Chapter 20

100 2 0
                                    

    “EVREN? I-iyon ang pangalan mo?” tila nais mautal ni Evren sa narinig. “You’re the son of Andrew and Isabella Dela Cruz?” tanong nito sa binatang kaharap, habang nakangiti ito sa kanya. “And mabuti pa bumalik ka na sa mga magulang mo, baka hinahanap ka na nila.” Wika niya rito, ngunit nanatili itong nakatingin sa kaniya. Kaya muli niya itong tinanong, “May problema ba? Hindi ka pa ba nakapunta ng banyo?” nakita niyang umiling ito kaya bahaya siyang natawa. “Halika, sasamahan na kita at baka kung saang silid ka na naman mapasok!” natatawang saad ni Evren dito, kaya sinamahan na niya ito.

    Ilang saglit lang ay nakatapos na sa paggamit ng banyo si Reece, “Salamat po ulit, pasensya na rin sa abala.” Hingi nito ng paumanhin.

    “Wala iyon, may kailangan ka pa ba?” tanong ni Evren kay Reece. Tumango naman ito sa kaniya at nagsalita.

    “Gusto kop o sanang makita ulit yung mga disenyo mo, hilig ko rin po kasi ang gumawa ng mga ganoon, pero ayaw naman ni Daddy, mag-architect daw ako dahil iyon daw ang nababagay sa katulad ko,” malungkot nitong paliwanag. Tila nais naman mainis ni Evren sa nalaman.

    “That son of a b***h, kahit sa anak, ayaw magpasapaw!”  galit na wika ni Evren sa sarili, kaya naman tinapik niya ito sa balikat at ngumiti. “I can teach you, If you want?” aniya, nakita ni Evren na agad na nagliwanag ang mukha nag binata.

    “Really? Ofcourse I do!” masayang sambit ni Reece. Nagulat na lamang si Evren ng bigla siya nitong yakapin. “ Thank you po! pangako, hindi ako magiging pasaway na estudyante.” Anito, na may ngiti sa labi. Natuwa naman si Evren dahil nakita niya ang mga ngiti nito. “Masaya ka, reminder, hindi ako magiging mabait na guro,” paalala niya rito. Ngunit sa halip na sumimangot o ma-disappoint, nakita ni Evren dito ang determinasyong matuto. “I just seen myself to him when I was young as him”  wika ni Evren sa sarili. “Sige na, bumalik ka na sa magulang mo at baka nag-aalala na sila.” Saad niya rito, muli siya nitong niyakap at saka nagmamadaling lumabas ng mansion.

    “What a kid, Siguro kung hindi ako nakulong, baka may anak na kami ni Isabella at baka kasing Edad na rin niya iyon.” Aniya, habang magka-krus ang mga braso sa dibdib. Napapa-iling na lamang siyang naglakad pabalik sa kaniyang silid.

    “REECE! Saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap ng daddy mo!” wika ni Isabella sa anak, ngumiti si Reece sa ina at yumakap. “Sorry, Mommy, Dad. Naghanap kasi ako ng restroom, medyo naligaw ako, ang laki kasi ng mansion, hindi naman ako makapagtanong sa mga kasambahay nila dahil abala lahat. Mabuti na lang may isang ginoo ang tumulong sa akin, sobrang bait niya, mommy! At pareho kami ng hobby!” masayang wika nito sa magulang. Natawa lang si Isabella sa reaksyon ng anak.

    “Ikaw talaga! Ang mabuti pa umalis na tayo. Nais ko nang magpahinga.” Ani Isabella sa anak. Kaya naman lumabas na sila at agad na sumakay ng sasakyan. Pansin ni Isabella ang pagiging tahimik ng asawa. Kaya naman malambing niya itong kina-usap.

    “Andrew, may problema ba?” tanong niya rito, ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. Nanatili lang itong tahimik at nakatutok sa pagmamaneho. Pagdating nila sa kanilang tahanan agad na pinaakyak ni Andrew ang anak na si Reece sa silid nito.

    “Reece, go to room now!” Galit nitong sigaw sa anak. Kaya ang kaninang masayang pakiramdam ni Reece ay napalitan ng sama ng loob at galit sa ama. Sinunod na lamang nito ang utos ng ama, tumingin muna siya sa kanyang ina bago tuluyang lumayo rito. Nang wala na si Reece, agad na hinablot ni Andrew si Isabella at hinawakan sa braso. “Andrew!” sambit ni Isabella sa asawa. “Ano ba? Nasasaktan ako!”

   “Akala mo ba na kanina pa ako nagpipigil ng galit ko sa iyo!” hasik nito, “nakita kong gustong-gusto mo ang pakikipagsayaw sa Calvin Del Fierro na iyon, bakit mas masaya ba siyang kasayaw kaysa sa’kin? Tandaan mom kung hindi dahil sa akin, nakalugmok ka sa kahihiyan! Inako ko ang batang dinadala mo, na anak n’yo nang kriminal na iyon!” sumbat nito, habang galit na galit na nakatitig sa asawa.

    “Bakit? Sino ba ang nagsabi sa iyo na panagutan mo ako? Kusa kang nagprisinta, walang nag-utos sa iyo, kung hindi lang sa magulang ko, hindi ko pakakasalan ang katulad mo!” sigaw ni Isabella kay Andrew. Pilit niyang inalis ang kamay nito sa pagkakahawak sa kaniya at ng bitawan na siya nito, mabilis siyang naglakad patungo sa kanilang silid. Umiiyak  siya habang hinuhubad ang suot na damit. Pumasok siya nang banyo at itinapat ang sarili sa tapat ng shower.

    “Evren, nasaan ka na ba?” aniya, habang umiiyak, kasabay ng agos ng tubig sa kaniyang mukha.

    “My God, Isabella,  What have you done!” galit na wika ng ama ni Isabella.

   “Papa, I’m sorry. Mahal namin ni evren ang isa’t isa at anak namin ang batang ito. ako mismo ang magpapalaki sa kaniya, kaya ko ito, papa.” Paki-usap ng dalaga sa kaniyang ama.

  “Honey, ano na  lang ang sasabihin ng mga tao sa atin, na may anak tayong digrasyada, nakakahiya!” wika ng kaniyang ina. “pumayag kami na makipagrelasyon ka kay Evren, pero bakit ka pumayag na may mangyari sa inyo!” sigaw ng kaniyang ina, “ngayon buntis ka na, nasaan na ang lalaking ipinagmamalaki mo?” sambit nito sa dalaga.

    “Mama. . .” naputol ang kaniyang sasabihin ng biglang bumukas ang kanilang pintuan.

    “Ako po, aakuin ko ang responsibilidad, pakakasalan ko si Isabella.”

Naputol ang kaniyang pag-iisip ng may kumatok sa pinto ng banyo.

    “Dear, can we talk?” tinig mula sa labas ng pinto.

   “Andrew, nag-uusap tayo kanina, pero anong ginawa mo?” inis na sagot niya rito.

   “I’m sorry, please let’s talk.” Paki-usap nito.

    “Leave me alone, Andrew, please!” paki-usap din niya rito. Ilang saglit pa ay hindi na niya ito naririnig na nagsasalita. Kaya naman tinapos na niya ang paliligo at saka siya lumabas ng banyo. Paglabas niya wala na r’on ang kaniyang asawa. Kaya naman nagbihis na siya at naghanda ng matulog ng marini niya ang marahan na katok sa pintuan.

   “Andrew, I said I don’t want to talk!” sigaw niya rito. Ngunit nagulat na lamang siya ng bumukas ito at iniluwal doon ang kaniyang anak na si Reece. “Hijo, come in. I thought it’s your father.” Aniya, nang palapitin ang anak.

   “Sorry, mom. Nag-away na naman kayo ni Dad dahil sa akin.” Malungkot na wika ni Reece sa ina. Nakaramdam naman ng awa si Isabela sa anak kaya naman niyakap niya ito.

    “Huwag mong kaming intindiin ng iyong ama. Medyo naka-inom na kasi siya kanina kaya siya ganoon.” Paliwanag niya sa anak. Tumango lang ang binata at saka ngumiti ng matamis sa ina. “So, why are you here? May kailangan ka?” tanong ni Isabella sa anak.

    “Mommy, I met someone at the party and…” naputol ang pagsasalita nito ng magsalita ang kaniyang ina. “Babae ba?” anito, natawa na lang ang binata, dahil sa sinabi ng ina. “hindi po, it’s a he, mom! Siya yung sinasabi ko po sa inyo na tumulong sa akin. Sobrang bait niya, at pareho kami ng hilig, Mommy. Gusto ko sanang magpaturo sa kaniya,” saad niya sa ina.

    “Are you sure?” tanong ni Isabella sa anak. Tumango ito sa kaniya bilang sagot.

    “Pero nangangamba ako na baka malaman ni daddy, For sure na mag-aaway na naman kayong dalawa.” Malungkot nitong wika sa ina. Hinawakan ito ni Isabella sa pisngi at matamis na ngumiti rito.

     “Just go, don’t mind me and your dad. Just follow your dreams follow what you like your passion. Huwag mo nang pilitin ang sarili mo sa bagay na hindi mo naman gusto, Huwag kang mag-alala susuportahan kita.” Wika ni Isabella sa anak, “Thank you, Mommy.” Ani Reece sa ina at niyakap ito ng mahigpit.

Revenge of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon