SA LAGUNA, kung saan nakapagtrabaho si Andrew kasama ang dating kaibigan na si Evren, ngayon ay sarado na dahil inilipat na sa ito ibang lugar. Abandonado na ito at wala nang kahit na sino ang nakatira roon, habang si Andrew ay naghihintay sa dating opisina ng namayapang amo, nakarinig siya ng tunog ng isang sasakyan na papasok ng compound. Ilang saglit lang ay may kumatok na sa pintuan nang, kaya naman agad na pinatuloy ni Andrew ang bagong dating.
"Alex! Mabuti naman at nakarating ka na, kanina pa ako naghihintay sa iyo." Nakangiting wika ni Andrew, ngunit nakita niya ang galit na mukha nito. "Ang balita ko magri-resign ka na, bakit? May dapat ba akong malaman?" seryosong tanong niya rito. ngunit nanatili itong tahimik na nakatingin sa kaniya. "Alex, utang mo sa akin kung ano man ang tinatamasa mo ngayon. Ano man ang sekreto ko ay sekreto mo na rin, magkaibigan tayo hindi ba? Ilang taon na ba ang lumipas? Labing lima? No, maglalabing pitong taon na, Alex. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" hasik nito.
"Ayoko na, Andrew! Napapagod na ako ng sunud nang sunod sa iyo, gusto ko ng mamuhay nang tahimik kasama ng pamilya ko. Mapapakalayo kami, yung malayo sa iyo." Anito, ngunit nakita niya ang galit na mukha ni Andrew, lumapit ito at nakita niya na nakangisi ito. ito ang reaksyon na ayaw makita ni Alex kay Andrew. Dahil alam niya na may binabalak ito. "Andrew, pinili ko na manahimik dahil ayokong mapahamak ang pamilya ko. Ngayon na nakapagdesisyon ako na gawin ang tama," saad ni Alex kahit nilulukob na siya ng takot ng oras na iyon. Narinig niya ang pagpalatak ni Andrew at nakakalokong ngumiti ito.
"Do you think you can escape that easily? Tandaan mo Alex, isa ka sa accomplice ko sa pagpatay sa matandang Martinez. Sa iyo din nagmula ang mga lason na ipinapainom sa asawa nito. So, paano mo tatakasan ang mga iyon? Alex, bahagi ka nang planong iyon, kaya huwag kang magmalinis, pareho natin ginawa ang bagay na iyon, tapos ano? Iiwan mo ako sa ere?!" galit na hasik ni Andrew kay alex.
"Paki-usap Andrew, ayoko na. hindi ako handa na makulong hindi ko kayang malayo sa pamilya ko." Anito, na ikinakunot ng noo ni Andrew, "Bakit?" tanong ni Andrew rito.
"Noong nakaraang buwan lang may isang lalaki na nagtatanong tungkol sa pagkamatay ni Mr. Martinez, ang isinagot ko lang ay kung ano ang isinagot ko noong unang imbestigasyon. Pero itong mga nakaraang linggo lang nakatanggap ako ng Death threat, mula sa di kilalang tao, natakot ang pamilya ko, Kaya iniisip ko na baka nakalaya na si Evren at natuklasan na ang tunay na nangyari." Paliwanag nito.
"Sinubukan mo na bang puntahan sa kulungan kung saan nakakulong si Evren?" tanong ni Andrew rito. tumango si Alex at may ipinakitang dokumento rito.
"Ang sabi roon, nagpakamatay raw si Evren ilang buwan matapos mamatay nang nanay nito. Hindi raw nakayanan ni Evren ang nangyari kaya raw nagpakamatay. Tinanong ko kung saan ito inilibing," at muli na naman itong nagpakita ng larawan mula sa kaniyang Cellphone. "ito, dito nakalibing si Evren. Wala raw kamag-anak ang nagpunta kahit na kaibigan. Kaya naman hindi na nila ito ibinurol, ipinalibing na nila kaagad ang bangkay nito. Pero natatakot pa rin ako dahil ilang beses na akong nakakatanggap ng iba't ibang pananankot mula sa di kilalang tao na iyon. Nagkaka-trauma na ang pamilya ko kaya ilalayo ko na sila para maiiwas sila sa ganoong sitwasyon. Pasensya na Andrew. Inaalala ko lang ang pamilya ko," anito, ngunit nanatiling tahimik si Andrew. Naglakad ito pabalik sa lamesa kung saan naroon nakapatong ang isang bote nang alak. Huminga ng malalim si Andrew at nagsalin ng alak sa dalawang baso.
"Maupo ka na muna, kailangan muna natin pag-isipan ang mga nangyayari. Huwag tayong magpadalus-dalos sa pagdedesisyon." Mahinahong wika ni Andrew kay Alex. Kampante namang naupo ito at kinuha ang isang baso nang alak sa lamesa. Tahimik siyang naka-upo habang si Andrew ay pabalik-balik na naglalakad sa harap ng lamesa. Habang hawak ang bote nang alak at sinasalinang muli ang baso na hawak.
"Alex, wala ka bang ibang sinabihan nang sekreto natin?" tanong ni Andrew rito habang naglalakad patungo sa likod Alex.
"Wala, tulad nang ipinangako ko sa iyo na dadalhin ko hanggang hukay ang sekretong iyon." Anito, hanggang sa naramdaman na lang ni Alex ang isang malakas na pagpalo sa kaniyang ulo. Agad siyang natumba sa sahig habang duguan ang parte ng kaniyang ulo kung saan ipinalo ni Andrew ang bote nang alak sa kaniya. "Sira ulo ka! Anong ginagawa mo?!" pasigaw na tanong ni Alex.
"Naisip ko lang na kailangan mo pala ng tahimik na buhay, maibibigay ko iyon sa iyo. Pero magiging tahimik lang ang buhay mo kapag patay ka na!" mabilis na hinugot ni Andrew ang kaniyang baril na nakatago pala sa kaniyang likuran, at agad na pinaputukan si Alex. Tumumba ang katawan nito na duguan sa sahig. Agad na pinunasan ni Andew ang baril na hawak at inilagay sa nakahantad na palad ni Alex. "Ngayon tahimik ka na," nakangising wika ni Andrew sa harap ng wala nang buhay na katawan ni Alex. "Bring all our secrets with you, six feet under!" saka niya iniwan ito at umalis sajay ng kaniyang sasakyan.
Ilang araw ang lumipas, natagpuaan ang katawan ni Alex, nang isang tao ang pumasok roon at agad nitong ipinaalam sa mga pulis. Lumabas sa imbestigasyon ay nagpakamatay ito, dahil sa mga natatanggap nitong pananakot mula sa di kilalang tao. Sobrang namighati ang pamilya nito dahil sa pagkamatay nang haligi ng kanilang tahanan.
"SIR ANDREW!" humahangos ang sekretarya ni Andrew nang pumasok ito sa loob ng kaniyang opisina. "Narinig n'yo na po ba ang balita?" habol ang hinga ng magtanong ito. kunot nuong napatingin naman si Andrew rito.
"Ano ba iyon, alam mo naman na napakaami natin problema dito sa kumpanya, sa tingin mo magkakaroon pa ako nang oras para diyan?" seryosong saad ni Andrew sa kaniyang sekretarya.
"Sir, yung kaibigan n'yo pong si Sir Alex, natagpuang patay sa lumang pabrika sa laguna." Pagbabalita nito. Natulala si Andrew sa nalaman at agad na tumayo sa kaniyang upuan.
"Ipahanda mo ang sasakyan pupunta ako sa kanila." Aniya, "Yes, sir!" sagot nito. Ngunit napatigil ito ng may maalala, "Sir, hindi ba nangkita pa kayo ni Sir Alex sa laguna?" nagtatakang tanong nito.
"Hindi ako natuloy, dahil may nilakad akong impotante nang araw na dapat magkikita kaming dalawa." Paliwanag ni Andrew rito. "Can you please, tell manong rick to prepare the car? Aalis kami kaagad," aniya upang malihis ang isip nito sa tanong nito kanina. Nang makalabas na ito, muli siyang naupo sa kaniyang upuan at isinandal ang likod rito. "He's one of the mistake I make. Dapat noon pa lang ay ginawa ko na iyon sa kaniya."
"ANDREW, ano itong ginawa mo?" wika ni Alex, gulat at tila nanghilakbot nang makita ang ginawang pagsaksak kay Mr. Martinez, agad itong nilapitan ni Andrew at inambaan ng saksak ngunit lumuhod ito at nagmakaawa. "Paki-usap, Andrew! Huwag mong ituloy may pamilya ako na dapat buhayin. Kapapanganak lang ng asawa ko at nais ko pa silang makasama ng matagal. Pangako ,walang sino man ang maka-aalam ng totoo, ibabaon ko sa libingan ang lahat nang sikreto mo at gagawin ko ang lahat ng gusto mo, huwag mo lang akong patayin!"pagmamakaawa ni Alex kay Andrew. Ngumisi lang si Andrew at pinatayo ito.
"Sige, pero tandaan mo kapag nalaman ko na nagtraydor ka sa akin, hindi ako mangingiming patayin ka!" galit na wika nito na may kahalong pagbabanta rito. Agad na tumango si Alex bilang pagsang-ayon rito.
"HE DESERVE IT!" ani Andrew sa sarili. nagulat siya nang biglang pumasok ulit ang kaniyang sekretarya.
"Sir, Andrew. Ready na po ang sasakyan." Saad nito. Tumango si Andrew at muling tumayo mula sa kaniyang pagkaka-upo. "I came this far, and I will not let anyone ruin everything I've done."
BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
RomanceEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...