanilang ginawa, magkayakap silang nakahiga sa kama, dinadampian naman ni Evren ng mumunting halik ang noo ng dalaga. Napapangiti naman ito dahil sa ipinapakitang lambing nito ni Evren sa kaniya.
    “Evren, mahal na mahal kita.” saad ni Annie sa binata. Ngumiti lang si Evren rito at niyakap ito ng mahigpit. Alam ni Annie na may ibang mahal si Evren, ngunit para sa kaniya, gagawin niya ang lahat para mahalin din siya nito, kahit ibigay pa niya ang kaniyang sarili rito.
    “Annie, gusto mo bang kumain sa labas?” malambing na wika ni Evren sa dalaga.
    “Sure, medyo nagugutom na ako, napagod yata akosa ginawa natin.” nakangiting saad nito sa kaniya. Kaya naman muli niyang ginawaran ng halik ang dalaga sa labi. “Mag-shower ka na, para maka-alis na tayo.” Aniya, kaya naman tumayo na sila sa kama.
    Pababa na sila ng hagdan ng makita nila si Don Ronaldo. Agad itong napangiti ng makita silang magkasama at magkahawak kamay.
    “That's what i'm talking about! As i have seen, mukhang bago na ang status n'yong dalawa?” anito, habang nakangiti.
    Tumango naman si Evren at Annie habang nakatingin sa isa't isa. Dahil sa tuwa niyakap ni Don Ronaldo ang dalawa.
    ”That's great to know, well sana naman hindi magtagal ay sa kasalan naman!” pabiro nitong wika sa dalawa.
    “Ninong, nagmamadali!” tila nahihiyang wika ni annie.
    “Bakit? Doon din naman ang punta niyan, bilis-bilisan n'yo lang at gusto ko ng magka-apo!” masayang wika nito.
    “Tito, mas excited ka pa kaysa sa amin.” ani Evren.
    “Why not? Alam kong kayo ang magtutuloy ng lahi ng mga Del Fierro, so you have my blessings.” anito, na ikinatawa lang ng dalawa.
    “By the way, hijo. Kumusta ang imbestigasyon? May mga nalaman na ba tungkol sa naging kaso mo?” seryosong tanong nito.
    Kaya naman habang patungo sila sa salas, sinabi ni Evren ang lahat ng impormasyon na nakalap ng imbestigador.
    “Okay, so what's your plan?”
    “As usual, i'm going to make them fall deep, deeper as they can go up. Ipaparamdam ko sa kanila ang sakit na dulot ng ginawan nilang pagta-traydor sa akin.” galit na saad ni Evren.
    “In that case, ibibigay ko sa iyo ang isa sa pinaka, malaki kong mansyon, ikaw na rin ang magmamay-ari ng isa sa mga negosyo ko, at papangalanan natin itong CDF magazine, isa sa pinakasikat na magazine trend sa buong bansa. Susuportahan kita, in one condition, hindi mo dudungisan ang kamay mo para lang makuha ang hustisya, hayaan mo na may gumawa nito sa iyo, may mga tauhan tayo na maaaring gumawa niyan at kung mahuli man sila, sigurado na hindi ka nila ihuhulog. Tapat ang mga ito, kaya wala kang magiging problema.” paliwanag nito sa binata.
    “kung ganun, planado na ang lahat,” ani Evren.
    “Iimbitahin natin itong Andrew Dela Cruz sa  welcome party mo party sa sunday kasama ng kaniyang esposa. Be ready, hijo.” anito, sa binata.
    “Don't worry about me, tito. I am always ready.” wika ni Evren. 

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon