DUMATING na ang araw na kanilang pinakahihintay, ang araw nang pagpapakilala kay Evren sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. Abala na ang lahat ng tao sa mansion, marami ng bisita ang dumating, “Cleo, dumating na ba lahat ng bisita?” tanong ni Ryan sa kaniyang secretary.
“Not yet, sir,” sagot nito, nang may dumating pa na bisita, at lumapit sa kanila. “Name sir?” tanong ni Cleo rito.
“Mr. and Mrs. Dela Cruz.” Sagot nito, “Welcome, Sir!” pagbati ni Cleo rito. Kaya naman pumasok na ito sa loob kung saan naroon ang lahat ng malalapit na kaibigan at associates ni Ronaldo.
Agad na pumasok si Ryan sa loob ng mansion at nagtungo sa silid kung saan naroon si Evren at Ronaldo. “They’re here!” anito, nagtinginan ang magtito saka tumango sa isa’t isa.
“It’s time,” wika ni Ronaldo sa kaniyang pamangkin. Kaya naman inayos na nila ang kanilang mga sarili at sabay na lumabas ng silid.
“GOOD EVENING, everybody!” panimulang pagbati ni Ryan sa mga bisita. Nang makuha na niya ang atensyon ng lahat, ibinigay niya ang mic sa kaibigang si Ronaldo.
“Hello Everybody, I am so glad that you all came here, cause this is a very important occasion for me, you all know that I’ve been so lonely for many years, when my wife and my only child died in an accident, hindi ko mapatawad ang sarili ko ng mga panahon na iyon, pero ngayon nagbago na. Sa ‘di inaasahang pangyayari,
nakakilala ako ng isang binata na ubod ng bait, masipag at sobrang maalalahanin, mabilis na nagkapalagayan kami ng loob. And when I found out, that he is my only Nephew from my only sister, Ester Del Fierro. Everybody I am gladly to introduce you my only Nephew and the only heir of Del Fierro Industry, and the CEO of CDF Magazines, Calvin Del Fierro!”
Malalakas na palakpakan ang maririnig ng lumabas si Evren mula sa isang silid. Naglakad ito patungo sa isang man-made stage at tumayo katabi ni Ronaldo, yumakap si Evren dito at bumalong ito sa kaniya, “You can do it, hijo. Ipakita mo sa kanila ang isang Del fierro!” anito, saka ibinigay ang mic sa binata.
“Good evening, alam kong lahat kayo ay nagtatanong bakit ngayon lang ako nagpakita at nagpakialal at saan ako nanggaling, to make the story short, lumayo ang aking ina at hindi na nagpakita pa sa mga magulang niya, to my grandparents. Dahil ayaw nila sa aking ama. Lumaki ako at nagkaisip, maraming pagsubok ang dinaanan, pero ito ako nananatiling matatag, isang araw, nakilala ko ang isang gwapo, matangkad at napakabait namatanda. He gave everything to me, without hesitation. Ngayon na alam ko na siya ang nag-iisang kapatid ng aking ina, si Tito Ronald.” Wika niya ng humarap siya sa matanda. “I am so Greatful and glad that god has it purpose kung bakit doon lang tayo nagkita, thank you so much!” saad ni Evren, saka niyakap ang kaniyang tito. Matapos ang mahabang speech nito ay nagbalik na ang lahat sa pakikipagsaya at kuwentuhan. bumaba si Evren sa stage at kasama si Don Ronaldo at ipinakilala sa mga kaibigan at kakilala. Hanggang sa makaharap na niya ang taong isa sa dahlan kung bakit nila idinaraos ang okasyong iyon.
Paglapit pa lang niya rito, ramdam niya na nais niya itong saktan, ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili. “Kailangan sundin ang plano,” wika ni Evren sa sarili. Paglapit nito isang malapad na ngiti ang ipinakita nito sa kaniya. “I think I saw a demon smiling at me!” aniya sa sarili. Nang makalapit ito ngumiti siya rito at nakipagkamay.
“Hi, i am greatful to meet you, Mr. Calvin Del Fierro!” bati nito sa binata.
“Same here Mister?” wika ni Evren na kunwaring ‘di niya ito kilala.
“Silly of me! I forgot to introduce myself, Andrew Dela cruz, a fabric designer, textile stylist, CEO of DC Corporation.” Saad nito, nang may pagmamalaki.
“A, Isa pala kayo sa mga kinukuhaan ng Fabric ng CDF para sa mga designs and models namin. Those textile are so good, I hope we can talk about It some other time. Kailangan ko pang harapin ang ibang bisita.” Pagpapaalam nito ngunit pinigilan siya nito. “Wait! I want to introduce to you my beloved wife,” anito, saka malambing na tinawag ang asawa.
“Isabella Dear!” tawag ni Andrew sa asawa. Nang makita ito ni Evren tila bumagal ang lahat sa paligid, habang unti-unting lumalapit ito sa kanila, lalong lumalakas ang pagtibok ng puso ni Evren.
Nang makalapit ito, matamis itong ngumiti sa kanila, ngunit ng mapatitig ito kay Evren hindi naiwasan ni Isabella ang mapaluha, na ipinagtaka naman ni Andrew. Kaya agad itong nagtanong sa kaniya.
“Isabella, bakit?” nag-aalalang tanong nito, habang hawak ito sa magkabilang balikat.
“Nothing, may pumasok lang na dumi sa mata ko,” anito ng makabawi.
Ngunit ang mga mata ni Evren ay nananatiling nakatitig rito. Kaya naman lumapit siya rito, hindi alintana ang presensya ni Andrew. “Mr. Dela Cruz, can I stole your wife?” ani Evren, na ikinatigil ni Andrew.
“Excuse me, what did you say?” seryosong tanong nito,
“I mean can I take your wife for a dance?” nakangiting wika ni Evren.
“Sure, no Problem!” masayang sagot ni Andrew. Kaya naman hinawakan ni Evren ang mga kamay ni Isabella at dinala sa gitna nang dance floor.
Habang nagsasayaw ‘di maiwasan ni Isabella ay titigan ang mukha ni Evren. Kaya naman tinanong ito ng binata, “bakit? Mayroon ba akong dumi sa mukha?” seryosong tanong niya rito.
“Wala naman, may naaalala lang akong isang tao na sobrang mahalaga sa akin.” Sagot nito. Habang patuloy silang nagsasayaw sa malambing na musika.
“Ganoon ba? Kamukha ko ba?” tanong pa rin ni Evren dito. Habang nakatitig sa mga mata ni Isabella.
“Yes,” sagot nito.
“So, Nasaan na siya?” muling tanong ni Evren dito.
Umiling lang si Isabella. “Hindi ko alam, marahil ay nakakulong pa siya,” sagot niya sa tanong nito.
“Kung ganoon, hindi ako ang taong iyon,” sarkastikong wika ni Evren ditto. Matapos ang musika muling ibinalik ni Evren si Isabella kay Andrew at tuluyang lumayo rito. Naiwan naming nakatitig lang si Isabella sa sa likod ng papalayong binata.
“Kamukha talaga niya si Evren, mas matikas nga lang at mas disente ang itsura niya kaysa kay Evren.” Aniya sa sarili.
Pabalik na sa loob ng mansyon si Evren ng bigla siyang nakabangga ng isang binata dahil nananakbo ito. Agad itong humingi ng paumanhin sa kaniya.
“Sorry, Sir!” anito, “Hindi kop o sinasadya!”
“Ano ba ang ginagawa mo rito? Off limits na ang lugar na ito sa mga bisita!” Sambit ni Evren rito.
“Sorry po talaga, naghahanap lang po ako ng restroom, hanggang sa napasok ko ang silid na iyon.” Paliwanag nito.
“Which room?” galit na wika ni Evren. Kaya naman itinuro kaagad ng binata ang silid. “Sorry po talaga! Namangha po kasi ako sa ma nasa loob, magaganda po ang mga design na nakaguhit doon sa may lamesa. Ipagpaumanhin po ninyo kung nagalaw ko.” Anito, ngunit sahalip na magalit si Evren tinapik na lang niya ito sa balikat. “Sige na, bumalik ka na sa labas, sino ba ang kasama mo at anong pangalan mo?” nakangiting tanong niya rito.
Dahil napawi na ang galit ni Evren, nakita niya na nawala na ang takot ng kaharap na binata. Kaya naman masaya siya nitong sinagot.
“Reece,” saad nito, “Evren Reece Dela Cruz!”

BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
RomansaEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...