chapter 14

82 3 0
                                    


   
    “MAGANDANG umaga po!” masayang pagbati ni Evren kay Don Ronaldo, nasa salas ito at nagkakape.
     “Magandang umaga rin, kumusta ang pagtulog mo?” tanong nito sa binata, habang ito’y pa-upo sa katapat na upuan. “Medyo naninibago, nasanay na po kasi ako sa tinuulugan ko sa kulungan.” ani Evren habang napapakamot sa kaniyang batok. bahagya namang natawa ang si Ronaldo sa sinabi ng binata.
“Well, dapat masanay ka na sa bago mong buhay, dahil simula ngayon dito ka na titira, mamaya darating ang kaibigan ko na nagtuturo sa isang sikat na unibersidad, tutulungan ka niyang matuto sa ibang asignatura. Huwag kang mag-alala mabait iyon at hindi mahigpit, siguradong magkakasundo kayo” paliwanag ng matanda kay Evren.
    “Sige po, tito.” magalang nitong sagot.
    “Maaga kang gising, ang mabuti pa mag-sabay na tayong kumain ng almusal.” anito, tumayo ito sa upuan saka binitawan ang diyaryo na hawak. Patungo na sila nang kusina nang lumapit sa kanila ang isang katulong.
    “Don Ronaldo, nariyan na po si Miss Annie,” saad nito.
    “Sige, salamat. papasukin mo na siya at patuluyin mo sa kusina.” utos nito.
    “Opo,” sagot naman ng katulong.
Habang naglalakad sila, iniisip ni Evren kung ano ang itsura ng magtuturo sa kaniya, “Marahil matanda na ang itsura nito,” aniya, sa kaniyang sarili.
Nasa loob na sila dining area nang mapalingon sila sa isang babae. Matangkad, mahaba ang buhok, at makikita sa postura nito na may kaya ang pamilya. Nang makalapit ito sa kanila ngumiti ito kay sa matanda at nagmano,
    “Annie, hija! mabuti naman at nakarating ka!” ani Don Ronaldo.
    “Ninong, alam mo naman po na hindi kita kayang tanggihan.” anito, ng may ngiti sa labi. “sino po ba ang tuturuan?” tanong nito.
    “O, yes nakalimutan ko, i want you to meet my nephew, Evren, hijo, this is Annie may inaanak.” pagpapakilala nito sa dalawa, nagkamay ang mga ito at ngumiti sa isa’t isa.
    “kumusta, ako si Annie, nasabi sa akin ni Ninong na kailangan kong mag-tutor pero hini ko expect na malaki na ang tuturuan ko,” wika ng dalaga, habang nakangiti sa binata.
    “Well, hija, samahan mo na kami mag-almusal,” aya ni Don Ronaldo sa dalaga.
    “Sige po,” anito, kaya naman naupo na sila at nag-umpisa na silang mag-almusal.

“ANOTHER career that uses mathematics, but less in demanding mathematically than those mention so far, is accountancy.” wika ni Evren habang nagpapaliwanag sa kaniyang Guro. Abala sila sa pag-aaral nang may kumatok sa pintuan.
    “Pasensya na sa abala Miss Annie, pinapatawag po ni Don Ronaldo si senyorito Evren.” anito, habang naka-yuko.
    “Sige, pakisabi na susunod na s’ya.” wika ni Annie sa katulong. kaya naman lumabas na ito at muling isinara ang pinto ng silid. “pumunta ka muna roon, bukas na natin ipagpatuloy ang ating aralin.”
    Tumango si Evren saka tumayo sa kaniyang kinauupuan. “Can we continue this later?” ani Evren bago siya lumabas ng silid, ngumiti naman si Annie sa kaniya saka marahan na tumango.
   “Sure, Why not. I’ll be waiting here.” anito na may ngiti pa rin sa mga labi. pagkasabi nuon ay saka lamang tuluyang lumabas si Evren sa silid.
    Pagkarating niya sa silid ni Don Ronaldo, nakita niya na naka-upo ito at nagbabasa ng mga papeles na nasa lamesa nito. Kaya naman marahan siyang kumatok upang makuha ang atensyon nito, lumingon ito sa kaniya saka ito sumenyas na lumapit siya. Iyon naman ang ginawa ng binata, lumapit siya saka naupo sa katapat na upuan.
    “Alam ko na nagtataka ka kung bakit kita ipinatawag, kahit na nasa kalagitnaan ka ng pag-aaral mo. I was just excited to tell you this important thing.” anito, habang inilalabas ang isang folder sa drawer. nang makuha ay iniabot niya ito sa binata at pinabasa.
    Habang binabasa ito ni Evren, nakikita ni Ronaldo ang pagkunot nang nuo nito. “Ano po ang ibig sabihin nito?” ani evren sa matanda,
    Tumayo si Ronaldo sa kaniyang upuan at lumakad patungo sa likod ni Evren. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat, saka nagwika.
    “I hired a private investigator to check your back ground. and i find out that we are related. nalaman ko rin na ikaw ay nag-iisang anak ng kapatid kong si Ester,” pagsisiwalat nito, na ikinagulat naman ng binata.
    “Kaya ang ibig sabihin nito …” ani Evren habang nakatingin sa matanda.
    “Yes, i am your uncle ronald, Hindi ko alam kung bakit hindi nai-kuwento sa iyo ng iyong ina ang tungkol sa akin, pero napakasaya ko nang malaman ko na pamangkin kita, na anak ka ng nag-iisa kong kapatid.”  anito, habang nananatiling nakakapit sa balikat ng binata ang mga kamay nito.
    “Tito, gusto ko pong malaman ang totoo, anong nangyari kay Inay, paano siya napunta sa ganoong sitwasyon.” wika ni Evren,
    “Well, because of your father, ayaw ni papa sa iyong ama, pero ipinilit pa rin ng iyong ina ang kaniyang gusto, mahal na mahal niya ang iyong ama. Sinabihan ko siya na huwag sumama sa lalaking iyon, pero ang sabi niya siya ang ama ng dinadala niya. Oo, evren.
Ipinagpalit ng iyong ina ang karangyaan, makasama lang ang lalaking ama ng ipinagbubuntis niya.” mahabang kuwento ni Ronaldo sa binata, tila nais namang maiyak ni Evren dahl sa mga nalaman
    “Nagtiis siya na maghirap, ganoong mayaman naman pala ang kaniyang pinanggalingan. halos magkasakit siya at nagtrabaho hanggang sa mapagod ang kaniyang katawan. Nagkasakit siya dahil sa sobrang pagta-trabaho, kaya labing dalawang taon pa lamang ako ay kumayod na ako para makakain kaming dalawa, kinailangan ko rin tumigil sa pag-aaral dahil nais kong suportahan ang kaniyang mga pangangailangan medikal. Bakit niya tiis?!” inis na wika ni Evren, habang umiiyak dahil sa alaala na nais niyang kalimutan.
    “Sorry, Hijo. Kung mas maaga ko lang kayong nakitang mag-ina, hindi n’yo na sana sasapitin ang kahirapan at pagdurusa. mahal na mahal ko ang kapatid ko pero pinagbawalan ako ni papa na tulungan siya, kahit ang lapitan siya. Isang beses tinulungan ko ang iyong ina, nalaman ito ni Papa kaya ipinadala niya ako sa amerika at doon ako pinag-aral. Nang mamatay ang lolo’t lola mo dahil sa isang aksidente, doon lamang ako naka-uwi dito sa pilipinas. Hinanap ko kayo, pero wala na kayo sa dati n’yong tinitirahan. Hanggang sa nakapag-asawa na ako at nagkaanak. Pakiramdam ko, inilalayo talaga ng iyong ina ang kaniyang sarili sa akin. ano man ang dahilan niya, hindi ko na iyon nalaman pa.” mahabang saad ni Ronaldo, saka siya lumuhod sa harap ni Evren.
    Nagulat naman ang binata sa ginawa ni Ronald, “Tito, anong ginagawa mo?” tanong niya rito.
    “Nais kong humingi ng tawad, hijo. kasalanan ko dapat mas pinag-igi ko pa ang paghahanap sa inyong mag-ina.” anito, habang naka-yuko. kaya naman lumuhod din si Evren at niyakap ang matanda. “You don’t have to say sorry, tito Ronald. marahil ay tadhana talaga na mangyari sa amin ang ganoon, ang importante, narito na ako.” ani Evren, habang patuloy sa pagluha.
    “Simula ngayon, ano man ang problema mo, sasabihn mo sa akin. gagawin ko ang lahat para makabaw sa iyo, hijo.” ani Ronaldo sa pamangkin niyang si Evren. Bahagyang natawa ang binata at nagwika.
    “Tito, gusto ko po sanang muling pa-imbestigahan ang aking kaso, but this time i want it secretly. gusto kong malaman ang tunay na nangyari nung gabing pinatay ang dati kong amo na si Ginoong Martinez. posible po ba ang bagay na iyon?” nag-aalangan na tanong ng binata sa kaniyang tito. Ngumiti naman si Ronaldo at nagwika, “Walang imposible sa kapangyarihan ng pera, Evren. We are a wealthy family at lahat ay kaya nating gawin. sabihin mo lang atkaagad nating ipag-uutos,” saad ni Ronaldo, tumango naman si Evren at muling niyakap ang matanda.
    “Salamat po, Tito Ronald.”

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon