Chapter 21

84 2 0
                                    

TULAD nang pangako ni Evren kay Reece, tinuruan niya ito. Dahil nasa Opisina si Evren ng tumawag ang binatilyo sa kaniya, doon na niya ito pinapunta.

    “Sir Calvin, ito po ang mga samples nang mga nagawa ko.” Wika ni Reece kay Evren, nang ipakita nito ang mga gawa nitong design. Kaya kinuha ito ni Evren at tinignan isa-isa. Napahanga si Evren dito, dahil ang mga design nito ay halos nalalapit sa kaniya. Pareho ng aspeto at kung sususmahin ay wala itong pinagkaiba sa kaniyang ma gawa. “This is so amazing! Sino ang nagturo sa iyo?” tanong niya rito. Ngumiti lang si Reece bago sinagot ang tanong ni Evren.

    “Hindi naman po sa pagmamayabang, talent ko na po ito simula pa lang noong bata pa ako. I really don’t know pero sobrang hilig ko po ang gumuhit, speacially when the idea just got into my mind. But when my dad saw me making them , he got furious. Kinuha niya ang mga gawa ko at sinunog ang lahat. Sobra ang iyak ko noon. Kaya ngayon kapag gumuguhit ako, itinatago ko itong lahat dahil ayokong makita ni Daddy ang mga ito.” pagsasaad nit okay Evren. Tila nakaramdam naman si Evren ng pagka-inis sa nalaman.

    “Pati talaga sa anak ay nai-insecure ang buwiset na Andrew na iyon!”  inis na wika ni Evren sa sarili. “Ano ba an gusto niyang patunayan sa sarili niya?” napasimangot si Even dahil sa isipin iyon, na napansin naman ng binatang si Reece.

    “Sir Calvin, bakit po? May problema po ba?” Tanong nito. Agad naman nakabawi si Evren saka muling ngumiti rito. “Sorry, may pumasok lang sa isip ko na nakapagpairita sa akin.” Paliwanag nito.

    “Sir, ang sabi ni mommy, kapag ganiyang ang nararamdaman ko, mag-isip lang daw ako ng mga magagandang bagay o pangyayari sa buhay upang mawala yung galit o inis na nararamdaman.” Nakangiting wika nito.

    “Ano ba ang magagandang pangyayari sa buhay mo na gustong gusto mo?” seryosong tanong ni Evren kay Reece. Ngumiti muna ito bago sumagot sa tanong ni Evren.

    “Yung ipinasyal ako ni mommy sa isang park. Dalawa lang kami dahil abala si Dad nuon sa trabaho. Naglalaro kami at masaya kami nang araw na iyon. Doon lang ako nakaranas na maging masaya kasama si Mommy.” Kuwento nito. Hindi naman naiwasan ni Evren na magtanong rito.

    “Bakit, hindi ba kayo close nang daddy mo?” tanong nito kay Reece.

    “Sadly say, but yes. Galit siya lagi sa akin, yes he gave everything to me but I really don’t feel his love. Naalala ko pa noon kapag nariyan sila lolo at lola. Sobrang bait niya sa akin. Niyayakap niya ako nilalambing, nakikipaglaro. Pero nang umalis na sila, everything turns different again. Bumalik siya sa papaging istrikto at walang paki-alam sa akin. Hanggang sa umedad ako ng ganito hindi na siya nagbago. Kaya kapag dumarating ang grandparents ko sa bahay, hindi ako lumalapit kay dad, dahil sigurado na magpapanggap na naman siyang mahal niya ako sa harap nila. The truth is I hate him, kapag nasa bahay siya walang araw na hindi sila nag-aaway ni mommy. Hindi ko nga alam kung paano ako nabuo kung ganoon nila ka-hate ang isa’t isa.” Natatawa na saad nito.

    “Hindi ko alam kung bakit iba ang trato sa iyo ng daddy mo, pero ang nakikita ko sa iyo ay isa kang mabuting bata at anak. Take my advice kid, huwag kang magpapa-apekto sa galit ng daddy mo, just follow your dream. And I will support you.” Wika ni Evren kay reece, matapos ay tumayo ito sa upuan at llumapit sa binata. Bahagya niyang ginulo ang buhok nito saka naglakad palabas ng opisina. Ngunit bago ito tuluyang lumabas muli itong humarap kay Reece at nagsabi, “Tapusin mo na iyan, kakain tayo sa labas.” Wika ni Evren saka tuluyang lumabas ng silid. Naiwan namang nakangiti ang binatang si Reece. Kaya ipinagpatuloy na nito ang ginagawang pagguhit.

    INAASAHAN ni Reece na sa mamahaling restaurant sila kakain, ngunit laking gulat niya na sa isang kilalang fastfood chain sila kakain. Hindi nakatiis ang binata kaya tinanong nito si Evren. “Sir Calvin, I thought  we’re gong to eat some place that … you know, expensive  food,” Reece ask hesistantly, but Evren smiled and answer, “why? do you want to eat to a restaurant? Puwede naman tayong lumabas dito.” Seryosong sagot nito sa binata.

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon