chapter 31

80 3 0
                                    

"Mommy!" tawag ni Reece sa ina mula sa pintuan, dala ang isang paper bag laman ng mga aborito nitong pagkain mula kay Calvin at isang bungkos ng bulaklak. Agad na bumukas ang pinto ng silid at nakita niya ang kaniyang ina, ngumiti ito sa kaniya at yumakap. "Saan ka galing pumunta ako sa silid mo ngunit wala ka roon." Anito, nakita niyang may mga dala ito, agad siyang napangiti rito. "lumabas ka pala, bakit hindi ka nagpaalam sa'kin, nag-alala tuloy ako" ani Isabella sa anak habang hawak ito sa magkabilang pisngi.

"Mom, I'm okay. Para to sa iyo. Maaari ba akon pumasok?" paalam niya sa ina, kaya naman niluwagan ni Isabella ang pagkakbukas ng pinto at pinapasok ang anak. Pina-upo niya ito sa upuan at kinuha ang mga hawak nito. "binili mo ba ito para sa akin?" tanong ni Isabella sa anak.

"May nagpapabigay niyan, pati itong mga pagkain. Ang sabi niya kainin mo raw ang mga ito, para umaan ang pakramdam mo." Wika ni Reece, na ipinagtaka ni Isabella.

"Ang mg salitang iyon, isang tao lang ang nagsasabi sa akin ng ganoon," wika ni Isabella sa sarili kaya naman agad niyang tinignan ang laman ng paperbag, nakita niya na mga paborito niyang pagkain ang naroon. "Tama ako," aniya sa kaniyang sarili, habang tinigtignan ang mga pagkain. "Hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga cravings ko, lalo na kapag may problema ako." Naluluhang wika ni Isabella.

"Mom, can I ask something personal?" tanong ni Reece sa ina, nang makita niyang lumuluha ito nang makita ang kaniyang mga dala, "I have this feeling, na matagal na kayong magkakilala ni Tito calvin." Anito, saka inilabas ang isng nakatiklop na papel. "nabasa ko ang nakasulat rito, he said he misses you, a lot,"

Napatingin bigla si Isabella sa anak saka kinuha ang papel na hawak nito, binasa niya ang nakasulat doon. I Missed you! Nakasaad sa papel na hawak. Hindi napigilan ni Isabella ang maiyak pagkabasa nuon.

"After all this years, akala ko nakalimutan na niya ako." Wika ni Isabella. "Reece," ani Isabella ng makalapit sa anak. "your tito calvin was my ex-boyfriend." Pagsasaad nito sa anak.

MATINDING kaba ang nararamdaman I Calvin ng mga oras na iyon, habang naghihintay sa sasabihin ng kaibigan.

"Calvin, It's ninety-nine point ninety-nine percent! Nag-match ang DNA n'yong dalawa ni Reece!" masayang pagbabalita nito. Natulala lang si Calvin sa nalaman agad na tumulo ang kaniyang luha dahil positibo ang resulta, tama si Isabella, hindi ito nagsisinungaling sa kaniya. kaya naman kinuha niya ang papel na hawak ng kaibigang doctor at tinignan ang nakasaad doon. Napasandal siya sa upuan at itinakip ang mga braso sa mata, malayang umagos ang mga luha niya s akaniyang mga mata, punong-puno ng kagalakan at kasiyahan ang kaniyang puso dahil sa nalaman.

Kaya naman tumayo na siya mula sa pagkakaupo at hinarap ang kaibigan. "Can you please don't tell this anyone, unless kapag sinabi ko na sa iyo, I want to surprise uncle Ronald." Pagdadahilan niya. Tumango naman ito at ngumiti. "don't worry, this secret is safe," anito, nagpasalamat si Calvin rito at nakipagkamay.

Sabik na sumakay si Calvin sa kaniyang sasakyan at mabilis na nagmaneho pauwi sa mansyon, nais niyang sabihin ang magandang balita sa kaniyang Uncle Ronald, pagkarating niya, agad niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan at mabilis na bumaba. Pagpasok niya ng pintuan, excited niyang tinawag ang kaniyang tito. "Uncle Ronald!" sigaw niya, may nakasalubong siyang katulong kaya tinanong niya ito. "nasaan si uncle?"

"Nasa veranda po, sir Calvin, Nagmi-meryenda." Sagot nito. Kaya naman nagmamadaling naglakad si Calvin patungo ng Veanda, inabutan niya ang kaniyang tito na umiinom ng kape habang nagbabasa ng libro. "Uncle Ronald!" masayang tawag niya rito. pagkalapit niya, yumakap siya rito na ipinagtaka naman nito.

"What's wrong, hijo?" nagtatakang tanong nito. Kumalas sa pagkakayakap si Calvin at nakangiting humarap dito.

"Ginawa ko ang payo mo, nagpa-DNA test kami ni Reece." Saad niya.

"And what? What's the result?" excited na wika ng kaniyang Uncle, hinihintay nito kung ano ang naging resulta.

"Nag-match ang DNA naming, tito! Anak ko si Reece! Anak naming siya ni Isabella!" masayang hayag ni Calvin sa kaniyang tito.

Napapikit na lang si Don Ronaldo dahil sa nalaman, halos nangilid ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata. "Thank god! At last may apo na ako!" masayang wika nito kay Calvin. Nagyakap silang dalawa at tinapik ang likod ng isa't isa. "I'm so happy for you, hijo!" pagbati nito. "So, anon a ang plano mo ngayon anak mo pala ang binatilyong iyon?" tanong ng don sa kaniyang pamangkin.

"Gusto ko munang maka-usap si Isabella, nais kong humingi sa kaniya ng tawad sa mga naabi ko sa kaniya. hindi ako naniwala dahil akala ko niloloko lang niya ako at nais lang niyang muling mapalapit sa akin. I was so bad and rude to her that day, tito. Hihingi ako sa kaniya ng tawad sa mga nasabi ko." Aniya, hanggang sa kinuha ni Don Ronaldo ang kaniyang cellphone at may ipinakita ito sa kaniya.

"Tawagan mo, sabihin mo na nais mo siyang mak-usap. Do everything, Calvin. Para makuha ang iyong mag-ina. Bawiin mo sila kay Andrew!" sambit nito.

"Tito, darating tayo riyan, sa ngayn sapat na muna ang nalaman ko na anak ko si Reece. Nais kong makabawi sa kaniya." sagot niya sa kaniyang uncle.

"Well, ikaw ag bahala. Pero sana naman ay muling makadalaw si Reece dito. Nais kong mayakap ang apo ko." Paki-usap ng matanda kay. Tumango naman si Calvin rito at saka inabot ang cellphone na hawak nito. Kinuha niya ang numero ni Isabella at agad itong tinawagan.

ABALA sa pagdidilig ng halaman si Isabella ng mag-ring ang kaniyang cellphone, pagkakita niya, unknown number ang naka-rehistro, kaya naman sinagot niya ito. "Hello, who's this?" tanong niya.

"Isabella, it's me Evren." sagot ng nasa kabilang linya. natulala na lang si Isabella ng marinig at nang magpakilala ito sa kaniya.

"E-evren? Ikaw ba talaga ito?" nanginginig ang boses niya nang magtanong siya rito,

"ako nga, if you have time, can we talk? Hindi puwede rito sa telepono, I want to tell you something important. Magkita tayo." Wika ni Calvin.

"S-sige, pupuntahan na lang kita sa office mo," sagot ni Isabella na kinontra ni Calvin.

"No! sa bahay na lang, isama mo si Reece, nais kasi siyang makita ni Uncle." Anito, na sinang-ayunan naman ni Isabella.

"Okay, bukas, before lunch naroon na kami," sagot nito, saka nawala na sa kabilang linya ang kausap. Nagtataka man hindi maaalis kay Isabella ang gala sa kaniyang puso, mismong si Evren na ang tumawag sa kaniya. 

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon