chapter 53

100 2 0
                                    

“PAKAKAWALAN ko lang sila kung gagawin ni Isabella na barilin ka. siya mismo ang papatay sa iyo. Dahil doon magiging malinis ako at siya ang makukulong. Magiging labas ako sa kaso sa pagpatay sa iyo.” Sabay tawa ng malakas. “Akalain mo, isang lalaking bilyonaryo, pinatay ng pinakamamahal niyang babae, Pero huwag kang mag-alala, palagi kitang dadalawin sa kulungan.” nakangiting wika ni Andrew, habang naka-akbay rito.

“Hayop ka! hindi ko gagawin ang nais mong buwisit ka!” sigaw ni Isabella kay Andrew habang inaalis ang braso sa kaniyang balikat. “Nasisiraan ka na talaga ng ulo, sa tingin mo gagawin ko ang nais mo?”

“Sige, pumapayag ako. Basta ipangako mo na pakakawalan mo sila.” Sabat ni Calvin sabay tingin kay Isabella, “mahal ko, gawin mo kung iyon lang ang paraan para makaalis kayong dalawa ni Reece.” aniya, habang nakatingin sa mga mata nito.

Bakas ang pagkagulat sa mga mata ni Isabella dahil sa pagpayag nito sa gusto ni Andrew. “No! i’m not doing it, Calvin! Sigurado na may ibang paraan, hindi ko gagawin ang nais ng baliw na ito!”

“Pero ito lang ang paraan para makaalis kayo ng anak natin!” giit ni Calvin kay Isabella. “gawin mo na lang mahal ko, paki-usap para sa kaligtasan niyong dalawa.” Wika nito. Habang sapo sa magkabilang pisngi si Isabella.

Tila natutuwa naman si Andrew sa nakikita niya at naririnig na usapan ng dalawa, kaya naman iniabot niya ang baril kay Isabella ngunit hindi nito kinuha. “Hindi ko kaya, Calvin. paki-usap huwag mong gawin ito!” umiiyak na sambit nito. Kaya naman si Calvin na ang kumuha nang baril kay Andrew at pilit na pinahawak kay Isabella.

“Do ito for me, kaya kong isakripisyo ang sarili ko para sa kaligtasan niyo ni Reece.” tumingin si Calvin sa anak at ngumiti rito.

“Dad, please don’t do this! I need you!” sigaw ni Reece sa ama. Ngunit isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Calvin rito. “Take care of your mom. I love you so much,” wika niya. Matapos ay muli siyang humarap kay Isabella at mahigpit itong niyakap. Matapos nuon ay lumayo siya rito at marahan na tumango.

“Gawin mo na Isabella,” sabi ni Andrew habang nakatingin rito.

Patuloy ang pag-agos ng luha ni Isabella, marahan niyang ini-angat ang baril at itinutok it okay Calvin. kakalabitin na lamang niya ang gatilyo ngunit agad niyang binitawan ang baril at paluhod na bumagsak. “Hindi ko kaya! Ayoko! Ayoko itong gawin, natatakot ako hindi ko kaya!” sambit niya habang luhaan ang mga mata.

Nagulat na lamang si Isabella ng itayo siya ni Andrew at muling ipinahawak ang baril. “Hayaan mo na tulungan kita.” Anito, kaya pilit nitong hinawakan ang mga kamay ni Isabella at saka itinutok ang baril kay Calvin. “huwag kang mag-alala madali lang iyan.” Nakangising wika nito sa tapat ng tainga ni Isabella. Habang si Calvin naman ay nakatingin lang sa kanila.

Muling tumango si Calvin kay Isabella, hudyat na handa na siya. Ngunit umiling lang si Isabella. Dahil hawak ni Andrew ang kamay nito, ito na mismo ang kumalabit ng gatilyo.

Nagulat si Isabella at agad na napatingin kay Calvin. nakita niya na bumagsak ito. mabilis niyang itinapon ang baril at itinulak si Andrew. “Calvin!” sigaw nito. Mabilis niyang dinaluhan ang lalaking kaniyang pinakamamahal. “Calvin, please open your eyes,” aniya, habang ang ulo nito ay nasa kaniyang mga hita. Panay ang kaniyang iyak at masuyo niyang hinahaplos ang pisngi nito.

“Mahal ko, Paki-usap idilat mo ang mga mata mo.” wika niya. Ngunit nananatiling pikit ang mga mata nito.

Isang malakas na palakpak ang narinig ni Isabella mula kay Andrew at tila nagdiriwang ito dahil sa nangyari. “Ngayon wala na siya matatahimik na tayo,” Anito, sumenyas ito sa isa sa tauhan at laking gulat ni Isabella ng ilayo siya sa nakahandusa na katawan ni Calvin. “Ngayon na wala ka na, matatahimik na ako. Maibabalik ko na ang lahat ng kinuha at inagaw mo sa akin!” sigaw ni nito. Kaya naman kinuha niya ang baril sa lupa na binitawan ni Isabella at muling itinutok rito. sisiguraduhin ko na mawawala ka na talaga ng tuluyan, paalam Calvin Del Fierro!”

Ngunit bago pa man nito makalabit ang gatilyo, bigla na lamang nitong binitawan ang baril at agad na napaluhod. Hinawakan niya ang kaniyang tagiliran, nakita niya na dumudugo na ito. nakaramdam siya ng panghihina at mabilis na napahiga.

Mabilis siyang nilapitan ng kaniyang mga tauhan upang siya’y daluhan. Ngunit sa kanilang pagkabigla, isa isa silang nagtutumbahan.

Kitang kita ni Andrew ang mga nangyayari kaya naman nagtataka siya. Ngunit ang isa sa kaniyang ikinagulat ay ang pagbangon ni Calvin na tila walang nangyari. Mabilis na nanakbo si Isabella papalapit rito at mahigpit na niyakap ito, kasunod ang kanilang anak na si Reece.

“P-paanong…” nagtatakang tanong nito.

Kaya naman humarap si Calvin rito at ngumiti. “hindi ako tanga, Andrew. pumayag ako sa gusto mo pero hindi mo na isip na pinaghandaan ko ang sitwasyong ito. kaya naman hinubad niya ang suot na damit at ipinakita ang suot na bulletproof vest. “nagsuot ako nito incase na makaisip ng ng ganitong bagay.” Saad niya rito. “ kanina ng niyakap ko si Isabella sinabi ko sa kaniya kung saan niya ako dapat barilin, pero ikaw ang kumalabit ng gatilyo. Mabuti na lamang at sakto lang ang pagkakatama mo. kaya naman umayon pa rin sa plano,” wika niya. “ it’s over, Andrew. talo ka na, Nahuli na ang mga tauhan mo, kaya sumuko ka na.”

Hindi nagtagal nagpasukan na ang mga pulis sa kanilang kinaroroonan at hinuli ng mga ito si Andrew.

Mahigpit naman nagyakap sina  Calvin, Isabella at ng kanilang anak na si Reece.

“Natakot ako kanina, Paano kung tumagos yung bala sa vest mo o kaya ay tamaan ka sa ibang parte ng katawan mo?!” inis ngunit nag-aalala an wika ni Isabella kay Calvin.

“Natakot ako, Dad, akala ko mawawala ka na talaga.” Sabat naman ni Reece.

Napangiti lang si Calvin sa kaniyang mag-ina kaya naman niyakap na lamang niya ang mga ito saka dinampian ng halik sa noo. “sinabi ko na gagawin ko ang lahat ngunit hindi kasama sa option ko ang mamatay kaagad.” Natatawang wika ni Calvin. “Ang mabuti pa umuwi na tayo.”

Magkaka-akbay silang lumabas ng gusali na may mga ngiti sa labi.

“Sa wakas, natapos rin,”  usal ni Calvin sa sarili.

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon